1Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling.
1司法公正“不可傳播謠言,也不可與惡人攜手作假見證。
2Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan:
2不可隨眾行惡,不可在訴訟的事上隨眾說歪曲正義的話;
3Ni huwag mo ring kikilingan ang dukha sa kaniyang usap.
3也不可在訴訟的事上偏護窮人。
4Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya.
4“如果你遇見你仇敵的牛或是驢走迷了路,就應該把牠牽回來給他。
5Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo, na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan, at ayaw mo mang alisan ng pasan, ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon.
5如果你看見恨你的人的驢伏在重擔之下,不可走開不理牠,你應該與驢主一同卸下重擔。
6Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap.
6不可在窮人訴訟的事上歪曲正義。
7Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama.
7要遠離虛假的事;不可殺無辜和正義的人,因為我決不以惡人為義人。
8At huwag kang tatanggap ng suhol: sapagka't ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin, at sinisira ang mga salita ng mga banal.
8不可受賄賂,因為賄賂能使明眼人變瞎,又能歪曲義人的話。
9At ang taga ibang lupa ay huwag mong pipighatiin sapagka't talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa, yamang kayo'y naging mga taga ibang lupa, sa lupain ng Egipto.
9不可壓迫寄居的,因為你們在埃及地也作過寄居的,知道寄居者的心情。
10Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon:
10安息年與安息日“六年之內你要耕種田地,收取地的出產;
11Datapuwa't sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan, upang kumain ang dukha sa iyong bayan: at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid. Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan.
11但是第七年,你要讓地歇息,不耕不種,使你民間的窮人可以有吃的;他們吃剩的,田間的野獸可以吃;你的葡萄園和橄欖園,也要這樣作。
12Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga.
12六日之內,你要作你的工;但第七日你要安息,好使你的牛和驢可以歇息,並且使你婢女的兒子和寄居的也可以有時間喘息一下。
13At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.
13我對你們所說的一切,你們都要小心謹守,你們不可提別神的名,也不可讓人從你的口中聽到。
14Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin, sa bawa't taon.
14當守的三個節期(出34:18~26;申16:1~17)“每年三次,你要為我守節。
15Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); at walang lalapit sa harap ko na walang dala:
15你要守無酵節,要照我吩咐的,在亞筆月內所定的日期,吃無酵餅七天,因為你是在這個月從埃及出來的。你們不可空手朝見我。
16At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.
16又要守收割節,就是收在田間你勞碌耕種所得初熟之物的節;也要在年底守收藏節,就是在田間收集你勞碌所得之物的時候。
17Makaitlo sa bawa't taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios.
17一年三次,你所有的男丁都要朝見主耶和華的面。
18Huwag mong ihahandog ang dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o iiwan mo man ang taba ng aking pista sa buong magdamag hanggang sa kinaumagahan.
18“你不可把我祭牲的血和有酵的餅一同獻上;也不可把我節日祭牲的脂油留過夜到早晨。
19Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
19要把你地上最上好的初熟之物帶到耶和華你 神的殿中。不可用山羊羔母的奶去煮山羊羔。
20Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo.
20應許與訓誨“看哪,我在你面前差派使者,好在路上保護你,領你到我預備的地方去。
21Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya.
21你們在他面前要謹慎,要聽他的話,不可違背他;不然,他必不赦免你們的過犯,因為他是奉我的名來的。
22Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.
22如果你實在聽他的話,遵行我吩咐的一切,我就要作你仇敵的仇敵,作你敵人的敵人。
23Sapagka't ang aking anghel ay magpapauna sa iyo at dadalhin ka sa Amorrheo, at sa Hetheo at sa Perezeo, at sa Cananeo, at sa Heveo, at sa Jebuseo, at aking lilipulin.
23我的使者必在你前面走,領你到亞摩利人、赫人、比利洗人、迦南人、希未人、耶布斯人那裡去;我要把他們除掉。
24Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala.
24你不可跪拜他們的神像,也不可事奉它們,不可作他們所作的,不可模仿他們的行為,卻要把神像完全拆毀,打碎他們的柱像。
25At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.
25你們要事奉耶和華你們的 神,他就必賜福你的糧和你的水,我也必從你們中間除去疾病。
26Walang babaing makukunan, o magiging baog man, sa iyong lupain: ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin.
26在你的境內,必沒有流產和不育的婦女;我必使你一生的壽數滿足。
27Aking susuguin ang sindak sa unahan mo, at aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan, at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway.
27我必在你面前展露我的威嚴;凡你所到的地方,我必使那裡的人民慌亂,又使你所有的仇敵都轉背而逃。
28At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo, na magpapalayas sa Heveo, sa Cananeo at sa Hetheo, sa harap mo.
28我必在你面前打發大黃蜂,把希未人、迦南人、赫人,都從你面前驅逐出去。
29Hindi ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon; baka ang lupa'y maging ilang, at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo.
29我不在一年之內把他們從你面前驅逐出去,恐怕這地變為荒涼,又恐怕田野間的走獸多起來害你。
30Untiunting aking palalayasin sila sa harap mo, hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain.
30我要漸漸地把他們從你面前驅逐出去,等到你的人數增多起來,承受那地為止。
31At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates: sapagka't aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo.
31我要限定你的境界,從紅海直到非利士海,從曠野直到大河。我要把那地的居民交在你手中,你要把他們從你面前驅逐出去。
32Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni sa kanilang mga dios.
32不可與他們和他們的神立約。
33Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa akin: sapagka't kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios, ay tunay na magiging silo sa iyo.
33不可讓他們住在你的境內,恐怕他們使你得罪我;如果你事奉他們的神,這必成為你的網羅。”