1Bukod dito'y gagawin mo ang tabernakulo na may sangpung tabing; na linong pinili, at bughaw, at kulay-ube, at pula, na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa, iyong gagawin.
1幕幔的做法(出36:8~19)“你要用十幅幔子來做會幕;幔子要用撚的細麻、藍色紫色朱紅色線做成,並要用巧工繡上基路伯。
2Ang magiging haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan.
2每幅幔子要長十二公尺,寬兩公尺,每幅幔子都要一樣的尺寸。
3Limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa.
3其中五幅幔子要彼此相連,另外五幅幔子也要彼此相連。
4At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong, at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong.
4其中一組相連的幔子最後一幅的邊上,你要做藍色的鈕扣;在另一組相連的幔子最後一幅的邊上,你也要這樣做。
5Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing, at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong; ang mga presilya ay magkakatapat na isa't isa.
5在這幅幔子上,你要做五十個鈕扣;在另一組幔子最後一幅的邊上,你也要做五十個鈕扣,這些鈕扣要彼此相對。
6At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit; at magiging isa lamang.
6你要做五十個金鉤,又要用鉤使幔子相連起來,成為一整個會幕。
7At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang iyong gagawin.
7“你要用山羊毛做幔子,作會幕上面的帳棚,你要做十一幅幔子。
8Ang magiging haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat.
8每幅幔子要長十三公尺,寬兩公尺,十一幅幔子都要一樣的尺寸。
9At iyong papagsusugpungin ang limang tabing, at gayon din ang anim na tabing, at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo.
9你要把五幅幔子連在一起,又把另外六幅幔子連在一起,你要在帳棚前面把第六幅幔子摺疊起來。
10At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong, at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong.
10在這一組相連的幔子最後一幅的邊上,你要做五十個鈕扣;在另一組相連的幔子最後一幅的邊上,也要做五十個鈕扣。
11At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso, at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa.
11你又要做五十個銅鉤,把鉤穿進鈕扣中,使帳棚連起來,成為一整個帳棚。
12At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda, na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo.
12帳棚的幔子多出的那部分,即垂下來的半幅幔子,要垂在會幕的後面。
13At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda, ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo, sa dakong ito at sa dakong yaon, upang takpan.
13帳棚幔子多出的長度,要這邊五十公分,那邊五十公分,並且要在會幕的兩邊,遮蓋會幕。
14At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula, at isang pangtakip na balat ng poka, sa ibabaw.
14你又要用染紅的公羊皮做帳棚的頂蓋,在上面再蓋上海狗皮。
15At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, na kahoy na akasia na mga patayo.
15幕板的做法(出36:20~34)“你要用皂莢木做會幕的豎板,
16Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla, at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa't tabla.
16每塊板要長四公尺,寬六十六公分。
17Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa't tabla na nagkakasugpong na isa't isa: ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo.
17每塊木板要有兩個榫頭,彼此連接,會幕的一切木板你都要這樣做。
18At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo: dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan.
18你要給會幕做木板;給南邊,就是向南的一面,做二十塊木板,
19At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa:
19在這二十塊板底下,你要做四十個銀插座;每塊木板底下有兩個插座連接它的兩個榫頭。
20At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla:
20你也要給會幕的另一邊,就是北面,做二十塊木板,
21At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla.
21和四十個銀插座。這塊木板底下有兩個插座,那塊木板底下也有兩個插座。
22At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla.
22給會幕的後面,就是西面,你要做六塊木板。
23At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.
23在會幕後面的兩角上,你要做兩塊木板。
24At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok.
24木板的下截是要雙的,一直連到上面的第一環那裡,都是要雙的。兩塊都要這樣做,要成為兩隻角。
25At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla.
25所以要有八塊木板,和十六個銀插座,這塊木板底下有兩個插座,那塊木板底下也有兩個插座。
26At gagawa ka ng mga barakilan, na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo;
26“你要用皂莢木做橫閂,為會幕這邊的木板做五個橫閂,
27At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran.
27為會幕那邊的木板也做五個橫閂,又為會幕的後邊,即西邊的木板,也做五個橫閂。
28At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila.
28木板中部的中閂,要從這一端通到那一端,
29At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla, at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan: at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan.
29木板要包金,你也要做板上的金環,用來穿上橫閂,橫閂也要包金。
30At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon, na ipinakita sa iyo sa bundok.
30你要照著在山上指示你的樣式立起會幕。
31At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari:
31幔子的做法(出36:35~36)“你要用藍色紫色朱紅色線和撚的細麻做幔幕,並且要用巧工繡上基路伯。
32At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak.
32你要把幔幕掛在四根包金的皂莢木柱子上,柱上有金鉤,柱腳安在四個銀插座上。
33At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.
33你要把幔幕掛在鉤子上,把法櫃抬進幔幕裡面,這幔幕要給你們把聖所和至聖所分開。
34At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako.
34你要把施恩座安在至聖所內的法櫃上。
35At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan: at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan.
35你要把桌子放在幔幕外,把燈臺放在會幕的南邊,與桌子相對;把桌子安在北面。
36At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube, at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda.
36門簾和柱子的做法(出36:37~38)“你要給帳幕的門口做塊簾子,要用藍色紫色朱紅色線和撚的細麻編織而成。
37At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin: at ipagbububo mo ng limang tungtungan.
37你又要用皂莢木為簾子做五根柱子,柱子要包金,柱上有金鉤,你也要為柱腳鑄造五個銅插座。”