1At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, Sa iyong binhi ay aking ibibigay.
1 神命令以色列人起行耶和華對摩西說:“你和你從埃及地領出來的人民要離開這裡,上我曾經起誓應許給亞伯拉罕、以撒、雅各的地去,我曾應許:‘我要把這地賜給你的後裔。’
2At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:
2我要差派使者在你前面;我要把迦南人、亞摩利人、赫人、比利洗人、希未人、耶布斯人趕出去,
3Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.
3你們要上那流奶與蜜的地方去;我不與你們一同上去,因為你們是硬著頸項的人民,免得我在路上把你們消滅。”
4At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, ay nanangis sila: at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.
4人民一聽見這凶信,就悲傷起來,也沒有人穿戴裝飾。
5At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.
5耶和華對摩西說:“你要對以色列人說:‘你們是硬著頸項的民;我若是霎時間與你們同行,我會把你們消滅的;所以,現在你們要把你們身上的裝飾脫下來,使我知道我要怎樣處置你們。’”
6At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.
6於是,以色列人從何烈山以後,就把身上的裝飾脫下來。
7Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.
7會幕摩西一向把會幕支搭在營外,離營遠些;摩西稱它為會幕。凡是尋求耶和華的,就出到營外的會幕那裡去。
8At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.
8摩西出營到會幕去的時候,全體的人民都起來,各人站在自己帳幕的門口,望著摩西,直到他進了會幕。
9At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.
9摩西進會幕的時候,就有雲柱降下來,停在會幕門口上面;耶和華就與摩西談話。
10At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.
10全體的人民看見了雲柱停在會幕門口上面,就都起來,各人在自己帳幕的門口下拜。
11At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.
11耶和華與摩西面對面說話,好像人對朋友說話一樣。然後,摩西回到營裡去,只有他的侍從,一個少年人,就是嫩的兒子約書亞,不離開會幕。
12At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.
12摩西的祈求與耶和華的榮耀摩西對耶和華說:“看,你吩咐我說:‘把這百姓領上去’,可是你卻沒有讓我知道你要差派誰與我同去;只是你曾經說過:‘我按著你的名字認識你,你在我眼前也蒙了恩。’
13Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan.
13現在我若是在你眼前蒙恩,求你把你的道路指示我,使我可以認識你,可以在你眼前蒙恩;也求你想到這民族是你的人民。”
14At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.
14耶和華說:“我必親自與你同去,也必給你安息。”
15At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.
15摩西對他說:“你若是不親自與我們同去,就不要把我們從這裡領上去。
16Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?
16人在甚麼事上可以知道我和你的人民在你眼前蒙恩呢?不是因為你與我們同去,使我和你的人民可以和地上所有的人有分別嗎?”
17At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.
17耶和華對摩西說:“你所說的這件事我也要作,因為你在我眼前蒙恩,並且我按著你的名字認識了你。”
18At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.
18摩西說:“求你給我看看你的榮耀。”
19At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.
19耶和華說:“我要使我的一切美善都在你面前經過,並且要把我的名字耶和華在你面前宣告出來;我要恩待誰,就恩待誰;我要憐憫誰,就憐憫誰。”
20At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.
20他又說:“你不能看我的臉,因為沒有人看見了我還能活著。”
21At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:
21耶和華說:“看哪,我這裡有個地方,你要站在磐石上。
22At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:
22我的榮耀經過的時候,我要把你放在磐石隙中,我要用我的手掌遮蓋你,直到我過去了。
23At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.
23然後,我要收回我的手掌,你就會看見我的背後,卻不能看見我的臉。”