Tagalog 1905

聖經新譯本

Ezekiel

28

1Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
1耶和華的話臨到我說:
2Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;
2“人子啊!你要對推羅的君王說:‘主耶和華這樣說:因為你心裡高傲,說:我是神;我在海的中心、坐在神的寶座上。其實你不過是人,並不是神,你心裡卻自以為是神。
3Narito, ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo;
3你比但以理更有智慧!任何祕密的事都不能隱瞞你!
4Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman;
4你靠著自己的智慧和聰明,為自己得了財富,把所得的金銀放進自己的府庫裡。
5Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan;
5你靠著自己在貿易上的大智慧,增添你的財富,你又因自己的財富心裡高傲。
6Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios,
6因此,主耶和華這樣說:因為你心裡自以為是神,
7Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan.
7所以我要使外族人,就是列國中最強橫的人,來攻擊你;他們要拔出刀來,攻擊你用智慧得來的美物,玷污你的光彩。
8Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat.
8他們必使你下到坑中,你必被殺害,死在海的中心。
9Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.
9在殺戮你的人面前,你還能說:我是神嗎?在那些殺害你的人手裡,你不過是人,並不是神。
10Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagka't ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.
10你必死在外族人手裡,與未受割禮的人一樣,因為這是我曾說過的,這是主耶和華的宣告。’”
11Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
11耶和華的話又臨到我說:
12Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.
12“人子啊!你要為推羅王作一首哀歌,對他說:‘主耶和華這樣說:你是完美的典範,滿有智慧,全然美麗。
13Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.
13你曾在伊甸、 神的園中,有各樣的寶石作你的衣服,就是紅寶石、紅璧璽、金鋼石、水蒼玉、紅瑪瑙、碧玉、藍寶石、綠寶石和紅玉;寶石座是用金製造的,這些都是在你被造的日子就預備好了的。
14Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.
14你是護衛寶座的、受膏的基路伯;我安置你在 神的聖山上,你在閃耀如火的寶石中間行走。
15Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
15從你被造的日子起,你的行為都無可指摘,直到在你中間有了罪孽為止。
16Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
16因你的貿易昌盛,你中間就充滿了強暴的事,你也犯了罪,所以我把你當作污穢之物,從 神的山把你拋棄。護衛寶座的基路伯啊!我要把你從閃耀如火的寶石中除掉。
17Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.
17你因自己的美麗心裡高傲,又因你的光彩敗壞了你的智慧。所以我把你拋在地上;放在列王面前,好讓他們觀看。
18Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.
18你因罪孽眾多,又因貿易上的罪惡,玷污了你的聖所,因此我使火從你中間出來,這火要吞滅你。我要在所有觀看你的人眼前,把你變為地上的灰燼。
19Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.
19萬族中認識你的,都必因你驚駭;你必遭遇可怕的災禍,你就永遠不再存在了。’”
20At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
20西頓遭報耶和華的話臨到我說:
21Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa Sidon, at manghula ka laban doon,
21“人子啊!你要面向西頓,說預言攻擊它,
22At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Sidon; at ako'y luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y naglapat ng kahatulan sa kaniya, at aariing banal sa kaniya.
22你要說:‘主耶和華這樣說:西頓啊,我要與你為敵!我要在你中間得榮耀。我在它身上施行審判,彰顯我的聖潔的時候人就知道我是耶和華。
23Sapagka't ako'y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
23我必使瘟疫進入西頓,使血流在它的街上;必有刀劍四圍攻擊它,使被殺的人倒在城中,人就知道我是耶和華。
24At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.
24四圍一切恨惡以色列家的人,必不再向他們作刺人的荊棘、使人痛苦的蒺藜。人就知道我是主耶和華。
25Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob.
25以色列的復興“‘主耶和華這樣說:我把以色列家從他們所分散到的萬族中招聚回來的時候,我必在他們身上向列國顯為聖,以色列家必在自己的地方,就是賜給我僕人雅各的地。
26At sila'y magsisitahang tiwasay roon, oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka ako'y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios.
26他們必安然居住,建造房屋,栽種葡萄園;我向四圍所有恨惡他們的人施行審判以後,他們必安然居住;人就知道我是耶和華他們的 神。’”