1Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.
1律法既然是以後要來的美好事物的影子,不是本體的真象,就不能憑著每年獻同樣的祭品,使那些進前來的人得到完全。
2Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.
2如果敬拜的人一次得潔淨,良心就不再覺得有罪,那麼,獻祭的事不是早就停止了嗎?
3Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.
3可是那些祭品,卻使人每年都想起罪來,
4Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
4因為公牛和山羊的血不能把罪除去。
5Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;
5所以,基督到世上來的時候,就說:“祭品和禮物不是你所要的,你卻為我預備了身體。
6Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
6燔祭和贖罪祭,不是你所喜悅的;
7Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
7那時我說:‘看哪!我來了,經卷上已經記載我的事, 神啊!我來是要遵行你的旨意。’”
8Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),
8前面說:“祭品和禮物,燔祭和贖罪祭,不是你所要的,也不是你所喜悅的。”這些都是按照律法獻的;
9Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.
9接著又說:“看哪!我來了,是要遵行你的旨意。”可見他廢除那先前的,為要建立那後來的。
10Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.
10我們憑著這旨意,藉著耶穌基督一次獻上他的身體,就已經成聖。
11At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:
11所有的祭司都是天天站著事奉,多次獻上同樣的祭品,那些祭品永遠不能把罪除去。
12Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
12唯有基督獻上了一次永遠有效的贖罪祭,就在 神的右邊坐下來。
13Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.
13此後,只是等待 神把他的仇敵放在他的腳下,作他的腳凳。
14Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.
14因為他獻上了一次的祭,就使那些成聖的人永遠得到完全。
15At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,
15聖靈也向我們作見證,因為後來他說過:
16Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
16“主說:‘在那些日子以後,我要與他們所立的約是這樣:我要把我的律法放在他們的心思裡面,寫在他們的心上。’”
17At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.
17又說:“我決不再記著他們的罪惡,和不法的行為。”
18At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.
18這一切既然都赦免了,就不必再為罪獻祭了。
19Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,
19勸勉和警告所以,弟兄們!我們憑著耶穌的血,可以坦然無懼地進入至聖所。
20Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
20這進入的路,是他給我們開闢的,是一條通過幔子、又新又活的路,這幔子就是他的身體。
21At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;
21我們既然有一位偉大的祭司治理 神的家,
22Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
22我們良心的邪惡既然被灑淨,身體也用清水洗淨了,那麼,我們就應該懷著真誠的心和完備的信,進到 神面前;
23Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako:
23又應該堅持我們所宣認的盼望,毫不動搖,因為那應許我們的是信實的。
24At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;
24我們又應該彼此關心,激發愛心,勉勵行善。
25Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
25我們不可放棄聚會,好像有些人的習慣一樣;卻要互相勸勉。你們既然知道那日子臨近,就更應該這樣。
26Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
26如果我們領受了真理的知識以後,還是故意犯罪,就再沒有留下贖罪的祭品了;
27Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.
27只好恐懼地等待著審判,和那快要吞滅眾仇敵的烈火。
28Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
28如果有人干犯了摩西的律法,憑著兩三個證人,他尚且得不到憐憫而死;
29Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
29何況是踐踏 神的兒子,把那使他成聖的立約的血當作俗物,又侮辱施恩的聖靈的人,你們想想,他不是應該受更嚴厲的刑罰嗎?
30Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.
30因為我們知道誰說過:“伸冤在我,我必報應。”又說:“主必定審判他自己的子民。”
31Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
31落在永活的 神手裡,真是可怕的。
32Datapuwa't alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;
32要忍耐行完 神的旨意你們要回想從前的日子,那時,你們蒙了光照,忍受了許多痛苦的煎熬;
33Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.
33有時在眾人面前被辱罵,遭患難;有時卻成了遭遇同樣情形的人的同伴。
34Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal.
34你們同情那些遭監禁的人;你們的家業被搶奪的時候,又以喜樂的心接受,因為知道自己有更美長存的家業。
35Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.
35所以,你們不可丟棄坦然無懼的心,這樣的心是帶有大賞賜的。
36Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.
36你們還需要忍耐,好使你們行完了 神的旨意,可以領受所應許的。
37Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat.
37因為:“還有一點點的時候,那要來的就來,並不遲延。
38Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
38我的義人必因信得生,如果他後退,我的心就不喜悅他。”
39Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.
39但我們不是那些後退以致滅亡的人,而是有信心以致保全生命的人。