Tagalog 1905

聖經新譯本

Hebrews

7

1Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya,
1至高 神的祭司麥基洗德這麥基洗德就是撒冷王,又是至高 神的祭司。亞伯拉罕殺敗眾王回來的時候,麥基洗德迎接他,並且給他祝福。
2Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;
2亞伯拉罕也把自己得來的一切,拿出十分之一來給他。麥基洗德這名字翻譯出來,頭一個意思就是“公義的王”;其次是“撒冷王”,就是“平安的王”的意思。
3Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.
3他沒有父親,沒有母親,沒有族譜,也沒有生死的記錄,而是與 神的兒子相似,永遠作祭司。
4Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.
4麥基洗德的祭司職分你們想一想這人是多麼偉大啊!祖先亞伯拉罕也要從上等的擄物中,拿出十分之一來給了他。
5At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:
5那些領受祭司職分的利未子孫,奉命按照律法向人民,就是自己的弟兄,收取十分之一;雖然他們都是出於亞伯拉罕的。
6Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako.
6可是那不與他們同譜系的麥基洗德,反而收納了亞伯拉罕的十分之一,並且給這蒙受應許的人祝福。
7Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.
7向來都是位分大的給位分小的祝福,這是毫無疑問的。
8At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay.
8在這裡,收取十分之一的,都是必死的;但在那裡,收納十分之一的,卻被證實是一位活著的。
9At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;
9並且可以這樣說,連那收取十分之一的利未,也透過亞伯拉罕繳納了十分之一。
10Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec.
10因為麥基洗德迎接亞伯拉罕的時候,利未還在他祖先的身體裡面。
11Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?
11耶穌按麥基洗德體系作祭司這樣看來,如果藉著利未人的祭司制度能達到完全的地步(人民是在這制度下領受律法的),為甚麼還需要照著麥基洗德的體系,另外興起一位祭司,而不照著亞倫的體系呢?
12Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.
12祭司的制度既然更改了,律法也必須更改。
13Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana.
13因為這些話所指的那位,原是屬於另外一個支派的,這支派向來沒有人在祭壇前供職。
14Sapagka't maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote.
14我們的主明明是從猶大支派出來的,關於這個支派,摩西並沒有提及祭司的事。
15At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote,
15如果有另一位像麥基洗德那樣的祭司興起來,那麼,這裡所說的就更明顯了。
16Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan:
16他成了祭司,不是按著律法上肉身的條例,卻是按著不能毀壞的生命的大能。
17Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
17因為有為他作證的說:“你永遠作祭司,是照著麥基洗德的體系。”
18Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan.
18一方面,從前的條例因為軟弱,沒有用處,就廢棄了;
19(Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios.
19(因為律法從來沒有使甚麼得到完全,)另一方面,它卻帶來了更美的盼望,藉著這盼望,我們就可以親近 神。
20At yamang yao'y hindi naging sa walang sumpa:
20此外,還有關於誓言的事。其他成為祭司的,並不是用誓言立的;
21(Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man);
21只有耶穌是用誓言立的,因為那立他的對他說:“主已經起了誓,決不改變,你永遠作祭司。”
22Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.
22耶穌既然是用誓言立的,就成了更美好的約的保證。
23At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy:
23一方面,從前那些作祭司的,因為受死亡的限制,不能長久留任,所以人數眾多。
24Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.
24另一方面,因為耶穌是永遠長存的,就擁有他永不更改的祭司職位。
25Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.
25因此,那些靠著他進到 神面前的人,他都能拯救到底;因為他長遠活著,為他們代求。
26Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;
26這樣的一位大祭司,對我們本是合適的。他是聖潔、沒有邪惡、沒有玷污、從罪人中分別出來、高過眾天的。
27Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.
27他不必像那些大祭司,天天先為自己的罪獻祭,然後為人民的罪獻祭;因為他獻上了自己,就把這事一次而永遠的成全了。
28Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man.
28律法所立的大祭司,都是軟弱的人;可是在律法以後,用誓言所立的兒子,卻是成為完全直到永遠的。