1Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.
1預言巴比倫傾覆亞摩斯的兒子以賽亞得到關於巴比倫的默示:
2Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.
2你要在光禿的山上豎起旗幟,向眾人揚聲揮手,叫他們進入權貴的門。
3Aking inutusan ang aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.
3我向我特選的軍兵下了命令;我也呼召了我的勇士,就是那些驕傲自誇的人,去執行我在怒氣中所要作的。
4Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.
4聽啊!山上有喧嘩的聲音,好像是眾多的人民;聽啊!有多國的人的嘈雜聲,好像是列國聚集在一起。萬軍之耶和華正在數點軍兵,預備打仗。
5Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.
5他們從遠地而來,從天邊而來。就是耶和華和他惱怒的工具,要毀滅這全地。
6Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
6哀號吧!因為耶和華的日子近了,這日子來到,好像毀滅從全能者那裡來到一樣。
7Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:
7因此,各人的手都必發軟,各人也必心驚膽戰。
8At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.
8他們都要驚惶失措,疼痛與痛苦必抓住他們;他們必絞痛,像生產中的婦人一樣。他們在驚愕中彼此對望,面色像火燄一般。
9Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
9看哪!耶和華的日子快來到,必有殘忍、憤恨與烈怒,使這地荒涼,使其中的罪人滅絕。
10Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
10天上的星星和眾星座不再發光;太陽剛出來就變為黑暗,月亮也不再發光。
11At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
11我必因世界的邪惡施行刑罰,也必因惡人的罪孽懲罰他們;我要使狂妄人的驕傲止息,使強暴人的狂傲降卑。
12At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
12我必使人比精金還少,使人比俄斐的金更稀罕。
13Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,
13在萬軍之耶和華發怒的時候,就是我大發烈怒的日子,我要使天震動,大地必搖撼,離開本位。
14At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.
14人必像被追獵的羚羊,又像無人招聚的羊群,各自歸向本族,各自逃回本地。
15Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak.
15凡被追上的,必被刺死;凡被捉住的,必倒在刀下。
16Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin.
16他們的嬰孩必在他們眼前被摔死;他們的房屋必被搶掠,他們的妻子必被污辱。
17Narito, aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.
17看哪!我要激動瑪代人來攻擊他們。瑪代人不重視銀子,也不喜愛金子。
18At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata.
18他們的弓箭必射倒年輕人,他們不憐憫婦人腹中的嬰兒;他們的眼也不顧惜小孩。
19At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
19巴比倫本是列國中的華美,是迦勒底人引以為傲的榮耀,必像 神傾覆的所多瑪、蛾摩拉一樣。
20Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.
20那地必永遠沒有居民,世世代代無人居住;阿拉伯人不在那裡搭帳幕;牧羊人也不領羊群躺臥在那裡。
21Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.
21躺臥在那裡的,只有曠野的走獸;充滿著他們房屋的,只有吼叫著的野獸;鴕鳥住在那裡,野山羊在那裡跳躍。
22At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.
22豺狼必在巴比倫的宮中呼號,野狗必在他們華美的殿裡吠叫。巴比倫受罰的時候臨近了,它的日子必不長久。