1Ang hula tungkol sa Tiro. Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila.
1關於推羅的預言關於推羅的默示:他施的船隻啊,要哀號!因為推羅被毀滅了,再沒有房屋,也不能再作港口,這消息是他們從塞浦路斯地得來的。
2Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat.
2沿海的居民,就是靠航海致富的西頓商人哪!要靜默無言。
3At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.
3在大水之上,西曷的穀物、尼羅河的莊稼,都是推羅的收益,推羅成了列國的市場。
4Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga.
4西頓啊,要慚愧!因為大海說過,就是海上的保障說過:“我沒有受過產痛,也沒有生產;我沒有養大過男孩,也沒有撫養過童女。”
5Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro.
5這消息傳到埃及時,埃及人就為推羅這消息非常傷痛。
6Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin.
6你們要過到他施去;沿海的居民哪,要哀號!
7Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan?
7這就是你們歡樂的城嗎?它的起源溯自上古,它的腳把其中的居民帶到遠方去寄居。
8Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.
8誰策劃這事來攻擊推羅呢?它本是賜人冠冕的城,它的商人是王子,它的商賈是世上的尊貴人。
9Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa?
9這是萬軍之耶和華所定的旨意,要凌辱那些因榮美而有狂傲,使地上所有的尊貴人被藐視。
10Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas.
10他施的居民哪!要像尼羅河一般流遍你的地,再沒有限制了。
11Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon.
11耶和華已經向海伸手,使列國震動;耶和華又發出一個關於迦南的吩咐,就是要毀壞其中的保障。
12At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.
12他又說:“受壓制的西頓居民哪,你們不再有歡樂了!起來,過到塞浦路斯去!就是在那裡,你們也得不到安息。”
13Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho.
13看哪!使推羅成為曠野,走獸居住之處的,是來自迦勒底地的人,而不是亞述人;他們要築起攻城的高塔,拆毀推羅的城堡,使它成為廢墟。
14Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba.
14他施的船隻啊,要哀號!因為你們的保障已被毀滅了。
15At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.
15七十年後推羅再蒙眷顧到那日,推羅必被忘記七十年,正如一個王朝的年日;七十年後,推羅必像妓女所唱之歌:
16Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala.
16“你被遺忘的妓女啊!拿起琴來,走遍全城吧。你要巧彈多唱,使人再想起你!”
17At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa.
17七十年後,耶和華必眷顧推羅,推羅就恢復繁榮,可以與地上的萬國交易。
18At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam.
18它的貨財和所得的利益要分別為聖歸給耶和華,必不會積聚或儲藏起來;因為它的貨財必歸給那些住在耶和華面前的人,使他們吃得飽足,穿得漂亮。