Tagalog 1905

聖經新譯本

James

1

1Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.
1以試煉為喜樂 神和主耶穌基督的僕人雅各,向散居各地的十二支派問安。
2Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;
2我的弟兄們,你們遭遇各種試煉的時候,都要看為喜樂;
3Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.
3因為知道你們的信心經過考驗,就產生忍耐。
4At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
4但忍耐要堅持到底(“堅持到底”原文作“有完全的功效”),使你們可以完全,毫無缺乏。
5Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
5你們中間若有人缺少智慧,就當向那厚賜眾人,而且不斥責人的 神祈求,他就必得著。
6Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
6可是,他應該憑著信心祈求,不要有疑惑;因為疑惑的人,就像被風吹蕩翻騰的海浪。
7Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;
7那樣的人,不要想從主得到甚麼;
8Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
8因為三心兩意的人,在他的一切道路上,都搖擺不定。
9Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan:
9富貴榮華轉眼消逝卑微的弟兄應當以高升為榮;
10At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
10富足的也不應該以降卑為辱;因為他如同草上的花,必要過去。
11Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
11太陽一出,熱風一吹,草必枯乾,花必凋謝,它的美容就消失了;富足的人也必在他的奔波經營中這樣衰落。
12Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
12忍受試煉的人有福了能忍受試煉的人,是有福的;因為他經過考驗之後,必得著生命的冠冕,這冠冕是主應許給愛他的人的。
13Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
13人被試探,不可說“我被 神試探”;因為 神不能被惡試探,他也不試探任何人。
14Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.
14每一個人受試探,都是被自己的私慾所勾引誘惑的。
15Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.
15私慾懷了胎,就生出罪;罪長成了,就產生死亡。
16Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
16我親愛的弟兄們,不要看錯了。
17Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
17各樣美好的賞賜,各樣完備的恩賜,都是從上面、從眾光之父降下來的,他本身並沒有改變,也沒有轉動的影子。
18Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.
18他憑著自己的旨意,藉著真理的道生了我們,使我們作他所造的萬物中初熟的果子。
19Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;
19要作行道的人我親愛的弟兄們,你們要知道,人人都應該快快地聽,慢慢地說,慢一點動怒;
20Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
20因為人的忿怒並不能成全 神的義。
21Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
21所以你們應當擺脫一切污穢和所有的邪惡,以溫柔的心領受 神栽種的道;這道能救你們的靈魂。
22Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
22你們應該作行道的人,不要單作聽道的人,自己欺騙自己;
23Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin:
23因為人若只作聽道的人,不作行道的人,他就像一個人對著鏡子看自己本來的面貌,
24Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.
24看過走開以後,馬上就忘記自己的樣子。
25Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.
25唯有詳細察看那使人自由的全備的律法,並且時常遵守的人,他不是聽了就忘記,而是實行出來,就必因自己所作的蒙福。
26Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.
26如果有人自以為虔誠,卻不約束他的舌頭,反而自己欺騙自己,這人的虔誠是沒有用的。
27Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
27在父 神看來,純潔無玷污的虔誠,就是照顧患難中的孤兒寡婦,並且保守自己不被世俗所污染。