1Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
1大衛的詩,交給詩班長。關懷窮乏人的有福了;在遭難的日子,耶和華必救他。
2Pananatilihin siya, at iingatan siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
2耶和華要保護他,使他生存;他在地上要稱為有福的;求你不要照著他敵人的心願把他交給他們。
3Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
3他患病在床,耶和華必扶持他;在病榻中你使他恢復健康。
4Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
4至於我,我曾說:“耶和華啊!求你恩待我;求你醫治我,因為我得罪了你。”
5Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi, kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
5我的仇敵用惡毒的話中傷我,說:“他甚麼時候死呢?他的名字甚麼時候消滅呢?”
6At kung siya'y pumaritong tingnang ako siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan; ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili; pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
6即使他來看我,說的也是假話;他把奸詐積存在心裡,走到外面才說出來。
7Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin: laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
7所有憎恨我的人,都交頭接耳地議論我;他們設惡計要害我,說:
8Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
8“有惡疾臨到他身上;他既然躺下了,就必一病不起。”
9Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
9連我信任的密友,就是那吃我飯的,也用腳踢我。
10Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako, upang aking magantihan sila.
10至於你,耶和華啊!求你恩待我,使我康復起來,好報復他們。
11Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin, sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
11因此我就知道你喜愛我,因為我的仇敵不能向我歡呼誇勝。
12At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat, at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man.
12至於我,你因為我正直,就扶持我;你使我永遠站在你面前。
13Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan. Siya nawa, at Siya nawa.
13耶和華以色列的 神是應當稱頌的,從永遠直到永遠。阿們,阿們。