1Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,
1 神揀選以色列人我在基督裡說的是實話,並沒有撒謊,因為我的良心在聖靈裡一同為我作證;
2Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso.
2我大大憂愁,心裡常常傷痛。
3Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak ayon sa laman.
3為我的同胞,就是我骨肉之親,就算自己受咒詛,與基督隔絕,我也甘心。
4Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;
4他們是以色列人:嗣子的名分、榮耀、眾約、律法、敬拜的禮儀和各樣的應許,都是他們的。
5Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
5蒙揀選的列祖也是他們的祖宗;按肉身來說,基督也是出自他們這一族。其實,他是在萬有之上,永遠受稱頌的 神。阿們。
6Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:
6當然,這不是說 神的話落了空,因為出自以色列的,不都是以色列人;
7Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.
7也不因為他們是亞伯拉罕的後裔,就都成為他的兒女,只有“以撒生的,才可以稱為你的後裔”,
8Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.
8這就是說,肉身生的兒女並不是 神的兒女,只有憑著應許生的兒女才算是後裔。
9Sapagka't ito ang salita ng pangako, Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.
9因為所應許的話是這樣:“明年這個時候我要來,撒拉必定生一個兒子。”
10At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac-
10不但如此,利百加也是這樣:既然從一個人,就是從我們的祖宗以撒懷了孕,
11Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag,
11雙生子還沒有生下來,善惡也沒有行出來(為要堅定 神揀選人的旨意,
12Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.
12不是由於行為,而是由於那呼召者), 神就對她說:“將來大的要服事小的。”
13Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.
13正如經上所記的:“我愛雅各,卻惡以掃。”
14Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.
14既是這樣,我們可以說甚麼呢? 神不公平嗎?絕對不會!
15Sapagka't sinasabi niya kay Moises, Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.
15因為他對摩西說:“我要憐憫誰,就憐憫誰;我要恩待誰,就恩待誰。”
16Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.
16這樣看來,既不是出於人意,也不是由於人為,只在於那憐憫人的 神。
17Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.
17經上有話對法老說:“我把你興起來,是要藉著你顯出我的大能,並且使我的名傳遍全地。”
18Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas.
18這樣看來,他願意憐憫誰就憐憫誰,願意誰剛硬就使誰剛硬。
19Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?
19 神顯出忿怒又施行憐憫這樣,你會對我說:“那麼他為甚麼責怪人呢?有誰抗拒他的旨意呢?”
20Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?
20你這個人哪,你是誰,竟敢跟 神頂嘴呢?被造的怎麼可以對造他的說:“你為甚麼把我做成這個樣子呢?”
21O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.
21陶匠難道沒有權用同一團的泥,又做貴重的、又做卑賤的器皿嗎?
22Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:
22如果 神有意要顯明他的忿怒,彰顯他的大能,而多多容忍那可怒、預備遭毀滅的器皿,
23At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,
23為了要使他豐盛的榮耀,彰顯在那蒙恩、早已預備要得榮耀的器皿上,這又有甚麼不可呢?
24Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?
24這器皿就是我們這些不但從猶太人中,也從外族人中蒙召的人。
25Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
25就如 神在何西阿書上說的:“我要稱那不是我子民的為我的子民,那不蒙愛的為蒙愛的;
26At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
26從前在甚麼地方對他們說:你們不是我的子民,將來就在那裡稱他們為永活 神的兒子。”
27At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:
27以賽亞指著以色列人大聲說:“以色列子孫的數目雖然多如海沙,得救的不過是剩下的餘數;
28Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin.
28因為主必在地上迅速而徹底地成就他的話。”
29At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.
29又如以賽亞早已說過的:“如果不是萬軍之主給我們存留後裔,我們早就像所多瑪和蛾摩拉一樣了。”
30Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y ng katuwiran sa pananampalataya:
30以色列人因為不信而絆倒既是這樣,我們還有甚麼可說的呢?那不追求義的外族人卻得了義,就是因信而得的義。
31Datapuwa't ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.
31但以色列人追求律法的義(“律法的義”原文作“義的律法”),卻達不到律法的要求。
32Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;
32這是甚麼緣故呢?因為他們不憑信心,只靠行為。他們絆倒在那絆腳石上,
33Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.
33正如經上所記:“看哪,我在錫安放了一塊絆腳石,是絆倒人的磐石;信靠他的人,必不致失望。”