Tagalog 1905

聖經新譯本 (Simplified)

Isaiah

61

1Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
1宣告救恩的好信息
2Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
2宣告耶和华悦纳人的禧年,和我们的 神报仇的日子;安慰悲哀的人,
3Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
3为锡安悲哀的人穿上装饰,赐给他们华冠代替灰尘,喜乐油代替悲哀,赞美衣代替沮丧的灵,他们必称为公义的橡树,是耶和华栽种的,好使他自己得着荣耀。
4At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
4他们必重建久已废弃的荒场,建立先前荒凉之地;重修荒废了的城镇,就是历代荒凉之处。
5At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.
5那时,外人要服事你们,牧放你们的羊群,外族人要作你们的农夫和葡萄园丁。
6Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.
6至于你们,却要称为耶和华的祭司,人必称你们为我们 神的仆人;你们要享用列国的财富,因得着他们的荣耀而夸耀。
7Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
7你们必得加倍的分,代替你们所受的羞愧,他们因自己所得的分而欢呼,代替羞辱,所以在他们的境内,他们必拥有加倍的产业,他们必有永远的喜乐。
8Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
8因为我耶和华喜爱公平,恨恶不义的抢夺;我要凭真理赏赐他们,与他们立永远的约。
9At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.
9他们的后裔必在列国中被人认识,他们的子孙在万民中也必这样;看见他们的,都必承认他们是耶和华赐福的后裔。
10Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
10我因耶和华大大欢喜,我的心靠着我的 神快乐,因为他给我穿上救恩的衣服,给我披上公义的外袍,好像新郎戴上华冠,又像新娘佩戴装饰。
11Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
11地怎样发生苗芽,园子怎样使所种的生长起来,主耶和华也必怎样使公义和赞美,在万国之前生长出来。