1Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonia, tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta.
1关于巴比伦的预言
2Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, si Bel ay nalagay sa kahihiyan, si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.
2“你们要在列国中传扬和宣告,要竖起旗帜宣扬,不可隐瞒,说:‘巴比伦被攻取了!彼勒蒙羞,米罗达惊慌;巴比伦的神像都蒙羞,它的偶像都惊慌。’
3Sapagka't mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop.
3因为有一个国家从北方来攻击它,使它的地荒凉;没有人在那里居住,人畜都逃跑无踪。
4Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios.
4到那些日子、那时候(这是耶和华的宣告),以色列人必和犹大人一同来,边走边哭,要寻找耶和华他们的 神。
5Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan.
5他们要询问往锡安的路,又面向锡安,说:‘来吧!我们要以那永不可忘记的约与耶和华连合。’
6Ang aking bayan ay naging gaya ng nawalang tupa: iniligaw sila ng kanilang mga pastor; sila'y inilihis sa mga bundok; sila'y nagsiparoon sa burol mula sa bundok; kanilang nalimutan ang kanilang pahingahang dako.
6我的子民成了迷失的羊,他们的牧人使他们走错了路,使他们在山上徘徊;他们从大山走到小山,忘记了他们安歇之处。
7Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila; at sinabi ng kanilang mga kaaway, Kami ay walang kasalanan, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon, na tatahanan ng kahatulan, sa makatuwid baga'y sa Panginoon, na pagasa ng kanilang mga magulang.
7所有遇见他们的都吞吃他们;他们的敌人说:‘我们没有罪,因为他们得罪了耶和华,那真正的居所;耶和华是他们列祖的盼望。’
8Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia, at kayo'y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan.
8我的子民哪!你们要从巴比伦中间逃跑,从迦勒底人的地出来;要像公山羊走在羊群前面。
9Sapagka't, narito, aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain; at sila'y magsisihanay laban sa kaniya; mula diya'y sasakupin siya; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan; walang babalik na di may kabuluhan.
9因为,看哪!我必激动强国从北方之地联群而来,攻击巴比伦;他们要列阵攻打巴比伦;巴比伦就必被攻取。他们的箭必像善战的勇士,不会空手而回。
10At ang Caldea ay magiging samsam: lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog, sabi ng Panginoon.
10迦勒底必成为掠物,掳掠它的都必心满意足。”这是耶和华的宣告。
11Sapagka't kayo ay masasaya, sapagka't kayo'y nangagagalak, Oh kayong nagsisisamsam ng aking mana, sapagka't kayo'y malilikot na parang babaing guyang baka, na yumayapak ng trigo, at humahalinghing na parang mga malakas na kabayo;
11“抢夺我产业的啊!你们虽然欢喜快乐,像踹谷的小牛跳跃,像雄壮的马嘶叫;
12Ang inyong ina ay mapapahiyang lubha; siyang nanganak sa inyo ay malilito: narito, siya'y magiging pinakahuli sa mga bansa, isang gubatan, isang tuyong lupain, isang ilang.
12但你们的母亲必极度羞愧,生你们的必受耻辱。看哪!她要在列国中沦为最弱小的,成为旷野、旱地、沙漠。”
13Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan, kundi magiging lubos na sira: bawa't magdaan sa Babilonia ay matitigilan, at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot.
13因耶和华的烈怒,巴比伦必没有人居住,完全荒废;每一个住过巴比伦的,都必因这地遭受的一切创伤而惊骇,并且嗤笑它。
14Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon.
14所有拉弓的啊!你们要在巴比伦四围列阵;射箭攻击它,不要吝啬箭枝,因为它得罪了耶和华。
15Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya.
15你们要在它的四周吶喊攻击它;它投降了,它城墙的支柱倒塌了,它的城墙拆毁了。因为这是耶和华的报复;你们要向巴比伦报复,它怎样待人,你们也要怎样待它。
16Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.
16你们要把播种的,和在收割的时候手持镰刀的,都从巴比伦剪除;因为欺压者的刀剑,他们各人必归回自己的本族,各自逃回自己的故乡。
17Ang Israel ay parang nakalat na tupa; itinaboy siya ng mga leon: ang unang sumakmal sa kaniya ay ang hari sa Asiria; at si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay siyang huling bumali ng kaniyang mga buto.
17以色列的回归以色列是被赶散的羊,它被狮子赶逐。先是亚述王把它吞灭,现在巴比伦王尼布甲尼撒要咬碎它的骨头。
18Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria.
18因此,万军之耶和华 神这样说:“看哪!我必惩罚巴比伦王和他的国土,像我以前惩罚亚述王一样,
19At aking dadalhin uli ang Israel sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad.
19我必领以色列回到它的牧场,它必在迦密和巴珊吃草,又在以法莲山地和基列地吃得饱足。
20Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anoman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan: sapagka't aking patatawarin sila na aking iniiwan na pinakalabi.
20到那些日子,那时候,人要寻查以色列的罪孽,却无所发现;要查究犹大的罪恶,却一无所见;因为我必赦免我留下的那些人。”这是耶和华的宣告。
21Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim, laban doon, at laban sa mga nananahan sa Pekod: pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila, sabi ng Panginoon, at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo.
21 神审判巴比伦“你们要攻击米拉大翁的地,上去攻击她,又攻击比割的居民,屠杀他们,把他们彻底消灭,照着我吩咐你们的一切执行。”这是耶和华的宣告。
22Ang hugong ng pagbabaka ay nasa lupain, at ang malaking kapahamakan.
22境内有战争的声音,和极大的毁灭。
23Ano't naputol at nabali ang pamukpok ng buong lupa! ano't ang Babilonia ay nasira sa gitna ng mga bansa!
23击打全地的大锤,怎么被砍断毁掉!巴比伦在列国中,怎么成了令人惊骇的对象呢!
24Pinaglagyan kita ng silo, at ikaw naman ay nahuli, Oh Babilonia, at hindi mo ginunita: ikaw ay nasumpungan at nahuli rin, sapagka't ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon.
24“巴比伦哪!我设下网罗捉拿你,你被捉住,仍不自觉;你被发现,也被抓住,因为你和耶和华争斗。”
25Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas, at inilabas ang mga almas ng kaniyang pagkagalit; sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo.
25耶和华打开了自己的军械库,拿出他忿怒的武器;因为主万军之耶和华在迦勒底人的地有事要作。
26Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman.
26你们要从四面八方攻击巴比伦,打开它的谷仓,把它堆起来好像堆谷物一样;把它彻底消灭,什么都不留下。
27Inyong patayin ang lahat niyang mga toro; pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa kanila.
27要击杀它所有的公牛,使他们下去被屠杀!他们有祸了!因为他们的日子,就是他们受惩罚的时候,来到了。
28Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo.
28听哪!从巴比伦的地逃出得以脱险的人,在锡安述说耶和华我们 神的报复,就是为他的殿而施行的报复。
29Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.
29“要召集弓箭手去攻击巴比伦,要召集所有拉弓的;要在巴比伦的四围安营攻击它,不容一人逃脱。要照着它的所作所为报应它,它怎样待人,你们也要怎样待它;因它狂傲地敌对耶和华,与以色列的圣者为敌。
30Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.
30所以,它的年轻人必仆倒在它的街道上,到那一天,它所有的战士都必被消灭。”这是耶和华的宣告。
31Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita.
31“傲慢的人哪!我必敌对你(这是主万军之耶和华的宣告),因为你的日子,就是我惩罚你的时候,来到了。
32At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.
32那傲慢的必绊跌仆倒,没有人扶他起来;我必在他的城镇中放火,吞灭他四围的一切。”
33Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila; ayaw pawalan sila.
33万军之耶和华这样说:“以色列人被压迫,犹大人也一样受到欺压;所有俘掳他们的都紧紧抓住他们,不肯释放他们。
34Ang Manunubos sa kanila ay malakas; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: kaniyang ipakikipaglabang maigi ang kanilang usap, upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa, at bagabagin ang mga nananahan sa Babilonia.
34但他们的救赎主大有能力,万军之耶和华是他的名;他必认真地为他们的案件申辩,好使那地得到安宁,却使巴比伦的居民惶乱不安。
35Ang tabak ay nasa mga Caldeo, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan sa Babilonia, at sa kaniyang mga prinsipe, at sa kaniyang mga pantas.
35刀剑必攻击迦勒底人,攻击巴比伦的居民,攻击它的领袖和智慧人。”这是耶和华的宣告。
36Ang tabak ay nasa mga hambog, at sila'y mangahahangal, ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan, at sila'y manganglulupaypay.
36“刀剑必攻击胡说八道的假先知,他们必变成愚昧;刀剑必攻击它的勇士,他们必惊惶失措;
37Ang tabak ay nasa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo, at sa buong bayang halohalo na nasa gitna niya; at sila'y magiging parang mga babae; isang tabak ay nasa kaniyang mga kayamanan, at mangananakaw;
37刀剑必攻击它的马匹和战车,攻击它境内所有外族的人,他们必像妇女一样柔弱;刀剑必攻击它的一切宝库,它们必被抢掠;
38Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan.
38刀剑(“刀剑”按照《马索拉抄本》应作“干旱”;现参照《七十士译本》翻译)必攻击它的河流,它们必干涸;因为这是偶像的地,人必因可怕的偶像迷失本性。
39Kaya't ang mga mabangis na hayop sa ilang sangpu ng mga lobo ay magsisitahan doon, at ang avestruz ay tatahan doon: at hindi na matatahanan kailan pa man; ni matatahanan sa sali't saling lahi.
39旷野的走兽和豺狼必住在那里,鸵鸟也必住在其中;那地永远再没有人居住,世世代代不再有人住在那里,
40Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.
40就像 神倾覆的所多玛、蛾摩拉,和它们邻近的城镇一样;必没有人住在那里,也必没有人在那里寄居。”这是耶和华的宣告。
41Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.
41“看哪!有一个民族从北方而来,有一大国和许多君王被激动,从地极来到。
42Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.
42他们紧握弓和枪,性情残忍,毫无怜悯;他们的声音像海洋怒吼;巴比伦的居民哪!他们骑着战马,在战场上如同一人,列阵攻击你们。
43Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
43巴比伦王听了有关他们的消息,手就发软;痛苦紧紧抓住他,他疼痛好像正在生产的妇人。
44Narito, ang kaaway ay sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: nguni't bigla kong palalayasin sila sa kaniya; at ang mapili, siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sinong gaya ko? at sinong magtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na tatayo sa harap ko?
44看哪!狮子怎样从约旦河边的丛林走上来,攻击常绿的牧场,照样,我必在眨眼之间把巴比伦赶走,使它离开这地;谁蒙拣选,我就派谁治理这地。谁能和我相比呢?谁可以把我传来审讯呢?哪一个牧人能在我面前站立得住呢?”
45Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya, laban sa lupain ng mga Caldeo: Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila.
45因此,你们要听耶和华筹谋对付巴比伦的计划,和他为了攻击迦勒底人的地所定下的策略。他们羊群中最小的也必被拉去,他们的牧场也必因临到它们的灾祸而荒废。
46Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa.
46因巴比伦陷落的响声,地就震动;列国都听见它的哀叫声。