Tagalog 1905

聖經新譯本 (Simplified)

Joel

3

1Sapagka't, narito, sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.
1审判万国“看哪!到了那些日子,在那个时期,我使犹大和耶路撒冷被掳的人归回,(本节在《马索拉抄本》为4:1)
2Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,
2我必招聚列国,领他们下到约沙法谷,为了我的子民,就是我的产业以色列,我要在那里亲临审判他们,因为他们把我的子民分散在列国中,又分取了我的地土。
3At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.
3他们为我的子民抽签,用男童交换妓女,女童被卖换酒喝。
4Oo, at ano kayo sa akin. Oh Tiro, at Sidon, at buong lupain ng Filistia? gagantihin baga ninyo ako? at kung ako'y inyong gantihin, maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo.
4“推罗、西顿和非利士四境的人哪!你们想对我作什么呢?你们想向我报复吗?你们若向我报复,我很快就使报应归在你们的头上。
5Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto, at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay,
5你们拿去了我的金银,又把我的珍宝带进了你们的庙宇。
6At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia, upang inyong mailayo sa kanilang hangganan;
6你们把犹大人和耶路撒冷人卖给希腊人,使他们远离自己的境界。
7Narito, aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila, at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo;
7看哪!我要激动他们离开被你们卖到的地方,我也要使报应归到你们的头上。
8At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda, at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba, sa isang bansang malayo: sapagka't sinalita ng Panginoon.
8我必把你们的儿女卖在犹大人的手中,犹大人必把他们卖给远方示巴国的人,因为这是耶和华说的。”
9Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.
9你们要在列国中宣告以下这话:“你们要预备争战,要激动勇士。让所有的战士都近前来,让他们都上去攻击。
10Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.
10要把犁头打成刀剑,把镰刀打成矛枪;软弱的要说:‘我是勇士。’
11Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.
11四围的列国啊!你们快来帮助,在那里一同聚集。耶和华啊!求你叫你的勇士下来吧。
12Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot.
12在约沙法谷审判万民“万国都当奋起,上到约沙法谷去。因为我必坐在那里,审判四围的列国。
13Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.
13你们要伸出镰刀,因为庄稼已经熟了。来践踏吧,因为压酒池满了,酒池盈溢,因为他们的罪恶极大。
14Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
14无数的人群齐集在判决谷,因为耶和华的日子临近了判决谷。
15Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.
15日月昏暗,星星无光。
16At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.
16耶和华从锡安吼叫,并从耶路撒冷发声,天地就震动。耶和华却要作他子民的避难所,作以色列众子的保障。
17Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa.
17你们知道我是耶和华你们的 神,是住在锡安我的圣山上。那时,耶路撒冷必成为圣。外族人必不得从其中经过。
18At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim.
18到那日,大山都必滴下甜酒,小山都必流出奶,犹大的一切溪流,都必水流不息。必有泉源从耶和华的殿里流出来,灌溉河谷。
19Ang Egipto ay masisira, at ang Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain.
19埃及将会荒凉,以东必变成凄凉的旷野,都因为他们向犹大人所行的强暴,又因为在他们的国中流了无辜人血。
20Nguni't ang Juda'y tatahan magpakailan man, at ang Jerusalem ay sa sali't saling lahi.
20犹大必永存“但犹大必存到永远,耶路撒冷也必存到万代。
21At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion.
21现在我要追讨我还未有追讨的流人血的罪。耶和华在锡安居住。”