Tagalog 1905

聖經新譯本 (Simplified)

Joshua

10

1Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
1五王联合攻打基遍
2Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
2他们就非常惧怕。因为基遍是大城,好像一座王城;又因为基遍比艾城大,城里所有的人都是勇士。
3Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
3因此,耶路撒冷王亚多尼.洗德派人到希伯仑王何咸、耶末王毗兰、拉吉王雅非亚和伊矶伦王底璧那里去,对他们说:
4Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
4“求你们上我这里来帮助我,我们好攻打基遍,因为基遍已经与约书亚和以色列人议和了。”
5Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
5于是亚摩利人的那五个王,就是耶路撒冷王、希伯仑王、耶末王、拉吉王和伊矶伦王,联合起来,带着他们所有的军队上去,在基遍的对面安营,攻打基遍。
6At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
6约书亚击败五王基遍人就派人到吉甲营中约书亚那里去,说:“不可丢弃你的仆人,求你快快上我们这里来拯救我们、帮助我们;因为住在山地的亚摩利人所有的王都集合起来攻击我们。”
7Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
7于是约书亚和所有能作战的人,以及所有英勇的战士,都一起从吉甲上去。
8At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
8耶和华对约书亚说:“你不要怕他们,因为我已经把他们交在你手里了;他们必没有一人能在你面前站立得住。”
9Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
9于是约书亚乘夜从吉甲上去,突然来到他们那里。
10At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.
10耶和华使他们在以色列人面前溃乱,约书亚在基遍大大地击杀他们,沿着伯.和仑的上坡路追赶他们,击打他们,直到亚西加和玛基大。
11At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
11他们从以色列人面前逃跑,正在下伯.和仑斜坡的时候,耶和华从天上降大冰雹在他们身上,一直到亚西加,打死他们;被冰雹打死的,比以色列人用刀杀死的还多。
12Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
12日月停止那时,就是耶和华把亚摩利人交给以色列人的时候,约书亚在以色列人面前对耶和华说:“太阳啊,停在基遍;月亮啊,停在亚雅仑谷。”
13At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
13于是太阳停住,月亮站住,直到以色列人在仇敌的身上报了仇。这事不是写在《雅煞珥书》上吗?太阳在天空中站住,不急速下落,约有一整天。
14At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
14在这日以前或这日以后,耶和华听人的祷告,没有像这日一样的,因为耶和华为以色列作战。
15At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
15后来,约书亚和众以色列人回到吉甲营那里去。
16At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
16生擒五王就地正法那五个王逃跑了,躲藏在玛基大洞里。
17At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
17有人告诉约书亚,说:“那五个王已经找到了,都躲藏在玛基大洞里。”
18At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
18约书亚说:“你们把几块大石头辊到洞口那里去,并派人到洞口去看守他们。
19Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
19你们却不可站着,要追赶你们的仇敌,从后面击杀他们,不可让他们逃进自己的城中,因为耶和华你们的 神已经把他们交在你们的手里了。”
20At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
20约书亚和以色列人把他们杀得惨败,直到把他们灭绝为止,那些逃脱的人都逃进设防的城里;
21Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
21众以色列人都平平安安回到玛基大营中约书亚那里。没有人敢说话攻击以色列人。
22Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
22约书亚说:“你们打开洞口,把那五个王从洞里拉出来,带到我这里来。”
23At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
23众人就照着执行,他们把那五个王,就是耶路撒冷王、希伯仑王、耶末王、拉吉王和伊矶伦王,从洞里拉出来,带到约书亚那里去。
24At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
24众人把那五个王带到约书亚那里去的时候,约书亚把所有的以色列人都召了来,对那些与他同去作战的军长说:“你们走前来,把脚踏在这些王的颈项上。”他们就走前来,把脚踏在那些王的颈项上。
25At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
25约书亚对他们说:“你们不要惧怕,不要惊慌;总要坚强勇敢,因为耶和华必这样对待你们要攻打的所有仇敌。”
26At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
26随后,约书亚把那五个王杀死,悬在五棵树上;他们就悬在树上,直到晚上。
27At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
27到了日落的时候,约书亚吩咐人把他们从树上取下来,丢在他们躲藏过的洞里,把几块大石头放在洞口;这些石头一直存到今日。
28At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
28约书亚攻取南部各城在那天,约书亚占领了玛基大,用刀击杀了那城的人和那城的王,把城中所有的人完全毁灭,不容一人逃脱;他对待玛基大王就像对待耶利哥王一样。
29At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:
29约书亚和跟他在一起的众以色列人从玛基大往立拿去,攻打立拿。
30At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
30耶和华把立拿和立拿的王也交在以色列人手里,约书亚用刀攻击那城,杀了城里所有的人,不容一人逃脱;他对待立拿王就像对待耶利哥王一样。
31At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
31约书亚和跟他在一起的众以色列人从立拿往拉吉去,对着拉吉安营,攻打这城。
32At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
32耶和华把拉吉交在以色列人手里,第二天约书亚就占领了拉吉,用刀攻击那城,杀了城中所有的人,跟他对立拿所行的一切一样。
33Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
33那时,基色王荷兰上来帮助拉吉,约书亚就把他和他的人民都击杀了,没有留下一人。
34At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
34约书亚和与他在一起的众以色列人从拉吉往伊矶伦去,对着伊矶伦安营,攻打这城。
35At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
35那一天,他们占领了这城,用刀攻击那城,杀了城中所有的人;那一天约书亚把他们完全毁灭,跟他对拉吉所行的一切一样。
36At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
36约书亚和与他在一起的众以色列人从伊矶伦上希伯仑去,攻打这城。
37At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
37他们占领了这城,用刀攻击这城,杀了这城的王,又攻击属于这城的城镇,杀了城中所有的人,不容一人逃脱,跟他对伊矶伦所行的一切一样,把这城和城中所有的人完全毁灭。
38At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:
38约书亚和与他在一起的众以色列人回到了底璧,攻打这城。
39At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
39约书亚占领了这城,抓住这城的王,又占领了属于这城的一切城镇;以色列人用刀击杀他们,把城中所有的人都毁灭了;约书亚不容一人逃脱,他怎样对待希伯仑,也照样对待底璧和底璧的王;也好像他对待立拿和立拿的王一样。
40Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel.
40这样,约书亚击杀了全地的人,就是山地、南地、高原和山坡的人,以及那些地方所有的王,不容一人逃脱;约书亚照着耶和华以色列的 神的吩咐,把有气息的都完全毁灭了。
41At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
41约书亚从加低斯.巴尼亚击杀他们,直到迦萨,又从歌珊全地击杀他们,直到基遍。
42At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
42约书亚在这一次战役中击败了这些王和占领了他们的地,是因为耶和华以色列的 神为以色列作战。
43At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
43于是约书亚和与他在一起的众以色列人回到吉甲营中。