1Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan.
1耶和华的仆人大卫的诗,交给诗班长。在耶和华拯救他脱离所有仇敌和扫罗的手的日子,他向耶和华唱出这首歌的歌词。他说:耶和华我的力量啊!我爱你。
2Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
2耶和华是我的岩石、我的山寨、我的救主、我的 神、我的磐石、我所投靠的、我的盾牌、我救恩的角、我的高台。
3Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
3我向那当受赞美的耶和华呼求,就得到拯救,脱离我的仇敌。
4Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan.
4死亡的绳索环绕我,毁灭的急流淹没了我。
5Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin.
5阴间的绳索围绕着我,死亡的网罗迎面而来。
6Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
6急难临到我的时候,我求告耶和华,我向我的 神呼求;他从殿中听了我的声音,我在他面前的呼求进了他的耳中。
7Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, at nauga, sapagka't siya'y napoot.
7那时大地摇撼震动,群山的根基也都动摇,它们摇撼,是因为耶和华发怒。
8Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.
8浓烟从他的鼻孔往上冒,烈火从他的口中喷出来,连炭也烧着了。
9Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
9他使天下垂,亲自降临;在他的脚下黑云密布。
10At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin.
10他乘着基路伯飞行,借着风的翅膀急飞。
11Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit.
11他以黑暗作他的隐密处,他以浓黑的水气,就是天空的密云,作他四周的帷帐。
12Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap, mga granizo at mga bagang apoy.
12密云、冰雹与火炭,从他面前的光辉经过。
13Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy.
13耶和华在天上打雷,至高者发出声音,发出冰雹和火炭。
14At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila.
14他射出箭来,使它们四散;他连连发出闪电,使它们混乱。
15Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong.
15耶和华斥责一发,你鼻孔的气一出,海底就出现,大地的根基也显露。
16Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; sinagip niya ako sa maraming tubig.
16他从高处伸手抓住我,把我从大水中拉上来。
17Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin.
17他救我脱离我的强敌,脱离那些恨我的人,因为他们比我强盛。
18Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay.
18在我遭难的日子,他们来攻击我,但耶和华是我的支持。
19Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin.
19他又领我出去,到那宽阔之地;他搭救我,因为他喜悦我。
20Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako.
20耶和华按着我的公义报答我,照着我手中的清洁回报我。
21Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, at hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios.
21因为我谨守了耶和华的道,未曾作恶离开我的 神。
22Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko, at hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin.
22因为他的一切典章常摆在我面前,他的律例,我未曾丢弃。
23Ako rin nama'y sakdal sa kaniya, at ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan.
23我在他面前作完全的人,我也谨慎自己,脱离我的罪孽。
24Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran, ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin.
24所以耶和华按着我的公义,照着我在他眼前手中的清洁回报我。
25Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal;
25对慈爱的人,你显出你的慈爱;对完全的人,你显出你的完全;
26Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas.
26对清洁的人,你显出你的清洁;对狡诈的人,你显出你的机巧。
27Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa.
27谦卑的人,你要拯救;高傲的眼睛,你要贬低。
28Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman.
28耶和华啊!你点亮了我的灯;我的 神照明了我的黑暗。
29Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta.
29借着你,我攻破敌军;靠着我的 神,我跳过墙垣。
30Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya,
30这位 神,他的道路是完全的;耶和华的话是炼净的;凡是投靠他的,他都作他们的盾牌。
31Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios?
31除了耶和华,谁是 神呢?除了我们的 神,谁是磐石呢?
32Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad.
32他是那位以能力给我束腰的 神,他使我的道路完全。
33Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako.
33他使我的脚像母鹿的蹄,又使我站稳在高处。
34Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso.
34他教导我的手怎样作战,又使我的手臂可以拉开铜弓。
35Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan.
35你把你救恩的盾牌赐给我,你的右手扶持我,你的温柔使我昌大。
36Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
36你使我脚底下的路径宽阔,我的两膝没有动摇。
37Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila: hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol.
37我追赶仇敌,把他们追上;不消灭他们,我必不归回。
38Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa.
38我重创他们,使他们不能起来;他们都倒在我的脚下。
39Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka: iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
39你以能力给我束腰,使我能够作战;你又使那些起来攻击我的人都屈服在我的脚下。
40Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway, upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
40你使我的仇敌在我面前转背逃跑,使我可以歼灭恨我的人。
41Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas: pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
41他们呼叫,却没有人拯救;就算向耶和华呼求,他也不答应他们。
42Nang magkagayo'y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin: aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan.
42我捣碎他们,像风前的尘土,我倾倒他们,像街上的烂泥。
43Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan; iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa: isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
43你救我脱离了人民的争竞,你立我作列国的元首;我不认识的人民要服事我。
44Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako; ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
44他们一听见,就服从我;外族人都向我假意归顺。
45Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka, at sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako.
45外族人大势已去,战战兢兢地从他们的要塞走出来。
46Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato; at dakilain ang Dios ng aking kaligtasan:
46耶和华是永活的,我的磐石是应当称颂的,拯救我的 神是应当被尊为至高的。
47Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako, at nagpapasuko ng mga bayan sa akin.
47他是那位为我伸冤的 神,他使万民服在我的脚下。
48Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway: Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin: iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao.
48他救我脱离我的仇敌。你还把我高举起来,高过那些起来攻击我的人,又救我脱离了强暴的人。
49Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.
49因此,耶和华啊!我要在列国中称赞你,歌颂你的名。
50Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis. Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.
50耶和华赐极大的救恩给他所立的王,又向他的受膏者施慈爱,就是向大卫和他的后裔施慈爱,直到永远。