1Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.
1大卫的训诲诗,交给诗班长,用丝弦的乐器伴奏。 神啊!求你倾听我的祷告,不要隐藏起来不听我的恳求。
2Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
2求你留心听我,应允我;我在苦恼中必不安宁,唉哼难过;
3Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.
3这都是由于仇敌的声音,和恶人的欺压;因为他们使祸患临到我的身上,怒气冲冲地迫害我。
4Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
4我的心在我里面绞痛,死亡的恐怖落在我身上。
5Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
5惧怕和战兢临到我,惊恐笼罩着我。
6At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
6我说:“但愿我有鸽子一般的翅膀,我就飞走,得以安居。
7Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
7看哪!我必逃往远处,在旷野里住宿。(细拉)
8Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.
8我要赶快到我避难的地方去,逃避狂风暴雨。”
9Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.
9主啊!扰乱恶人的计谋,使他们的意见(“意见”原文作“舌头”)分歧,因为我在城中看见了强暴和争竞的事。
10Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
10恶人日夜在城墙上绕行,在城里尽是邪恶与祸害;
11Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
11城中也有毁灭人的事,欺压和诡诈不离城里的街道。
12Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:
12原来不是仇敌辱骂我,如果是仇敌,我还可以忍受;也不是恨我的人向我狂妄自大,如果是恨我的人,我还可以躲避他。
13Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.
13但你是和我同等地位的人,是我的良友,我的知己。
14Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.
14我们常在一起密谈,我们在 神的殿中与群众同行。
15Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
15愿死亡忽然临到他们身上,愿他们活活下到阴间去,因为在他们中间,就是在他们的住所里,尽是邪恶。
16Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.
16至于我,我却要求告 神,耶和华就必拯救我。
17Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.
17无论在晚上、早晨或中午,我都哀诉唉哼;他必听我的声音。
18Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
18他救赎我的性命脱离攻击我的人,使我得着平安,尽管攻击我的人的确很多。
19Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah)
19 神必听见,那从亘古坐着为王的必使他们受苦,(细拉)因他们不肯改变,也不敬畏 神。
20Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
20他违背了自己的约,伸手攻击那些与他和好的人。
21Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.
21他的口比奶油光滑,他的心却怀着争战的意图;他的话比油还柔和,其实却是拔了出来的刀。
22Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
22你要把你的重担卸给耶和华,他必扶持你;他永远不会让义人动摇。
23Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.
23 神啊!你必使恶人堕入灭亡的深坑里;流人血和行诡诈的人必活不到半世;至于我,我必倚靠你。