Tagalog 1905

King James Version

Matthew

22

1At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga, na sinasabi,
1And Jesus answered and spake unto them again by parables, and said,
2Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,
2The kingdom of heaven is like unto a certain king, which made a marriage for his son,
3At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.
3And sent forth his servants to call them that were bidden to the wedding: and they would not come.
4Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.
4Again, he sent forth other servants, saying, Tell them which are bidden, Behold, I have prepared my dinner: my oxen and my fatlings are killed, and all things are ready: come unto the marriage.
5Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;
5But they made light of it, and went their ways, one to his farm, another to his merchandise:
6At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.
6And the remnant took his servants, and entreated them spitefully, and slew them.
7Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.
7But when the king heard thereof, he was wroth: and he sent forth his armies, and destroyed those murderers, and burned up their city.
8Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi karapatdapat ang mga inanyayahan.
8Then saith he to his servants, The wedding is ready, but they which were bidden were not worthy.
9Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.
9Go ye therefore into the highways, and as many as ye shall find, bid to the marriage.
10At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.
10So those servants went out into the highways, and gathered together all as many as they found, both bad and good: and the wedding was furnished with guests.
11Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan:
11And when the king came in to see the guests, he saw there a man which had not on a wedding garment:
12At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.
12And he saith unto him, Friend, how camest thou in hither not having a wedding garment? And he was speechless.
13Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
13Then said the king to the servants, Bind him hand and foot, and take him away, and cast him into outer darkness, there shall be weeping and gnashing of teeth.
14Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.
14For many are called, but few are chosen.
15Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.
15Then went the Pharisees, and took counsel how they might entangle him in his talk.
16At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.
16And they sent out unto him their disciples with the Herodians, saying, Master, we know that thou art true, and teachest the way of God in truth, neither carest thou for any man: for thou regardest not the person of men.
17Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?
17Tell us therefore, What thinkest thou? Is it lawful to give tribute unto Caesar, or not?
18Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?
18But Jesus perceived their wickedness, and said, Why tempt ye me, ye hypocrites?
19Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.
19Shew me the tribute money. And they brought unto him a penny.
20At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?
20And he saith unto them, Whose is this image and superscription?
21Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.
21They say unto him, Caesar's. Then saith he unto them, Render therefore unto Caesar the things which are Caesar's; and unto God the things that are God's.
22At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.
22When they had heard these words, they marvelled, and left him, and went their way.
23Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
23The same day came to him the Sadducees, which say that there is no resurrection, and asked him,
24Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
24Saying, Master, Moses said, If a man die, having no children, his brother shall marry his wife, and raise up seed unto his brother.
25Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
25Now there were with us seven brethren: and the first, when he had married a wife, deceased, and, having no issue, left his wife unto his brother:
26Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
26Likewise the second also, and the third, unto the seventh.
27At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
27And last of all the woman died also.
28Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
28Therefore in the resurrection whose wife shall she be of the seven? for they all had her.
29Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
29Jesus answered and said unto them, Ye do err, not knowing the scriptures, nor the power of God.
30Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
30For in the resurrection they neither marry, nor are given in marriage, but are as the angels of God in heaven.
31Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
31But as touching the resurrection of the dead, have ye not read that which was spoken unto you by God, saying,
32Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
32I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob? God is not the God of the dead, but of the living.
33At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral.
33And when the multitude heard this, they were astonished at his doctrine.
34Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
34But when the Pharisees had heard that he had put the Sadducees to silence, they were gathered together.
35At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
35Then one of them, which was a lawyer, asked him a question, tempting him, and saying,
36Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
36Master, which is the great commandment in the law?
37At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
37Jesus said unto him, Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind.
38Ito ang dakila at pangunang utos.
38This is the first and great commandment.
39At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
39And the second is like unto it, Thou shalt love thy neighbour as thyself.
40Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
40On these two commandments hang all the law and the prophets.
41Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong.
41While the Pharisees were gathered together, Jesus asked them,
42Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.
42Saying, What think ye of Christ? whose son is he? They say unto him, The son of David.
43Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
43He saith unto them, How then doth David in spirit call him Lord, saying,
44Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
44The LORD said unto my Lord, Sit thou on my right hand, till I make thine enemies thy footstool?
45Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
45If David then call him Lord, how is he his son?
46At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
46And no man was able to answer him a word, neither durst any man from that day forth ask him any more questions.