1Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
1Hear this, all ye people; give ear, all ye inhabitants of the world:
2Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama.
2Both low and high, rich and poor, together.
3Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
3My mouth shall speak of wisdom; and the meditation of my heart shall be of understanding.
4Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa.
4I will incline mine ear to a parable: I will open my dark saying upon the harp.
5Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
5Wherefore should I fear in the days of evil, when the iniquity of my heels shall compass me about?
6Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
6They that trust in their wealth, and boast themselves in the multitude of their riches;
7Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
7None of them can by any means redeem his brother, nor give to God a ransom for him:
8(Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:)
8(For the redemption of their soul is precious, and it ceaseth for ever:)
9Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.
9That he should still live for ever, and not see corruption.
10Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
10For he seeth that wise men die, likewise the fool and the brutish person perish, and leave their wealth to others.
11Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
11Their inward thought is, that their houses shall continue for ever, and their dwelling places to all generations; they call their lands after their own names.
12Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
12Nevertheless man being in honour abideth not: he is like the beasts that perish.
13Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
13This their way is their folly: yet their posterity approve their sayings. Selah.
14Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan.
14Like sheep they are laid in the grave; death shall feed on them; and the upright shall have dominion over them in the morning; and their beauty shall consume in the grave from their dwelling.
15Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
15But God will redeem my soul from the power of the grave: for he shall receive me. Selah.
16Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
16Be not thou afraid when one is made rich, when the glory of his house is increased;
17Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
17For when he dieth he shall carry nothing away: his glory shall not descend after him.
18Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
18Though while he lived he blessed his soul: and men will praise thee, when thou doest well to thyself.
19Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag.
19He shall go to the generation of his fathers; they shall never see light.
20Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.
20Man that is in honour, and understandeth not, is like the beasts that perish.