Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

1 Kings

3

1At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.
1And Solomon joineth in marriage with Pharaoh king of Egypt, and taketh the daughter of Pharaoh, and bringeth her in unto the city of David, till he completeth to build his own house, and the house of Jehovah, and the wall of Jerusalem round about.
2Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon.
2Only, the people are sacrificing in high places, for there hath not been built a house for the name of Jehovah till those days.
3At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako.
3And Solomon loveth Jehovah, to walk in the statutes of David his father — only, in high places he is sacrificing and making perfume —
4At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon.
4and the king goeth to Gibeon, to sacrifice there, for it [is] the great high place; a thousand burnt-offerings cause to ascend doth Solomon on that altar.
5Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
5In Gibeon hath Jehovah appeared unto Solomon, in a dream of the night, and God saith, `Ask — what do I give to thee?`
6At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.
6And Solomon saith, `Thou hast done with Thy servant David my father great kindness, as he walked before Thee in truth and in righteousness, and in uprightness of heart with Thee, and Thou dost keep for him this great kindness, and dost give to him a son sitting on his throne, as [at] this day.
7At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.
7And now, O Jehovah my God, Thou hast caused thy servant to reign instead of David my father; and I [am] a little child, I do not know to go out and to come in;
8At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan.
8and Thy servant [is] in the midst of thy people, whom Thou hast chosen, a people numerous, that is not numbered nor counted for multitude,
9Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?
9and Thou hast given to Thy servant an understanding heart, to judge Thy people, to discern between good and evil; for who is able to judge this Thy great people?`
10At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito.
10And the thing is good in the eyes of the Lord, that Solomon hath asked this thing,
11At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;
11and God saith unto him, `Because that thou hast asked this thing, and hast not asked for thee many days, nor asked for thee riches, nor asked the life of thine enemies, and hast asked for thee discernment to understand judgment,
12Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.
12lo, I have done according to thy words; lo, I have given to thee a heart, wise and understanding, that like thee there hath not been before thee, and after thee there doth not arise like thee;
13At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan, na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.
13and also, that which thou hast not asked I have given to thee, both riches and honour, that there hath not been like thee a man among the kings all thy days;
14At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.
14and if thou dost walk in My ways to keep My statutes, and My commands, as David thy father walked, then I have prolonged thy days.`
15At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
15And Solomon awaketh, and lo, a dream; and he cometh in to Jerusalem, and standeth before the ark of the covenant of Jehovah, and causeth to ascend burnt-offerings, and maketh peace-offerings. And he maketh a banquet for all his servants,
16Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya.
16then come in do two women, harlots, unto the king, and stand before him,
17At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya.
17and the one woman saith, `O, my lord, I and this woman are dwelling in one house, and I bring forth with her, in the house;
18At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay.
18and it cometh to pass on the third day of my bringing forth, that this woman also bringeth forth, and we [are] together, there is no stranger with us in the house, save we two, in the house.
19At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan.
19And the son of this woman dieth at night, because she hath lain upon it,
20At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan.
20and she riseth in the middle of the night, and taketh my son from beside me — and thy handmaid is asleep — and layeth it in her bosom, and her dead son she hath laid in my bosom;
21At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak.
21and I rise in the morning to suckle my son, and lo, dead; and I consider concerning it in the morning, and lo, it was not my son whom I did bear.`
22At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari.
22And the other woman saith, `Nay, but my son [is] the living, and thy son the dead;` and this [one] saith, `Nay, but thy son [is] the dead, and my son the living.` And they speak before the king.
23Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay.
23And the king saith, `This [one] saith, This [is] my son, the living, and thy son [is] the dead; and that [one] saith, Nay, but thy son [is] the dead, and my son the living.`
24At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari.
24And the king saith, `Take for me a sword;` and they bring the sword before the king,
25At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa.
25and the king saith, `Cut the living child into two, and give the half to the one, and the half to the other.`
26Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya.
26And the woman whose son [is] the living one saith unto the king (for her bowels yearned over her son), yea, she saith, `O, my lord, give to her the living child, and put it not at all to death;` and this [one] saith, `Let it be neither mine or thine — cut [it].`
27Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya.
27And the king answereth and saith, `Give ye to her the living child, and put it not at all to death; she [is] its mother.`
28At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.
28And all Israel hear of the judgment that the king hath judged, and fear because of the king, for they have seen that the wisdom of God [is] in his heart, to do judgment.