1Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
1And these [are] the last words of David: — `The affirmation of David son of Jesse — And the affirmation of the man raised up — Concerning the Anointed of the God of Jacob, And the Sweetness of the Songs of Israel:
2Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
2The Spirit of Jehovah hath spoken by me, And His word [is] on my tongue.
3Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
3He said — the God of Israel — to me, He spake — the Rock of Israel: He who is ruling over man [is] righteous, He is ruling in the fear of God.
4Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
4And as the light of morning he riseth, A morning sun — no clouds! By the shining, by the rain, Tender grass of the earth!
5Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo.
5For — not so [is] my house with God; For — a covenant age-during He made with me, Arranged in all things, and kept; For — all my salvation, and all desire, For — He hath not caused [it] to spring up.
6Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik, Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay:
6As to the worthless — As a thorn driven away [are] all of them, For — not by hand are they taken;
7Kundi ang lalake na humipo sa kanila, Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat; At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.
7And the man who cometh against them Is filled with iron and the staff of a spear, And with fire they are utterly burnt In the cessation.`
8Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
8These [are] the names of the mighty ones whom David hath: sitting in the seat [is] the Tachmonite, head of the captains — he [is] Adino, who hardened himself against eight hundred — wounded at one time.
9At pagkatapos niya'y si Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
9And after him [is] Eleazar son of Dodo, son of Ahohi, of the three mighty men with David; in their exposing themselves among the Philistines — they have been gathered there to battle, and the men of Israel go up —
10Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
10he hath arisen, and smiteth among the Philistines till that his hand hath been weary, and his hand cleaveth unto the sword, and Jehovah worketh a great salvation on that day, and the people turn back after him only to strip off.
11At pagkatapos niya'y si Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.
11And after him [is] Shammah son of Agee the Hararite, and the Philistines are gathered into a company, and there is there a portion of the field full of lentiles, and the people hath fled from the presence of the Philistines,
12Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.
12and he stationeth himself in the midst of the portion, and delivereth it, and smiteth the Philistines, and Jehovah worketh a great salvation.
13At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim.
13And three of the thirty heads go down and come unto the harvest, unto David, unto the cave of Adullam, and the company of the Philistines are encamping in the valley of Rephaim,
14At si David nga'y nasa katibayan, at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem.
14and David [is] then in a fortress, and the station of the Philistines [is] then in Beth-Lehem,
15At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!
15and David longeth and saith, `Who doth give me a drink of the water of the well of Beth-Lehem, which [is] by the gate?`
16At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.
16And the three mighty ones cleave through the camp of the Philistines, and draw water out of the well of Beth-Lehem, which [is] by the gate, and take [it] up, and bring in unto David; and he was not willing to drink it, and poureth it out to Jehovah,
17At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.
17and saith, `Far be it from me, O Jehovah, to do this; is it the blood of the men who are going with their lives?` and he was not willing to drink it; these [things] did the three mighty ones.
18At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
18And Abishai brother of Joab, son of Zeruiah, he [is] head of three, and he is lifting up his spear against three hundred — wounded, and he hath a name among three.
19Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
19Of the three is he not the honoured? and he becometh their head; and unto the [first] three he hath not come.
20At si Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
20And Benaiah son of Jehoiada (son of a man of valour, great in deeds from Kabzeel), he hath smitten two lion-like men of Moab, and he hath gone down and smitten the lion in the midst of the pit in a day of snow.
21At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
21And he hath smitten the Egyptian man, a man of appearance, and in the hand of the Egyptian [is] a spear, and he goeth down unto him with a rod, and taketh violently away the spear out of the hand of the Egyptian, and slayeth him with his own spear.
22Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
22These [things] hath Benaiah son of Jehoiada done, and hath a name among three mighty.
23Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
23Of the thirty he is honoured, and unto the three he came not; and David setteth him over his guard.
24At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem,
24Asahel brother of Joab [is] of the thirty; Elhanan son of Dodo of Beth-Lehem.
25Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,
25Shammah the Harodite, Elika the Harodite,
26Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.
26Helez the Paltite, Ira son of Ikkesh the Tekoite,
27Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,
27Abiezer the Annethothite, Mebunnai the Hushathite,
28Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,
28Zalmon the Ahohite, Maharai the Netophathite,
29Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.
29Heleb son of Baanah the Netophathite, Ittai son of Ribai from Gibeah of the sons of Benjamin,
30Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,
30Benaiah the Pirathonite, Hiddai of the brooks of Gaash,
31Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,
31Abi-Albon the Arbathite, Azmaveth the Barhumite,
32Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,
32Eliahba the Shaalbonite, [of] the sons of Jashen, Jonathan,
33Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,
33Shammah the Hararite, Ahiam son of Sharar the Hararite,
34Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,
34Eliphelet son of Ahasbai, son of the Maachathite, Eliam son of Ahithophel the Gilonite,
35Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;
35Hezrai the Carmelite, Paarai the Arbite,
36Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,
36Igal son of Nathan from Zobah, Bani the Gadite,
37Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
37Zelek the Ammonite, Naharai the Beerothite, bearer of the weapons of Joab son of Zeruiah,
38Si Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,
38Ira the Ithrite, Gareb the Ithrite,
39Si Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu't pito.
39Uriah the Hittite; in all thirty and seven.