Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

2 Samuel

9

1At sinabi ni David, May nalalabi pa ba sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay Jonathan?
1And David saith, `Is there yet any left to the house of Saul, and I do with him kindness because of Jonathan?`
2At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul na nagngangalang Siba, at kanilang tinawag siya sa harap ni David; at sinabi ng hari sa kaniya, Ikaw ba'y si Siba? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod nga.
2And the house of Saul hath a servant, and his name [is] Ziba, and they call for him unto David; and the king saith unto him, `Art thou Ziba?` and he saith, `Thy servant.`
3At sinabi ng hari, wala na ba kayang natitira sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng Dios? At sinabi ni Siba sa hari, Si Jonathan ay may isang anak pa, na pilay ang kaniyang mga paa.
3And the king saith, `Is there not yet a man to the house of Saul, and I do with him the kindness of God?` And Ziba saith unto the king, `Jonathan hath yet a son — lame.`
4At sinabi ng hari sa kaniya, Saan nandoon siya? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel, sa Lo-debar.
4And the king saith to him, `Where [is] he?` and Ziba saith unto the king, `Lo, he [is] in the house of Machir, son of Ammiel, in Lo-Debar.`
5Nang magkagayo'y nagsugo ang haring si David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir na anak ni Amiel mula sa Lo-debar.
5And king David sendeth, and taketh him out of the house of Machir son of Ammiel, of Lo-Debar,
6At si Mephiboseth, na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, ay naparoon kay David, at nagpatirapa sa kaniyang harap, at nagbigay galang. At sinabi ni David, Mephiboseth. At siya'y sumagot: Narito, ang iyong lingkod!
6and Mephibosheth son of Jonathan, son of Saul, cometh unto David, and falleth on his face, and doth obeisance, and David saith, `Mephibosheth;` and he saith, `Lo, thy servant.`
7At sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't aking tunay na pagpapakitaan ka ng kagandahang loob dahil kay Jonathan na iyong ama, at aking isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong ama, sa iyo; at ikaw ay parating kakain ng pagkain sa aking dulang.
7And David saith to him, `Be not afraid; for I certainly do with thee kindness because of Jonathan thy father, and have given back to thee all the field of Saul thy father, and thou dost eat bread at my table continually.`
8At siya'y nagbigay galang at nagsabi, Ano ang iyong lingkod upang iyong lingapin akong isang asong patay?
8And he boweth himself, and saith, `What [is] thy servant, that thou hast turned unto the dead dog — such as I?`
9Nang magkagayo'y tinawag ng hari si Siba na lingkod ni Saul, at sinabi sa kaniya, Lahat ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng iyong panginoon.
9And the king calleth unto Ziba servant of Saul, and saith unto him, `All that was to Saul and to all his house, I have given to the son of thy lord,
10At iyong bubukirin ang lupain para sa kaniya, ninyo ng iyong mga anak, at ng iyong mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga bunga, upang ang anak ng iyong panginoon ay magkaroon ng tinapay na makakain: nguni't si Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang. Si Siba nga ay may labing limang anak at dalawang pung bataan.
10and thou hast served for him the land, thou and thy sons, and thy servants, and hast brought in, and there hath been to the son of thy lord bread, and he hath eaten it; and Mephibosheth son of thy lord doth eat continually bread at my table;` and Ziba hath fifteen sons and twenty servants.
11Nang magkagayo'y sinabi ni Siba sa hari, Ayon sa lahat na iniutos ng aking panginoon na hari sa kaniyang lingkod, ay gayon gagawin ng iyong lingkod. Tungkol kay Mephiboseth, sinabi ng hari, Siya'y kakain sa aking dulang na gaya ng isa sa mga anak ng hari.
11And Ziba saith unto the king, `According to all that my lord the king commandeth his servant, so doth thy servant;` as to Mephibosheth, `he is eating at my table ([saith the king]) as one of the sons of the king.`
12At si Mephiboseth ay may isang anak na binata, na ang pangalan ay Micha. At lahat na nagsisitahan sa bahay ni Siba ay mga bataan ni Mephiboseth.
12And Mephibosheth hath a young son, and his name [is] Micha, and every one dwelling in the house of Ziba [are] servants to Mephibosheth.
13Gayon tumahan si Mephiboseth sa Jerusalem: sapagka't siya'y kumaing palagi sa dulang ng hari. At siya'y pilay sa kaniyang dalawang paa.
13And Mephibosheth is dwelling in Jerusalem, for at the table of the king he is eating continually, and he [is] lame of his two feet.