1Ito ang mga palatuntunan at mga kahatulan na inyong isasagawa sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang upang ariin, sa lahat ng mga araw na inyong ikabubuhay sa ibabaw ng lupa.
1`These [are] the statutes and the judgments which ye observe to do in the land which Jehovah, God of thy fathers, hath given to thee to possess it, all the days that ye are living on the ground:
2Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa:
2ye do utterly destroy all the places where the nations which ye are dispossessing served their gods, on the high mountains, and on the heights, and under every green tree;
3At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon.
3and ye have broken down their altars, and shivered their standing pillars, and their shrines ye burn with fire, and graven images of their gods ye cut down, and have destroyed their name out of that place.
4Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios.
4`Ye do not do so to Jehovah your God;
5Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon:
5but unto the place which Jehovah your God doth choose out of all your tribes to put His name there, to His tabernacle ye seek, and thou hast entered thither,
6At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:
6and hast brought in thither your burnt-offerings, and your sacrifices, and your tithes, and the heave-offering of your hand, and your vows, and your free-will offerings, and the firstlings of your herd and of your flock;
7At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios.
7and ye have eaten there before Jehovah your God, and have rejoiced in every putting forth of your hand, ye and your households, with which Jehovah thy God hath blessed thee.
8Huwag ninyong gagawin ang ayon sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito, na ang magalingin ng bawa't isa sa kaniyang paningin;
8`Ye do not do according to all that we are doing here to-day, each anything that is right in his own eyes,
9Sapagka't hindi pa kayo nakararating sa kapahingahan at sa mana, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Dios.
9for ye have not come in hitherto unto the rest, and unto the inheritance, which Jehovah thy God is giving to thee;
10Datapuwa't pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, na ano pa't kayo'y tumahang tiwasay;
10and ye have passed over the Jordan, and have dwelt in the land which Jehovah your God is causing you to inherit, and He hath given rest to you from all your enemies round about, and ye have dwelt confidently:
11Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon:
11`And it hath been, the place on which Jehovah your God doth fix to cause His name to tabernacle there, thither ye bring in all that which I am commanding you, your burnt-offerings, and your sacrifices, your tithes, and the heave-offering of your hand, and all the choice of your vows which ye vow to Jehovah;
12At kayo'y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama ninyo.
12and ye have rejoiced before Jehovah your God, ye, and your sons, and your daughters, and your men-servants, and your handmaids, and the Levite who [is] within your gates, for he hath no part and inheritance with you.
13Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita:
13`Take heed to thee, lest thou cause thy burnt-offerings to ascend in any place which thou seest,
14Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.
14except in the place which Jehovah doth choose in one of thy tribes, there thou dost cause thy burnt-offerings to ascend, and there thou dost do all that which I am commanding thee.
15Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng maliit na usa, at gaya ng malaking usa.
15`Only, with all the desire of thy soul thou dost sacrifice, and hast eaten flesh according to the blessing of Jehovah thy God which He hath given to thee, in all thy gates; the unclean and the clean do eat it, as of the roe, and as of the hart.
16Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig.
16`Only, the blood ye do not eat — on the earth thou dost pour it as water;
17Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay:
17thou art not able to eat within thy gates the tithe of thy corn, and of thy new wine, and thine oil, and the firstlings of thy herd and of thy flock, and any of thy vows which thou vowest, and thy free-will offerings, and heave-offering of thy hand;
18Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.
18but before Jehovah thy God thou dost eat it, in the place which Jehovah thy God doth fix on, thou, and thy son, and thy daughter, and thy man-servant, and thy handmaid, and the Levite who [is] within thy gates, and thou hast rejoiced before Jehovah thy God in every putting forth of thy hand;
19Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain.
19take heed to thee lest thou forsake the Levite all thy days on thy ground.
20Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo.
20`When Jehovah thy God doth enlarge thy border, as He hath spoken to thee, and thou hast said, Let me eat flesh — for thy soul desireth to eat flesh — of all the desire of thy soul thou dost eat flesh.
21Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo, ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa mo.
21`When the place is far from thee which Jehovah thy God doth choose to put His name there, then thou hast sacrificed of thy herd and of thy flock which Jehovah hath given to thee, as I have commanded thee, and hast eaten within thy gates, of all the desire of thy soul;
22Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon.
22only, as the roe and the hart is eaten, so dost thou eat it; the unclean and the clean doth alike eat it.
23Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.
23`Only, be sure not to eat the blood, for the blood [is] the life, and thou dost not eat the life with the flesh;
24Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.
24thou dost not eat it, on the earth thou dost pour it as water;
25Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
25thou dost not eat it, in order that it may be well with thee, and with thy sons after thee, when thou dost that which [is] right in the eyes of Jehovah.
26Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo, at ang iyong mga panata, ang iyong dadalhin, at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon:
26`Only, thy holy things which thou hast, and thy vows, thou dost take up, and hast gone in unto the place which Jehovah doth choose,
27At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios; at iyong kakanin ang karne.
27and thou hast made thy burnt-offerings — the flesh and the blood — on the altar of Jehovah thy God; and the blood of thy sacrifices is poured out by the altar of Jehovah thy God, and the flesh thou dost eat.
28Iyong sundin at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo, upang magpakailan man ay ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, pagka iyong ginawa ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios.
28Observe, and thou hast obeyed all these words which I am commanding thee, in order that it may be well with thee and with thy sons after thee — to the age, when thou dost that which [is] good and right in the eyes of Jehovah thy God.
29Pagka naihiwalay ng Panginoon mong Dios sa harap mo, ang mga bansa na iyong pinapasok upang ariin, at iyong halinhan sila, at nakatahan ka sa kanilang lupain,
29`When Jehovah thy God doth cut off the nations — whither thou art going in to possess them — from thy presence, and thou hast possessed them, and hast dwelt in their land —
30Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko.
30take heed to thee, lest thou be snared after them, after their being destroyed out of thy presence, and lest thou enquire about their gods, saying, How do these nations serve their gods, and I do so — even I?
31Huwag mong gagawing gayon sa Panginoon mong Dios: sapagka't bawa't karumaldumal sa Panginoon, na kaniyang kinapopootan, ay kanilang ginagawa sa kanilang mga dios; sapagka't pati ng kanilang mga anak na lalake at babae ay kanilang sinusunog sa apoy sa kanilang mga dios.
31`Thou dost not do so to Jehovah thy God; for every abomination of Jehovah which He is hating they have done to their gods, for even their sons and their daughters they burn with fire to their gods.
32Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
32The whole thing which I am commanding you — it ye observe to do; thou dost not add unto it, nor diminish from it.