Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Deuteronomy

2

1Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir.
1`And we turn, and journey into the wilderness, the way of the Red Sea, as Jehovah hath spoken unto me, and we go round the mount of Seir many days.
2At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,
2`And Jehovah speaketh unto me, saying,
3Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.
3Enough to you — is the going round of this mount; turn for yourselves northward.
4At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:
4`And the people command thou, saying, Ye are passing over into the border of your brethren, sons of Esau, who are dwelling in Seir, and they are afraid of you; and ye have been very watchful,
5Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.
5ye do not strive with them, for I do not give to you of their land even the treading of the sole of a foot; for a possession to Esau I have given mount Seir.
6Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.
6`Food ye buy from them with money, and have eaten; and also water ye buy from them with money, and have drunk,
7Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
7for Jehovah thy God hath blessed thee in all the work of thy hands; He hath known thy walking in this great wilderness these forty years; Jehovah thy God [is] with thee; thou hast not lacked anything.
8Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.
8`And we pass by from our brethren, sons of Esau, who are dwelling in Seir, by the way of the plain, by Elath, and by Ezion-Gaber; and we turn, and pass over the way of the wilderness of Moab;
9At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.
9and Jehovah saith unto me, Do not distress Moab, nor stir thyself up against them [in] battle, for I do not give to thee of their land [for] a possession; for to the sons of Lot I have given Ar [for] a possession.`
10(Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo:
10`The Emim formerly have dwelt in it, a people great, and numerous, and tall, as the Anakim;
11Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
11Rephaim they are reckoned, they also, as the Anakim; and the Moabites call them Emim.
12Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
12And in Seir have the Horim dwelt formerly; and the sons of Esau dispossess them, and destroy them from before them, and dwell in their stead, as Israel hath done to the land of his possession, which Jehovah hath given to them;
13Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
13now, rise ye, and pass over for yourselves the brook Zered; and we pass over the brook Zered.
14At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
14`And the days which we have walked from Kadesh-Barnea until that we have passed over the brook Zered, [are] thirty and eight years, till the consumption of all the generation of the men of battle from the midst of the camp, as Jehovah hath sworn to them;
15Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
15and also the hand of Jehovah hath been against them, to destroy them from the midst of the camp, till they are consumed.
16Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
16`And it cometh to pass, when all the men of battle have finished dying from the midst of the people,
17Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
17that Jehovah speaketh unto me, saying,
18Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
18Thou art passing over to-day the border of Moab, even Ar,
19At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
19and thou hast come near over-against the sons of Ammon, thou dost not distress them, nor stir up thyself against them, for I do not give [any] of the land of the sons of Ammon to thee [for] a possession; for to the sons of Lot I have given it [for] a possession.
20(Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;
20`A land of Rephaim it is reckoned, even it; Rephaim dwelt in it formerly, and the Ammonites call them Zamzummim;
21Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:
21a people great, and numerous, and tall, as the Anakim, and Jehovah destroyeth them before them, and they dispossess them, and dwell in their stead,
22Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:
22as He hath done for the sons of Esau, who are dwelling in Seir, when He destroyed the Horim from before them, and they dispossess them, and dwell in their stead, unto this day.
23At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
23`As to the Avim who are dwelling in Hazerim unto Azzah, the Caphtorim — who are coming out from Caphtor — have destroyed them, and dwell in their stead.
24Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.
24`Rise ye, journey and pass over the brook Arnon; see, I have given into thy hand Sihon king of Heshbon, the Amorite, and his land; begin to possess, and stir up thyself against him [in] battle.
25Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.
25This day I begin to put thy dread and thy fear on the face of the peoples under the whole heavens, who hear thy fame, and have trembled and been pained because of thee.
26At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita, na sinasabi,
26`And I send messengers from the wilderness of Kedemoth, unto Sihon king of Heshbon, — words of peace — saying,
27Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa.
27Let me pass over through thy land; in the several ways I go; I turn not aside — right or left —
28Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;
28food for money thou dost sell me, and I have eaten; and water for money thou dost give to me, and I have drunk; only, let me pass over on my feet, —
29Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.
29as the sons of Esau who are dwelling in Seir, and the Moabites who are dwelling in Ar, have done to me — till that I pass over the Jordan, unto the land which Jehovah our God is giving to us.
30Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
30`And Sihon king of Heshbon hath not been willing to let us pass over by him, for Jehovah thy God hath hardened his spirit, and strengthened his heart, so as to give him into thy hand as at this day.
31At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.
31`And Jehovah saith unto me, See, I have begun to give before thee Sihon and his land; begin to possess — to possess his land.
32Nang magkagayo'y lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.
32`And Sihon cometh out to meet us, he and all his people, to battle to Jahaz;
33At ibinigay siya ng Panginoon nating Dios sa harap natin; at ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan.
33and Jehovah our God giveth him before us, and we smite him, and his sons, and all his people;
34At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira:
34and we capture all his cities at that time, and devote the whole city, men, and the women, and the infants — we have not left a remnant;
35Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop.
35only, the cattle we have spoiled for ourselves, and the spoil of the cities which we have captured.
36Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios:
36`From Aroer, which [is] by the edge of the brook Arnon, and the city which [is] by the brook, even unto Gilead there hath not been a city which [is] too high for us; the whole hath Jehovah our God given before us.
37Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios.
37`Only, unto the land of the sons of Ammon thou hast not drawn near, any part of the brook Jabbok, and cities of the hill-country, and anything which Jehovah our God hath [not] commanded.