1Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.
1Dead flies cause a perfumer`s perfume To send forth a stink; The precious by reason of wisdom — By reason of honour — a little folly!
2Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.
2The heart of the wise [is] at his right hand, And the heart of a fool at his left.
3Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.
3And also, when he that is a fool Is walking in the way, his heart is lacking, And he hath said to every one, `He [is] a fool.`
4Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.
4If the spirit of the ruler go up against thee, Thy place leave not, For yielding quieteth great sinners.
5May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
5There is an evil I have seen under the sun, As an error that goeth out from the ruler,
6Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.
6He hath set the fool in many high places, And the rich in a low place do sit.
7Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.
7I have seen servants on horses, And princes walking as servants on the earth.
8Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.
8Whoso is digging a pit falleth into it, And whoso is breaking a hedge, a serpent biteth him.
9Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.
9Whoso is removing stones is grieved by them, Whoso is cleaving trees endangered by them.
10Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.
10If the iron hath been blunt, And he the face hath not sharpened, Then doth he increase strength, And wisdom [is] advantageous to make right.
11Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.
11If the serpent biteth without enchantment, Then there is no advantage to a master of the tongue.
12Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.
12Words of the mouth of the wise [are] gracious, And the lips of a fool swallow him up.
13Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.
13The beginning of the words of his mouth [is] folly, And the latter end of his mouth [Is] mischievous madness.
14Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?
14And the fool multiplieth words: `Man knoweth not that which is, And that which is after him, who doth declare to him?`
15Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.
15The labour of the foolish wearieth him, In that he hath not known to go unto the city.
16Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga!
16Wo to thee, O land, when thy king [is] a youth, And thy princes do eat in the morning.
17Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!
17Happy art thou, O land, When thy king [is] a son of freemen, And thy princes do eat in due season, For might, and not for drunkenness.
18Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.
18By slothfulness is the wall brought low, And by idleness of the hands doth the house drop.
19Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.
19For mirth they are making a feast, And wine maketh life joyful, And the silver answereth with all.
20Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.
20Even in thy mind a king revile not, And in the inner parts of thy bed-chamber Revile not the rich: For a fowl of the heavens causeth the voice to go, And a possessor of wings declareth the word.