1Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon.
1In the twenty and fifth year of our removal, in the beginning of the year, in the tenth of the month, in the fourteenth year after that the city was smitten, in this self-same day hath a hand of Jehovah been upon me, and He bringeth me in thither;
2Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.
2in visions of God He hath brought me in unto the land of Israel, and causeth me to rest on a very high mountain, and upon it [is] as the frame of a city on the south.
3At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso, na may pising lino sa kaniyang kamay, at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.
3And He bringeth me in thither, and lo, a man, his appearance as the appearance of brass, and a thread of flax in his hand, and a measuring-reed, and he is standing at the gate,
4At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.
4and the man speaketh unto me: `Son of man, see with thine eyes, And with thine ears hear, And set thy heart to all that I am shewing thee, For, in order to shew [it] thee, Thou hast been brought in hither, Declare all that thou art seeing to the house of Israel.`
5At, narito; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo.
5And lo, a wall on the outside of the house all round about, and in the hand of the man a measuring-reed, six cubits by a cubit and a handbreadth, and he measureth the breadth of the building one reed, and the height one reed.
6Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang.
6And he cometh in unto the gate whose front [is] eastward, and he goeth up by its steps, and he measureth the threshold of the gate one reed broad, even the one threshold one reed broad,
7At bawa't silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo.
7and the little chamber one reed long and one reed broad, and between the little chambers five cubits, and the threshold of the gate, from the side of the porch of the gate from within, one reed.
8Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo.
8And he measureth the porch of the gate from within one reed,
9Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay.
9and he measureth the porch of the gate eight cubits, and its posts two cubits, and the porch of the gates from within,
10At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon.
10and the little chambers of the gate eastward, three on this side, and three on that side; one measure [is] to them three, and one measure [is] to the posts, on this side and on that side.
11At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko;
11And he measureth the breadth of the opening of the gate ten cubits, the length of the gate thirteen cubits;
12At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon;
12and a border before the little chambers, one cubit, and one cubit [is] the border on this side, and the little chamber [is] six cubits on this side, and six cubits on that side.
13At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan.
13And he measureth the gate from the roof of the [one] little chamber to the roof of another; the breadth twenty and five cubits, opening over-against opening.
14Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot.
14And he maketh the posts of sixty cubits, even unto the post of the court, the gate all round about;
15At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko.
15and by the front of the gate of the entrance, by the front of the porch of the inner gate, fifty cubits;
16At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga puno ng palma.
16and narrow windows [are] unto the little chambers, and unto their posts at the inside of the gate all round about — and so to the arches — and windows all round about [are] at the inside, and at the post [are] palm-trees.
17Nang magkagayo'y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag.
17And he bringeth me in unto the outer court, and lo, chambers and a pavement made for the court all round about — thirty chambers on the pavement —
18At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag.
18and the pavement unto the side of the gates over-against the length of the gates [is] the lower pavement;
19Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan.
19and he measureth the breadth from before the lower gate, to the front of the inner court, on the outside, a hundred cubits, eastward and northward.
20At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon.
20As to the gate of the outer court whose front [is] northward, he hath measured its length and its breadth;
21At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
21and its little chambers, three on this side, and three on that side, and its posts and its arches have been according to the measure of the first gate, fifty cubits its length, and the breadth five and twenty by the cubit;
22At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila.
22and its windows, and its arches, and its palm-trees [are] according to the measure of the gate whose face [is] eastward, and by seven steps they go up on it, and its arches [are] before them.
23At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko.
23And the gate of the inner court [is] over-against the gate at the north and at the east; and he measureth from gate unto gate, a hundred cubits.
24At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito.
24And he causeth me to go southward, and lo, a gate southward, and he hath measured its posts and its arches according to these measures;
25At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
25and windows [are] to it and to its arches all round about, like these windows, fifty cubits the length, and the breadth five and twenty cubits;
26At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon.
26and seven steps [are] its ascent, and its arches [are] before them, and palm-trees [are] to it, one on this side, and one on that side, at its posts;
27At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko.
27and the gate of the inner court [is] southward, and he measureth from gate unto gate southward, a hundred cubits.
28Nang magkagayo'y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan: at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito;
28And he bringeth me in unto the inner court by the south gate, and he measureth the south gate according to these measures;
29At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga hubog niyaon, ay ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan yaon, at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot; may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
29and its little chambers, and its posts, and its arches [are] according to these measures, and windows [are] to it and to its arches all round about; fifty cubits the length, and the breadth twenty and five cubits.
30At may mga hubog sa palibot, na dalawang pu't limang siko ang haba, at limang siko ang luwang.
30As to the arches all round about, the length [is] five and twenty cubits, and the breadth five cubits;
31At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
31and its arches [are] unto the outer court, and palm-trees [are] unto its posts, and eight steps [are] its ascent.
32At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito.
32And he bringeth me in unto the inner court eastward, and he measureth the gate according to these measures;
33At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon, ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot: may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
33and its little chambers, and its posts, and its arches [are] according to these measures: and windows [are] to it and to its arches all round about, the length fifty cubits, and the breadth five and twenty cubits;
34At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
34and its arches [are] toward the outer court, and palm-trees [are] toward its posts, on this side and on that side, and eight steps [are] its ascent.
35At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan: at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito;
35And he bringeth me in unto the north gate, and hath measured according to these measures;
36Ang mga silid ng bantay niyaon, ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon: at may mga dungawan sa loob sa palibot; ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
36its little chambers, its posts, and its arches; and windows [are] to it all round about: the length fifty cubits, and the breadth five and twenty cubits;
37At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
37and its posts [are] to the outer court, and palm-trees [are] unto its posts, on this side and on that side, and eight steps [are] its ascent.
38At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan; doon sila naghugas ng handog na susunugin.
38And the chamber and its opening [is] by the posts of the gates, there they purge the burnt-offering.
39At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito, at dalawang dulang sa dakong yaon, upang patayin doon ang handog na susunugin, at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala.
39And in the porch of the gate [are] two tables on this side, and two tables on that side, to slaughter on them the burnt-offering, and the sin-offering, and the guilt-offering;
40At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang; at sa kabilang dako, na ukol sa portiko ng pintuang-daan, ay may dalawang dulang.
40and at the side without, at the going up to the opening of the north gate, [are] two tables; and at the other side that [is] at the porch of the gate, [are] two tables;
41Apat na dulang sa dakong ito, at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain.
41four tables [are] on this side, and four tables on that side, at the side of the gate, eight tables on which they slaughter.
42At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin, na batong tinabas, na isang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang, at isang siko ang taas; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain.
42And the four tables for burnt-offering [are] of hewn stone: the length one cubit and a half, and the breadth one cubit and a half, and the height one cubit: on them they place the instruments with which they slaughter the burnt-offering and the sacrifice.
43At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay.
43And the boundaries [are] one handbreadth, prepared within all round about: and on the tables [is] the flesh of the offering.
44At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban, na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan; at mga nakaharap sa timugan; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan.
44And on the outside of the inner gate [are] chambers of the singers, in the inner court, that [are] at the side of the north gate, and their fronts [are] southward, one at the side of the east gate [hath] the front northward.
45At kaniyang sinabi sa akin, Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan, ay sa mga saserdote, sa mga namamahala sa bahay;
45And he speaketh unto me: `This chamber, whose front [is] southward, [is] for priests keeping charge of the house;
46At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, na mga namamahala sa dambana: ang mga ito ay mga anak ni Sadoc, na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya.
46and the chamber, whose front [is] northward, [is] for priests keeping charge of the altar: they [are] sons of Zadok, who are drawing near of the sons of Levi unto Jehovah, to serve Him.`
47At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba, at isang daang siko ang luwang, parisukat; at ang dambana ay nasa harap ng bahay.
47And he measureth the court: the length a hundred cubits, and the breadth a hundred cubits, square, and the altar [is] before the house.
48Nang magkagayo'y dinala niya ako sa portiko ng bahay, at sinukat niya ang bawa't haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito, at limang siko sa dakong yaon: at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito, at tatlong siko sa dakong yaon.
48And he bringeth me in unto the porch of the house, and he measureth the post of the porch, five cubits on this side, and five cubits on that side, and the breadth of the gate, three cubits on this side, and three cubits on that side;
49Ang haba ng portiko ay dalawang pung siko, at ang luwang ay labing isang siko: kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan: at may mga haligi, isa sa dakong ito, at isa sa dakong yaon.
49the length of the porch twenty cubits, and the breadth eleven cubits; and by the steps whereby they go up unto it: and pillars [are] at the posts, one on this side, and one on that side.