Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Ezekiel

6

1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
1And there is a word of Jehovah unto me, saying:
2Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon.
2`Son of man, set thy face unto mountains of Israel, and prophesy concerning them:
3At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.
3And thou hast said: Mountains of Israel, Hear ye a word of the Lord Jehovah: Thus said the Lord Jehovah To the mountains, and to the hills, To the streams, and to the valleys, Lo, I, I am bringing in against you a sword, And I have destroyed your high places.
4At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.
4And desolated have been your altars, And broken your images, And I have caused your wounded to fall before your idols,
5At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana.
5And put the carcases of the sons of Israel before their idols, And scattered your bones round about your altars.
6Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala.
6In all your dwellings the cities are laid waste, And the high places are desolate, So that waste and desolate are your altars, And broken and ceased have your idols, And cut down have been your images, And blotted out have been your works.
7At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
7And fallen hath the wounded in your midst, And ye have known that I [am] Jehovah.
8Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain.
8And I have caused [some] to remain, In their being to you the escaped of the sword among nations, In your being scattered through lands.
9At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.
9And remembered Me have your escaped among nations, Whither they have been taken captive, Because I have been broken with their heart that is going a-whoring, That hath turned aside from off Me, And with their eyes they are going a-whoring after their idols, And they have been loathsome in their own faces, For the evils that they have done — all their abominations.
10At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila.
10And they have known that I [am] Jehovah, Not for nought have I spoken to do to them this evil.
11Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot.
11Thus said the Lord Jehovah: `Smite with thy palm, and stamp with thy foot, And say: Alas, for all the evil abominations of the house of Israel, Who by sword, by famine, and by pestilence do fall.
12Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila.
12The far-off by pestilence dieth, And the near by sword falleth, And the left and the besieged by famine dieth, And I have completed my fury upon them.
13At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan.
13And ye have known that I [am] Jehovah, In their wounded being in the midst of their idols, Round about their altars, On every high hill, on all tops of mountains, And under every green tree, and under every thick oak, The place where they gave sweet fragrance to all their idols.
14At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang lupa, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa lahat nilang tahanan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
14And I have stretched out my hand against them, And have made the land a desolation, Even a desolation from the wilderness to Diblath, In all their dwellings, And they have known that I [am] Jehovah!`