Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Isaiah

58

1Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
1Call with the throat, restrain not, As a trumpet lift up thy voice, And declare to My people their transgression, And to the house of Jacob their sins;
2Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.
2Seeing — Me day by day they seek, And the knowledge of My ways they desire, As a nation that righteousness hath done, And the judgment of its God hath not forsaken, They ask of me judgments of righteousness, The drawing near of God they desire:
3Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
3`Why have we fasted, and Thou hast not seen? We have afflicted our soul, and Thou knowest not.` Lo, in the day of your fast ye find pleasure, And all your labours ye exact.
4Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.
4Lo, for strife and debate ye fast, And to smite with the fist of wickedness, Ye fast not as [to]-day, To sound in the high place your voice.
5Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
5Like this is the fast that I choose? The day of a man`s afflicting his soul? To bow as a reed his head, And sackcloth and ashes spread out? This dost thou call a fast, And a desirable day — to Jehovah?
6Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?
6Is not this the fast that I chose — To loose the bands of wickedness, To shake off the burdens of the yoke, And to send out the oppressed free, And every yoke ye draw off?
7Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
7Is it not to deal to the hungry thy bread, And the mourning poor bring home, That thou seest the naked and cover him, And from thine own flesh hide not thyself?
8Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
8Then broken up as the dawn is thy light, And thy health in haste springeth up, Gone before thee hath thy righteousness, The honour of Jehovah doth gather thee.
9Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:
9Then thou callest, and Jehovah answereth, Thou criest, and He saith, `Behold Me.` If thou turn aside from thy midst the yoke, The sending forth of the finger, And the speaking of vanity,
10At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;
10And dost bring out to the hungry thy soul, And the afflicted soul dost satisfy, Then risen in the darkness hath thy light, And thy thick darkness [is] as noon.
11At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
11And Jehovah doth lead thee continually, And hath satisfied in drought thy soul, And thy bones He armeth, And thou hast been as a watered garden, And as an outlet of waters, whose waters lie not.
12At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
12And they have built out of thee the wastes of old, The foundations of many generations thou raisest up, And one calleth thee, `Repairer of the breach, Restorer of paths to rest in.`
13Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:
13If thou dost turn from the sabbath thy foot, Doing thine own pleasure on My holy day, And hast cried to the sabbath, `A delight,` To the holy of Jehovah, `Honoured,` And hast honoured it, without doing thine own ways, Without finding thine own pleasure, And speaking a word.
14Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.
14Then dost thou delight thyself on Jehovah, And I have caused thee to ride on high places of earth, And have caused thee to eat the inheritance of Jacob thy father, For the mouth of Jehovah hath spoken!