Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Jeremiah

44

1Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa Migdol, at sa Taphnes, at sa Memphis, at sa lupain ng Patros, na nagsasabi,
1The word that hath been unto Jeremiah concerning all the Jews who are dwelling in the land of Egypt — who are dwelling in Migdol, and in Tahpanhes, and in Noph, and in the land of Pathros — saying,
2Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem, at sa lahat ng mga bayan ng Juda; at, narito, sa araw na ito, sila'y kagibaan, at walang taong tumatahan doon,
2`Thus said Jehovah of Hosts, God of Israel: Ye — ye have seen all the evil that I have brought in on Jerusalem, and on all the cities of Judah, and lo, they [are] a waste this day, and there is none dwelling in them,
3Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.
3because of their wickedness that they have done, by provoking Me to anger, by going to make perfume, by serving other gods, that they knew not, they, ye, and your fathers.
4Gayon ma'y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.
4`And I send unto you all my servants, the prophets, rising early and sending, saying: I pray you, do not this abomination that I have hated —
5Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.
5and they have not hearkened nor inclined their ear, to turn back from their wickedness, not to make perfume to other gods,
6Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito.
6and poured out is My fury, and Mine anger, and it burneth in cities of Judah, and in streets of Jerusalem, and they are for a waste, for a desolation, as [at] this day.
7Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi;
7`And, now, thus said Jehovah of Hosts, God of Israel: Why are ye doing great evil unto your own souls, to cut off to you man and woman, infant and suckling, from the midst of Judah, so as not to leave to you a remnant:
8Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa?
8by provoking Me to anger by the works of your hands, by making perfume to other gods in the land of Egypt, whither ye are going in to sojourn, so as to cut yourselves off, and so as to your being for a reviling and for a reproach among all nations of the earth?
9Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem?
9`Have ye forgotten the wickedness of your fathers, and the wickedness of the kings of Judah, and the wickedness of their wives, and your own wickedness, and the wickedness of your wives, that they have done in the land of Judah, and in streets of Jerusalem?
10Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang.
10They have not been humbled unto this day, nor have they been afraid, nor have they walked in My law, and in My statutes, that I have set before you and before your fathers.
11Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda.
11`Therefore, thus said Jehovah of Hosts, God of Israel: Lo, I am setting my face against you for evil, even to cut off all Judah,
12At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.
12and I have taken the remnant of Judah, who have set their faces to enter the land of Egypt to sojourn there, and they have all been consumed in the land of Egypt; they fall by sword, by famine they are consumed, from the least even unto the greatest, by sword and by famine they die, and they have been for an execration, for an astonishment, and for a reviling, and for a reproach.
13Sapagka't aking parurusahan silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;
13`And I have seen after those dwelling in the land of Egypt, as I saw after Jerusalem, with sword, with famine, and with pestilence,
14Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.
14and there is not an escaped and remaining one of the remnant of Judah, who are entering into the land of Egypt to sojourn there, even to turn back to the land of Judah, whither they are lifting up their soul to return to dwell, for they do not turn back, except those escaping.`
15Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi,
15And they answer Jeremiah — all the men who are knowing that their wives are making perfume to other gods, and all the women who are remaining, a great assembly, even all the people who are dwelling in the land of Egypt, in Pathros — saying:
16Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin.
16`The word that thou hast spoken unto us in the name of Jehovah — we are not hearkening unto thee;
17Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.
17for we certainly do everything that hath gone out of our mouth, to make perfume to the queen of the heavens, and to pour out to her libations, as we have done, we, and our fathers, our kings, and our heads, in cities of Judah, and in streets of Jerusalem, and — we are satisfied with bread, and we are well, and evil we have not seen.
18Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom.
18`And from the time we have ceased to make perfume to the queen of the heavens, and to pour out to her libations, we have lacked all, and by sword and by famine we have been consumed,
19At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa reina ng langit at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?
19and when we are making perfume to the queen of the heavens, and pouring out to her libations — without our husbands have we made for her cakes to idolize her, and to pour out to her libations?`
20Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi,
20And Jeremiah saith unto all the people, concerning the men and concerning the women, and concerning all the people who are answering him, saying:
21Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ninyo, at ng inyong mga magulang, ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe, at ng bayan ng lupain, hindi baga inalaala ng Panginoon, at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip?
21`The perfume that ye made in the cities of Judah, and in the streets of Jerusalem, ye, and your fathers, your kings, and your heads, and the people of the land, hath not Jehovah remembered it? yea, it cometh up on His heart.
22Na anopa't ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa, at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa; kaya't ang inyong lupain ay naging sira, at katigilan, at kasumpaan, na walang mananahan gaya sa araw na ito.
22And Jehovah is not able any more to accept [you], because of the evil of your doings, because of the abominations that ye have done, and your land is for a waste, and for an astonishment, and for a reviling, without inhabitant, as [at] this day.
23Sapagka't kayo'y nangagsunog ng kamangyan, at sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon, o nagsilakad man sa kaniyang kautusan, o sa kaniyang palatuntunan man, o sa kaniyang mga patotoo man; dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo, gaya sa araw na ito.
23`Because that ye have made perfume, and because ye have sinned against Jehovah, and have not hearkened to the voice of Jehovah, and in His law, and in His statutes, and in His testimonies ye have not walked, therefore hath this evil met you as [at] this day.`
24Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:
24And Jeremiah saith unto all the people, and unto all the women, `Hear ye a word of Jehovah, all Judah who [are] in the land of Egypt,
25Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata.
25Thus spake Jehovah of Hosts, God of Israel, saying: Ye and your wives both speak with your mouth, and with your hands have fulfilled, saying: We certainly execute our vows that we have vowed, to make perfume to the queen of the heavens, and to pour out to her libations, ye do certainly establish your vows, and certainly execute your vows.
26Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.
26`Therefore, hear ye a word of Jehovah, all Judah who are dwelling in the land of Egypt: Lo, I — I have sworn by My great name, said Jehovah, My name is no more proclaimed by the mouth of any man of Judah, saying, Live doth the Lord Jehovah — in all the land of Egypt.
27Narito, aking binabantayan sila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom, hanggang sa umabot sila sa kawakasan.
27Lo, I am watching over them for evil, and not for good, and consumed have been all the men of Judah who [are] in the land of Egypt, by sword and by famine, till their consumption.
28At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.
28`And the escaped of the sword turn back out of the land of Egypt to the land of Judah, few in number, and known have all the remnant of Judah who are coming into the land of Egypt to sojourn there, whose word is established, Mine or theirs.
29At ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan kayo sa dakong ito, upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama:
29`And this [is] to you the sign — an affirmation of Jehovah — that I am seeing after you in this place, so that ye know that My words are certainly established against you for evil;
30Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay si Faraon Hophra na hari sa Egipto sa kamay ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kaniyang buhay; gaya ng pagkabigay ko kay Sedechias na hari sa Juda sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na kaniyang kaaway, at umuusig ng kaniyang buhay.
30Thus said Jehovah, Lo, I am giving Pharaoh-Hophra king of Egypt into the hand of his enemies, and into the hand of those seeking his life, as I have given Zedekiah king of Judah into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, his enemy, and who is seeking his life.`