Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Jeremiah

9

1Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan!
1Who doth make my head waters, And mine eye a fountain of tears? And I weep by day and by night, For the wounded of the daughter of my people.
2Oh kung magkaroon ako sa ilang ng patuluyan sa mga naglalakad; upang aking maiwan ang aking bayan, at lisanin ko sila! sapagka't silang lahat ay mangangalunya, kapulungan ng mga taong taksil!
2Who doth give me in a wilderness A lodging-place of travellers? And I leave my people, and go from them, For all of them [are] adulterers, An assembly of treacherous ones.
3At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon.
3And they bend their tongue, their bow [is] a lie, And not for stedfastness have they been mighty in the land, For from evil unto evil they have gone forth, And Me they have not known, An affirmation of Jehovah!
4Mangagingat bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid; sapagka't bawa't kapatid ay mangaagaw, at bawa't kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri.
4Each of his friend — beware ye, And on any brother, do not trust, For every brother doth utterly supplant, For every friend slanderously doth walk,
5At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan.
5And each at his friend they mock, And truth they do not speak, They taught their tongue to speak falsehood, To commit iniquity they have laboured.
6Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya: dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin, sabi ng Panginoon.
6thy dwelling [is] in the midst of deceit, Through deceit they refused to know Me, An affirmation of Jehovah.
7Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan?
7Therefore, thus said Jehovah of Hosts: Lo, I am refining them, and have tried them, For how do I do because of the daughter of My people?
8Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya.
8A slaughtering arrow [is] their tongue, Deceit it hath spoken in its mouth, Peace with its neighbour it speaketh, And in its heart it layeth its ambush,
9Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito?
9For these things do not I see after them? An affirmation of Jehovah, Against a nation such as this doth not My soul avenge itself?
10Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis, at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy, sapagka't nasunog ang mga yaon, na anopa't walang dumaraan; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas, ang mga ito'y nagsiyaon.
10For the mountains I lift up weeping and wailing, And for the habitations of the wilderness a lamentation, For they have been burnt up without any passing over, Nor have they heard the voice of cattle, From the fowl of the heavens unto the beast they have fled, they have gone.
11At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem, na tahanang dako ng mga chakal; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na walang mananahan.
11And I make Jerusalem become heaps, A habitation of dragons, And the cities of Judah I make a desolation, Without inhabitant.
12Sino ang pantas na makakaunawa nito? at sino siya na pinagsalitaan ng bibig ng Panginoon, upang kaniyang maipahayag? bakit ang lupain ay napupugnaw at nasusunog na parang ilang, na anopa't walang dumaraan?
12Who [is] the wise man? and he understandeth this, And he to whom the mouth of Jehovah spake? And he doth declare it, For what hath the land perished? It hath been burnt up as a wilderness, Without any passing through.
13At sinabi ng Panginoon, Sapagka't kanilang pinabayaan ang aking kautusan na aking inilagay sa harap nila, at hindi nagsisunod sa aking tinig, o nilakaran man nila;
13And Jehovah saith: Because of their forsaking My law that I set before them, And they have not hearkened to My voice nor walked in it,
14Kundi sila'y nagsisunod sa pagmamatigas ng kanilang sariling puso, at nagsisunod sa mga Baal, na itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang;
14And they walk after the stubbornness of their heart, And after the Baalim, that their fathers taught them,
15Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking pakakanin sila, ang bayang ito, ng ajenjo, at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin.
15Therefore, thus said Jehovah of Hosts, God of Israel: Lo, I am causing them — this people — to eat wormwood, And I have caused them to drink water of gall,
16Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa, na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man; at ipahahabol ko sila sa tabak, hanggang sa aking malipol sila.
16And I have scattered them among nations Which they knew not, they and their fathers, And have sent after them the sword, Till I have consumed them.
17Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y mangagdilidili, at magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae, upang sila'y mangakaparito:
17Thus said Jehovah of Hosts: Consider ye, and call for mourning women, And they come, And to the wise women send, and they come,
18At mangagmadali sila, at mangaglakas sila ng panangis dahil sa atin, upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha, at ang ating mga talukapmata ay labasan ng tubig.
18And they hasten, and lift up for us a wailing. And run down our eyes do tears, And from our eyelids do waters flow.
19Sapagka't ang tinig ng panangis ay naririnig mula sa Sion, Ano't tayo'y nasisira! tayo'y lubhang nangalito, sapagka't ating pinabayaan ang lupain, sapagka't kanilang ibinagsak ang ating mga tahanan.
19For — a voice of wailing is heard from Zion: How have we been spoiled! We have been greatly ashamed, Because we have forsaken the land, Because they have cast down our tabernacles.
20Gayon ma'y inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga babae, at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis, at turuan ng bawa't isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy.
20But hear, ye women, a word of Jehovah, And your ear receiveth a word of His mouth, And teach ye your daughters wailing, and each her neighbour lamentation.
21Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan.
21For death hath come up into our windows, It hath come into our palaces, To cut off the suckling from without, Young men from the broad places.
22Salitain mo: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang, at parang bigkis sa likod ng manggagapas: at walang dadampot.
22Speak thus — an affirmation of Jehovah, And fallen hath the carcase of man, As dung on the face of the field, And as a handful after the reaper, And there is none gathering.
23Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan;
23Thus said Jehovah: Let not the wise boast himself in his wisdom, Nor let the mighty boast himself in his might, Let not the rich boast himself in his riches,
24Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon.
24But — in this let the boaster boast himself, In understanding and knowing Me, For I [am] Jehovah, doing kindness, Judgment, and righteousness, in the earth, For in these I have delighted, An affirmation of Jehovah.
25Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan silang lahat na nangatuli sa hindi tunay na pagkatuli.
25Lo, days are coming — an affirmation of Jehovah, And I have laid a charge on all circumcised in the foreskin,
26Ang Egipto, at ang Juda, at ang Edom, at ang mga anak ni Ammon, at ang Moab, at lahat ng nagsisigupit ng laylayan ng kaniyang buhok, na nagsisitahan sa ilang; sapagka't lahat ng mga bansa ay hindi tuli, at ang buong sangbahayan ni Israel ay hindi tuli sa puso.
26On Egypt, and on Judah, and on Edom, And on the sons of Ammon, and on Moab, And on all cutting the corner [of the beard], Who are dwelling in the wilderness, For all the nations [are] uncircumcised, And all the house of Israel [are] uncircumcised in heart!