Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Mark

12

1At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
1And he began to speak to them in similes: `A man planted a vineyard, and put a hedge around, and digged an under-winevat, and built a tower, and gave it out to husbandmen, and went abroad;
2At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan.
2and he sent unto the husbandmen at the due time a servant, that from the husbandmen he may receive from the fruit of the vineyard,
3At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala.
3and they, having taken him, did severely beat [him], and did send him away empty.
4At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi.
4`And again he sent unto them another servant, and at that one having cast stones, they wounded [him] in the head, and sent away — dishonoured.
5At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay.
5`And again he sent another, and that one they killed; and many others, some beating, and some killing.
6Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.
6`Having yet therefore one son — his beloved — he sent also him unto them last, saying — They will reverence my son;
7Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana.
7and those husbandmen said among themselves — This is the heir, come, we may kill him, and ours shall be the inheritance;
8At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan.
8and having taken him, they did kill, and cast [him] forth without the vineyard.
9Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba.
9`What therefore shall the lord of the vineyard do? he will come and destroy the husbandmen, and will give the vineyard to others.
10Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
10And this Writing did ye not read: A stone that the builders rejected, it did become the head of a corner:
11Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
11from the Lord was this, and it is wonderful in our eyes.`
12At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis.
12And they were seeking to lay hold on him, and they feared the multitude, for they knew that against them he spake the simile, and having left him, they went away;
13At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita.
13and they send unto him certain of the Pharisees and of the Herodians, that they may ensnare him in discourse,
14At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?
14and they having come, say to him, `Teacher, we have known that thou art true, and thou art not caring for any one, for thou dost not look to the face of men, but in truth the way of God dost teach; is it lawful to give tribute to Caesar or not? may we give, or may we not give?`
15Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.
15And he, knowing their hypocrisy, said to them, `Why me do ye tempt? bring me a denary, that I may see;`
16At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.
16and they brought, and he saith to them, `Whose [is] this image, and the inscription?` and they said to him, `Caesar`s;`
17At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya.
17and Jesus answering said to them, `Give back the things of Caesar to Caesar, and the things of God to God;` and they did wonder at him.
18At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi,
18And the Sadducees come unto him, who say there is not a rising again, and they questioned him, saying,
19Guro, isinulat sa amin ni Moises, Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid.
19`Teacher, Moses wrote to us, that if any one`s brother may die, and may leave a wife, and may leave no children, that his brother may take his wife, and raise up seed to his brother.
20May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak;
20`There were then seven brothers, and the first took a wife, and dying, he left no seed;
21At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo:
21and the second took her, and died, neither left he seed, and the third in like manner,
22At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae.
22and the seven took her, and left no seed, last of all died also the woman;
23Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.
23in the rising again, then, whenever they may rise, of which of them shall she be wife — for the seven had her as wife?`
24Sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan, na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios?
24And Jesus answering said to them, `Do ye not because of this go astray, not knowing the Writings, nor the power of God?
25Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit.
25for when they may rise out of the dead, they neither marry nor are they given in marriage, but are as messengers who are in the heavens.
26Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob?
26`And concerning the dead, that they rise: have ye not read in the Book of Moses (at The Bush), how God spake to him, saying, I [am] the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob;
27Hindi siya ang Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: kayo'y nangagkakamaling lubha.
27he is not the God of dead men, but a God of living men; ye then go greatly astray.`
28At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?
28And one of the scribes having come near, having heard them disputing, knowing that he answered them well, questioned him, `Which is the first command of all?`
29Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
29and Jesus answered him — `The first of all the commands [is], Hear, O Israel, the Lord is our God, the Lord is one;
30At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
30and thou shalt love the Lord thy God out of all thy heart, and out of thy soul, and out of all thine understanding, and out of all thy strength — this [is] the first command;
31Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.
31and the second [is] like [it], this, Thou shalt love thy neighbor as thyself; — greater than these there is no other command.`
32At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya:
32And the scribe said to him, `Well, Teacher, in truth thou hast spoken that there is one God, and there is none other but He;
33At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.
33and to love Him out of all the heart, and out of all the understanding, and out of all the soul, and out of all the strength, and to love one`s neighbor as one`s self, is more than all the whole burnt-offerings and the sacrifices.`
34At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
34And Jesus, having seen him that he answered with understanding, said to him, `Thou art not far from the reign of God;` and no one any more durst question him.
35At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?
35And Jesus answering said, teaching in the temple, `How say the scribes that the Christ is son of David?
36Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.
36for David himself said in the Holy Spirit, The Lord said to my lord, Sit thou on My right hand, till I place thine enemies — thy footstool;
37Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.
37therefore David himself saith of him Lord, and whence is he his son?` And the great multitude were hearing him gladly,
38At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan.
38and he was saying to them in his teaching, `Beware of the scribes, who will in long robes to walk, and love salutations in the market-places,
39At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:
39and first seats in the synagogues, and first couches in suppers,
40Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
40who are devouring the widows` houses, and for a pretense are making long prayers; these shall receive more abundant judgment.`
41At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.
41And Jesus having sat down over-against the treasury, was beholding how the multitude do put brass into the treasury, and many rich were putting in much,
42At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles.
42and having come, a poor widow did put in two mites, which are a farthing.
43At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman:
43And having called near his disciples, he saith to them, `Verily I say to you, that this poor widow hath put in more than all those putting into the treasury;
44Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.
44for all, out of their abundance, put in, but she, out of her want, all that she had put in — all her living.`