Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Numbers

25

1At ang Israel ay tumahan sa Sittim, at ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab:
1And Israel dwelleth in Shittim, and the people begin to go a-whoring unto daughters of Moab,
2Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.
2and they call for the people to the sacrifices of their gods, and the people eat, and bow themselves to their gods,
3At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.
3and Israel is joined to Baal-Peor, and the anger of Jehovah burneth against Israel.
4At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.
4And Jehovah saith unto Moses, `Take all the chiefs of the people, and hang them before Jehovah — over-against the sun; and the fierceness of the anger of Jehovah doth turn back from Israel.`
5At sinabi ni Moises sa mga hukom sa Israel, Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor.
5And Moses saith unto the judges of Israel, `Slay ye each his men who are joined to Baal-Peor.`
6At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
6And lo, a man of the sons of Israel hath come, and bringeth in unto his brethren the Midianitess, before the eyes of Moses, and before the eyes of all the company of the sons of Israel, who are weeping at the opening of the tent of meeting;
7At nang makita ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay;
7and Phinehas, son of Eleazar, son of Aaron, the priest, seeth, and riseth from the midst of the company, and taketh a javelin in his hand,
8At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay natigil sa mga anak ni Israel.
8and goeth in after the man of Israel unto the hollow place, and pierceth them both, the man of Israel and the woman — unto her belly, and the plague is restrained from the sons of Israel;
9At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.
9and the dead by the plague are four and twenty thousand.
10At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
10And Jehovah speaketh unto Moses, saying,
11Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap.
11`Phinehas, son of Eleazar, son of Aaron the priest, hath turned back My fury from the sons of Israel, by his being zealous with My zeal in their midst, and I have not consumed the sons of Israel in My zeal.
12Kaya't sabihin mo, Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:
12`Therefore say, Lo, I am giving to him My covenant of peace,
13At magiging kaniya, at sa kaniyang binhi pagkamatay niya, ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.
13and it hath been to him and to his seed after him a covenant of a priesthood age-during, because that he hath been zealous for his God, and doth make atonement for the sons of Israel.`
14Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.
14And the name of the man of Israel who is smitten, who hath been smitten with the Midianitess, [is] Zimri son of Salu, prince of the house of a father of the Simeonite;
15At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.
15and the name of the woman who is smitten, the Midianitess, [is] Cozbi daughter of Zur, head of a people — of the house of a father in Midian [is] he.
16At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
16And Jehovah speaketh unto Moses, saying,
17Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:
17`Distress the Midianites, and ye have smitten them,
18Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.
18for they are adversaries to you with their frauds, [with] which they have acted fraudulently to you, concerning the matter of Peor, and concerning the matter of Cozbi, daughter of a prince of Midian, their sister, who is smitten in the day of the plague for the matter of Peor.`