1Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.
1To the Overseer with stringed instruments. — An instruction, by David. Give ear, O God, [to] my prayer, And hide not from my supplication.
2Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
2Attend to me, and answer me, I mourn in my meditation, and make a noise,
3Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.
3Because of the voice of an enemy, Because of the oppression of the wicked, For they cause sorrow to move against me, And in anger they hate me.
4Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
4My heart is pained within me, And terrors of death have fallen on me.
5Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
5Fear and trembling come in to me, And horror doth cover me.
6At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
6And I say, `Who doth give to me a pinion as a dove? I fly away and rest,
7Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
7Lo, I move far off, I lodge in a wilderness. Selah.
8Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.
8I hasten escape for myself, From a rushing wind, from a whirlwind.
9Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.
9Swallow up, O Lord, divide their tongue, For I saw violence and strife in a city.
10Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
10By day and by night they go round it, on its walls. Both iniquity and perverseness [are] in its midst,
11Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
11Mischiefs [are] in its midst. Fraud and deceit depart not from its street.
12Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:
12For an enemy reproacheth me not, or I bear [it], He who is hating me Hath not magnified himself against me, Or I hide from him.
13Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.
13But thou, a man — as mine equal, My familiar friend, and mine acquaintance.
14Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.
14When together we sweeten counsel, Into the house of God we walk in company.
15Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
15Desolations [are] upon them, They go down [to] Sheol — alive, For wickedness [is] in their dwelling, in their midst.
16Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.
16I — to God I call, and Jehovah saveth me.
17Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.
17Evening, and morning, and noon, I meditate, and make a noise, and He heareth my voice,
18Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
18He hath ransomed in peace my soul From him who is near to me, For with the multitude they were with me.
19Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah)
19God doth hear and afflict them, And He sitteth of old. Selah. Because they have no changes, and fear not God,
20Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
20He hath sent forth his hands against his well-wishers, He hath polluted his covenant.
21Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.
21Sweeter than honey hath been his mouth, And his heart [is] war! Softer have been his words than oil, And they [are] drawn [swords].
22Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
22Cast on Jehovah that which He hath given thee, And He doth sustain thee, He doth not suffer for ever the moving of the righteous.
23Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.
23And Thou, O God, dost bring them down To a pit of destruction, Men of blood and deceit reach not to half their days, And I — I do trust in Thee!