1Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata.
1To the Overseer. — A Psalm of David. A Song. To Thee, silence — praise, O God, [is] in Zion, And to Thee is a vow completed.
2Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
2Hearer of prayer, to Thee all flesh cometh.
3Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo.
3Matters of iniquities were mightier than I, Our transgressions — Thou dost cover them.
4Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo.
4O the happiness of [him whom] Thou choosest, And drawest near, he inhabiteth Thy courts, We are satisfied with the goodness of Thy house, Thy holy temple.
5Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat:
5By fearful things in righteousness Thou answerest us, O God of our salvation, The confidence of all far off ends of earth and sea.
6Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
6Establishing mountains by His power, He hath been girded with might,
7Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan.
7Restraining the noise of seas, the noise of their billows, And the multitude of the peoples.
8Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
8And the inhabitants of the uttermost parts From Thy signs are afraid, The outgoings of morning and evening Thou causest to sing.
9Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
9Thou hast inspected the earth, and waterest it, Thou makest it very rich, the rivulet of God [is] full of water, Thou preparest their corn, When thus Thou dost prepare it,
10Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
10Its ridges have been filled, Deepened hath been its furrow, With showers Thou dost soften it, Its springing up Thou blessest.
11Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
11Thou hast crowned the year of Thy goodness, And Thy paths drop fatness.
12Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
12Drop do the pastures of a wilderness, And joy of the heights Thou girdest on.
13Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
13Clothed have lambs the flock, And valleys are covered with corn, They shout — yea, they sing!