1Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David sa Siclag, samantalang siya'y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis: at sila'y nasa mga makapangyarihang lalake, na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma.
1وهؤلاء هم الذين جاءوا الى داود الى صقلغ وهو بعد محجوز عن وجه شاول بن قيس وهم من الابطال مساعدون في الحرب
2Sila'y nasasakbatan ng mga busog, at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato, at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog; sila'y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin.
2نازعون في القسي يرمون الحجارة والسهام من القسي باليمين واليسار من اخوة شاول من بنيامين.
3Ang pinuno ay si Ahiezer, saka si Joas, na mga anak ni Semaa na Gabaathita; at si Jeziel, at si Pheleth, na mga anak ni Azmaveth; at si Beraca, at si Jehu na Anathothita;
3الراس اخيعزر ثم يوآش ابنا شماعة الجبعي ويزوئيل وفالط ابنا عزموت وبراخة وياهو العناثوثي
4At si Ismaias na Gabaonita, na makapangyarihang lalake sa tatlongpu, at pinuno ng tatlongpu; at si Jeremias, at si Jahaziel, at si Joanan, at si Jozabad na Gederathita;
4ويشمعيا الجبعوني البطل بين الثلاثين وعلى الثلاثين ويرميا ويحزيئيل ويوحانان ويوزاباد الجديري
5Si Eluzai, at si Jeremoth, at si Bealias, at si Semarias, at si Sephatias na Haruphita;
5وإلعوزاي ويريموث وبعليا وشمريا وشفطيا الحروفي
6Si Elcana, at si Isias, at si Azareel, at si Joezer, at si Jasobam, na mga Corita:
6والقانة ويشيا وعزرئيل ويوعزر ويشبعام القورحيون
7At si Joela, at si Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga Gedor.
7ويوعيلة وزبديا ابنا يروحام من جدور.
8At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok;
8ومن الجاديين انفصل الى داود الى الحصن في البرية جبابرة البأس رجال جيش للحرب صافّو اتراس ورماح وجوههم كوجوه الأسود وهم كالظبي على الجبال في السرعة
9Si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo;
9عازر الراس وعوبديا الثاني واليآب الثالث
10Si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima;
10ومشمنّة الرابع ويرميا الخامس
11Si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito;
11وعتّاي السادس وايليئيل السابع
12Si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam;
12ويوحانان الثامن والزاباد التاسع
13Si Jeremias ang ikasangpu, si Machbani ang ikalabingisa.
13ويرميا العاشر ومخبنّاي الحادي عشر.
14Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan, at ang pinakamalaki ay ng isang libo.
14هؤلاء من بني جاد رؤوس الجيش. صغيرهم لمئة والكبير لالف.
15Ang mga ito ang nagsitawid sa Jordan sa unang buwan, nang apawan ang lahat niyang mga pangpang; at kanilang pinatakas ang lahat na sa mga libis, ang sa dakong silanganan, at gayon din ang sa dakong kalunuran.
15هؤلاء هم الذين عبروا الاردن في الشهر الاول وهو ممتلئ الى جميع شطوطه وهزموا كل اهل الاودية شرقا وغربا
16At nagsiparoon ang ilan sa mga anak ni Benjamin at ni Juda sa katibayan kay David.
16وجاء قوم من بني بنيامين ويهوذا الى الحصن الى داود.
17At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.
17فخرج داود لاستقبالهم واجاب وقال لهم ان كنتم قد جئتم بسلام اليّ لتساعدوني يكون لي معكم قلب واحد. وان كان لكي تدفعوني لعدوّي ولا ظلم في يدي فلينظر اله آبائنا وينصف.
18Nang magkagayo'y ang Espiritu ay dumating kay Amasai, na siyang pinuno ng tatlongpu, at sinabi niya, Iyo kami, David, at para sa iyo, ikaw anak ni Isai: kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong; sapagka't tinutulungan ka ng iyong Dios. Nang magkagayo'y tinanggap ni David sila, at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong.
18فحلّ الروح على عماساي راس الثوالث فقال لك نحن يا داود ومعك نحن يا ابن يسّى. سلام سلام لك وسلام لمساعديك. لان الهك معينك. فقبلهم داود وجعلهم رؤوس الجيوش.
19Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David, nang siya'y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka: nguni't hindi nila tinulungan sila: sapagka't pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi, Siya'y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo.
19وسقط الى داود بعض من منسّى حين جاء مع الفلسطينيين ضد شاول للقتال ولم يساعدوهم. لان اقطاب الفلسطينيين ارسلوه بمشورة قائلين انما برؤوسنا يسقط الى سيده شاول.
20Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases.
20حين انطلق الى صقلغ سقط اليه من منسّى عدناح ويوزاباد ويديعيئيل وميخائيل ويوزاباد واليهو وصلتاي رؤوس الوف منسّى.
21At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo.
21وهم ساعدوا داود على الغزاة لانهم جميعا جبابرة بأس وكانوا رؤساء في الجيش.
22Sapagka't araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya, hanggang sa naging malaking hukbo, na gaya ng hukbo ng Dios.
22لانه وقتئذ اتى اناس الى داود يوما فيوما لمساعدته حتى صاروا جيشا عظيما كجيش الله
23At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma, na nagsiparoon kay David sa Hebron, upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya, ayon sa salita ng Panginoon.
23وهذا عدد رؤوس المتجردين للقتال الذين جاءوا الى داود الى حبرون ليحوّلوا مملكة شاول اليه حسب قول الرب.
24Ang mga anak ni Juda na nagsisihawak ng kalasag at sibat ay anim na libo at walong daan, na may mga sandata sa pakikipagdigma.
24بنو يهوذا حاملو الاتراس والرماح ستة آلاف وثمان مئة متجرد للقتال.
25Sa mga anak ni Simeon, na mga makapangyarihang lalake na may tapang na handa sa pakikipagdigma, pitong libo at isang daan.
25من بني شمعون جبابرة بأس في الحرب سبعة آلاف ومئة.
26Sa mga anak ni Levi ay apat na libo at anim na raan.
26من بني لاوي اربعة آلاف وست مئة.
27At si Joiada ang tagapamatnugot ng sangbahayan ni Aaron, at kasama niya'y tatlong libo at pitong daan;
27ويهوياداع رئيس الهرونيين ومعه ثلاثة آلاف وسبع مئة.
28At si Sadoc, na isang binatang makapangyarihan na may tapang, at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal.
28وصادوق غلام جبار بأس وبيت ابيه اثنان وعشرون قائدا.
29At sa mga anak ni Benjamin, na mga kapatid ni Saul, tatlong libo: sapagka't ang kalakhang bahagi sa kanila ay nagsisipagingat ng kanilang pakikipagkasundo sa sangbahayan ni Saul.
29ومن بني بنيامين اخوة شاول ثلاثة آلاف والى هنا كان اكثرهم يحرسون حراسة بيت شاول.
30At sa mga anak ni Ephraim, dalawang pung libo at walong daan, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, mga bantog na lalake sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
30ومن بني افرايم عشرون الفا وثمان مئة جبابرة بأس وذوو اسم في بيوت آبائهم.
31At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo, na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan, upang magsiparoon at gawing hari si David.
31ومن نصف سبط منسّى ثمانية عشر الفا قد تعيّنوا باسمائهم لكي ياتوا ويملّكوا داود.
32At sa mga anak ni Issachar, na mga lalaking maalam ng mga panahon, upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel; ang mga pinuno sa kanila ay dalawang daan; at ang lahat nilang kapatid ay nasa kanilang utos.
32ومن بني يساكر الخبيرين بالاوقات لمعرفة ما يعمل اسرائيل رؤوسهم مئتان وكل اخوتهم تحت امرهم.
33Sa Zabulon, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka na may sarisaring kasangkapang pangdigma, ay limangpung libo; at makapagaayos sa hanay sa pagbabaka, at hindi nagaalinlangan ang loob.
33من زبولون الخارجون للقتال المصطفون للحرب بجميع ادوات الحرب خمسون الفا وللاصطفاف من دون خلاف.
34At sa Nephtali ay isang libong pinunong kawal, at may kasama silang mga may kalasag at sibat na tatlong pu't pitong libo.
34ومن نفتالي الف رئيس ومعهم سبعة وثلاثون الفا بالاتراس والرماح.
35At sa mga Danita na makahahanay sa pagbabaka ay dalawangpu't walong libo at anim na raan.
35ومن الدانيين مصطفون للحرب ثمانية وعشرون الفا وست مئة.
36At sa Aser, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka, apat na pung libo.
36ومن اشير الخارجون للجيش لاجل الاصطفاف للحرب اربعون الفا.
37At sa kabilang dako ng Jordan, sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka, isang daan at dalawangpung libo.
37ومن عبر الاردن من الرأوبينيين والجاديين ونصف سبط منسّى بجميع ادوات جيش الحرب مئة وعشرون الفا.
38Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka, ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron, upang gawing hari si David sa buong Israel: at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David.
38كل هؤلاء رجال حرب يصطفون صفوفا اتوا بقلب تام الى حبرون ليملّكوا داود على كل اسرائيل. وكذلك كل بقية اسرائيل بقلب واحد لتمليك داود.
39At sila'y dumoong kasama ni David na tatlong araw, na kumain at uminom: sapagka't ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid.
39وكانوا هناك مع داود ثلاثة ايام يأكلون ويشربون لان اخوتهم اعدّوا لهم.
40Bukod dito'y silang malapit sa kaniya, sa makatuwid baga'y hanggang sa Issachar, at Zabulon at Nephtali, ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno, at ng mga kamelyo, at ng mga mula, at ng mga baka, mga pagkaing harina, at mga binilong igos, at mga buwig ng pasas, at alak, at langis, at mga baka, at mga tupa na sagana: sapagka't may kagalakan sa Israel.
40وكذلك القريبون منهم حتى يساكر وزبولون ونفتالي كانوا ياتون بخبز على الحمير والجمال والبغال والبقر وبطعام من دقيق وتين وزبيب وخمر وزيت وبقر وغنم بكثرة لانه كان فرح في اسرائيل