1At nangyari, nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay, na sinabi ni David kay Nathan na propeta, Narito, ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong.
1وكان لما سكن داود في بيته قال داود لناثان النبي. هانذا ساكن في بيت من ارز وتابوت عهد الرب تحت شقق.
2At sinabi ni Nathan kay David, Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.
2فقال ناثان لداود افعل كل ما في قلبك لان الله معك.
3At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi,
3وفي تلك الليلة كان كلام الله الى ناثان قائلا
4Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan:
4اذهب وقل لداود عبدي هكذا قال الرب. انت لا تبني لي بيتا للسكنى.
5Sapagka't hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel, hanggang sa araw na ito; kundi ako'y yumaon sa tolda at tolda, at sa tabernakulo, at tabernakulo.
5لاني لم اسكن في بيت منذ يوم اصعدت اسرائيل الى هذا اليوم بل سرت من خيمة الى خيمة ومن مسكن الى مسكن.
6Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro?
6في كل ما سرت مع جميع اسرائيل هل تكلمت بكلمة مع احد قضاة اسرائيل الذين امرتهم ان يرعوا شعبي اسرائيل قائلا لماذا لم تبنوا لي بيتا من ارز.
7Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel:
7والآن فهكذا تقول لعبدي داود. هكذا قال رب الجنود انا اخذتك من المربض من وراء الغنم لتكون رئيسا على شعبي اسرائيل.
8At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa.
8وكنت معك حيثما توجهت وقرضت جميع اعدائك من امامك وعملت لك اسما كاسم العظماء الذين في الارض.
9At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel, at itatatag sila, upang sila'y mangakatahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una,
9وعيّنت مكانا لشعبي اسرائيل وغرسته فسكن في مكانه ولا يضطرب بعد ولا يعود بنو الاثم يبلونه كما في الاول
10At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway. Bukod dito'y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay.
10ومنذ الايام التي فيها اقمت قضاة على شعبي اسرائيل. واذللت جميع اعدائك. واخبرك ان الرب يبني لك بيتا
11At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
11ويكون متى كملت ايامك لتذهب مع آبائك اني اقيم بعدك نسلك الذي يكون من بنيك واثبت مملكته.
12Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man.
12هو يبني لي بيتا وانا اثبت كرسيه الى الابد.
13Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo:
13انا اكون له ابا وهو يكون لي ابنا ولا انزع رحمتي عنه كما نزعتها عن الذي كان قبلك.
14Kundi siya'y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
14واقيمه في بيتي وملكوتي الى الابد ويكون كرسيه ثابتا الى الابد.
15Ayon sa lahat na salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito, ay gayon sinalita ni Nathan kay David.
15فحسب جميع هذا الكلام وحسب كل هذه الرؤيا كذلك كلم ناثان داود
16Nang magkagayo'y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon; at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking bahay na ako'y dinala mo sa ganyang kalayo?
16فدخل الملك داود وجلس امام الرب وقال. من انا ايها الرب الاله وماذا بيتي حتى اوصلتني الى هنا.
17At ito'y munting bagay sa harap ng iyong mga mata, Oh Dios; nguni't iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating, at ako'y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan, Oh Panginoong Dios.
17وقلّ هذا في عينيك يا الله فتكلمت عن بيت عبدك الى زمان طويل ونظرت اليّ من العلاء كعادة الانسان ايها الرب الاله.
18Ano pa ang masasabi ni David sa iyo, tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod.
18فماذا يزيد داود بعد لك لاجل اكرام عبدك وانت قد عرفت عبدك.
19Oh Panginoon, dahil sa iyong lingkod, at ayon sa iyong sariling puso, ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito.
19يا رب من اجل عبدك وحسب قلبك قد فعلت كل هذه العظائم لتظهر جميع العظائم
20Oh Panginoon, walang gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig.
20يا رب ليس مثلك ولا اله غيرك حسب كل ما سمعناه بآذاننا.
21At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel, na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan, upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay, sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan, na iyong tinubos sa Egipto?
21وايّة امة على الارض مثل شعبك اسرائيل الذي سار الله ليفتديه لنفسه شعبا لتجعل لك اسم عظائم ومخاوف بطردك امما من امام شعبك الذي افتديته من مصر.
22Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.
22وقد جعلت شعبك اسرائيل لنفسك شعبا الى الابد وانت ايها الرب صرت لهم الها.
23At ngayon, Oh Panginoon, matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man, at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita.
23والآن ايها الرب ليثبت الى الابد الكلام الذي تكلمت به عن عبدك وعن بيته وافعل كما نطقت.
24At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa, at dakilain magpakailan man, na sabihin, Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel, sa makatuwid baga'y Dios sa Israel: at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo.
24وليثبت ويتعظم اسمك الى الابد فيقال رب الجنود اله اسرائيل هو الله لاسرائيل وليثبت بيت داود عبدك امامك.
25Sapagka't ikaw, Oh aking Dios, napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay: kaya't pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo.
25لانك يا الهي قد اعلنت لعبدك انك تبني له بيتا لذلك وجد عبدك ان يصلّي امامك.
26At ngayon, Oh Panginoon, ikaw ang Dios, at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod:
26والآن ايها الرب انت هو الله وقد وعدت عبدك بهذا الخير.
27At ngayo'y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't iyong pinagpala, Oh Panginoon, at yao'y magiging mapalad magpakailan man.
27والآن قد ارتضيت بان تبارك بيت عبدك ليكون الى الابد امامك لانك انت يا رب قد باركت وهو مبارك الى الابد