Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

1 Kings

22

1At sila'y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel.
1واقاموا ثلاث سنين بدون حرب بين ارام واسرائيل.
2At nangyari, nang ikatlong taon, na binaba ni Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel.
2وفي السنة الثالثة نزل يهوشافاط ملك يهوذا الى ملك اسرائيل.
3At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod, Di ba talastas ninyo na ang Ramoth-galaad ay atin, at tayo'y tatahimik, at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria?
3فقال ملك اسرائيل لعبيده أتعلمون ان راموت جلعاد لنا ونحن ساكتون عن اخذها من يد ملك ارام.
4At sinabi niya kay Josaphat, Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.
4وقال ليهوشافاط أتذهب معي للحرب الى راموت جلعاد. فقال يهوشافاط لملك اسرائيل مثلي مثلك. شعبي كشعبك وخيلي كخيلك.
5At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon.
5ثم قال يهوشافاط لملك اسرائيل اسأل اليوم عن كلام الرب.
6Nang magkagayo'y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake, at nagsabi sa kanila, Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
6فجمع ملك اسرائيل الانبياء نحو اربع مئة رجل وقال لهم. أأذهب الى راموت جلعاد للقتال ام امتنع. فقالوا اصعد فيدفعها السيد ليد الملك.
7Nguni't sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya?
7فقال يهوشافاط أما يوجد هنا بعد نبي للرب فنسأل منه.
8At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari.
8فقال ملك اسرائيل ليهوشافاط انه يوجد بعد رجل واحد لسؤال الرب به ولكني ابغضه لانه لا يتنبأ عليّ خيرا بل شرا وهو ميخا بن يملة. فقال يهوشافاط لا يقل الملك هكذا.
9Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal, at nagsabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla.
9فدعا ملك اسرائيل خصيا وقال اسرع اليّ بميخا بن يملة.
10Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan, na nakapanamit hari sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila.
10وكان ملك اسرائيل ويهوشافاط ملك يهوذا جالسين كل واحد على كرسيه لابسين ثيابهما في ساحة عند مدخل باب السامرة وجميع الانبياء يتنبأون امامهما.
11At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga sungay na bakal, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol.
11وعمل صدقيا بن كنعنة لنفسه قرني حديد وقال هكذا قال الرب بهذه تنطح الاراميين حتى يفنوا.
12At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
12وتنبأ جميع الانبياء هكذا قائلين اصعد الى راموت جلعاد وافلح فيدفعها الرب ليد الملك
13At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya, na nagsasabi, Narito ngayon, ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti.
13واما الرسول الذي ذهب ليدعو ميخا فكلمه قائلا هوذا كلام جميع الانبياء بفم واحد خير للملك. فليكن كلامك مثل كلام واحد منهم وتكلم بخير.
14At sinabi ni Micheas, Buhay ang Panginoon kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain.
14فقال ميخا حيّ هو الرب ان ما يقوله لي الرب به اتكلم.
15At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong kami? At kaniyang isinagot sa kaniya, Ikaw ay yumaon, at guminhawa; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari.
15ولما اتى الى الملك قال له الملك يا ميخا أنصعد الى راموت جلعاد للقتال ام نمتنع. فقال له اصعد وافلح فيدفعها الرب ليد الملك.
16At sinabi ng hari sa kaniya, Makailang manunumpa ako sa iyo, na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon?
16فقال له الملك كم مرة استحلفتك ان لا تقول لي الا الحق باسم الرب.
17At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon; umuwi ang bawa't lalake sa kaniyang bahay na payapa.
17فقال رأيت كل اسرائيل مشتّتين على الجبال كخراف لا راعي لها. فقال الرب ليس لهؤلاء اصحاب فليرجعوا كل واحد الى بيته بسلام.
18At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi ng kasamaan?
18فقال ملك اسرائيل ليهوشافاط أما قلت لك انه لا يتنبأ عليّ خيرا بل شرا.
19At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.
19وقال فاسمع اذا كلام الرب. قد رأيت الرب جالسا على كرسيه وكل جند السماء وقوف لديه عن يمينه وعن يساره.
20At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan.
20فقال الرب من يغوي اخآب فيصعد ويسقط في راموت جلعاد. فقال هذا هكذا وقال ذاك هكذا.
21At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya.
21ثم خرج الروح ووقف امام الرب وقال انا اغويه. وقال له الرب بماذا.
22At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon.
22فقال اخرج واكون روح كذب في افواه جميع انبيائه. فقال انك تغويه وتقتدر. فاخرج وافعل هكذا.
23Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito: at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo.
23والآن هوذا قد جعل الرب روح كذب في افواه جميع انبيائك هؤلاء والرب تكلم عليك بشر.
24Nang magkagayo'y lumapit si Sedechias na anak ni Chanaana, at sinampal si Micheas, at sinabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin, upang magsalita sa iyo?
24فتقدم صدقيا بن كنعنة وضرب ميخا على الفكّ وقال من اين عبر روح الرب مني ليكلمك.
25At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli.
25فقال ميخا انك سترى في ذلك اليوم الذي تدخل فيه من مخدع الى مخدع لتختبئ.
26At sinabi ng hari sa Israel, Kunin mo si Micheas, at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari;
26فقال ملك اسرائيل خذ ميخا وردّه الى آمون رئيس المدينة والى يوآش ابن الملك
27At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako'y dumating na payapa.
27وقل هكذا قال الملك ضعوا هذا في السجن واطعموه خبز الضيق وماء الضيق حتى آتي بسلام.
28At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat.
28فقال ميخا ان رجعت بسلام فلم يتكلم الرب بي. وقال اسمعوا ايها الشعب اجمعون
29Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.
29فصعد ملك اسرائيل ويهوشافاط ملك يهوذا الى راموت جلعاد.
30At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.
30فقال ملك اسرائيل ليهوشافاط اني اتنكّر وادخل الحرب. واما انت فالبس ثيابك. فتنكّر ملك اسرائيل ودخل الحرب.
31Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.
31وامر ملك ارام رؤساء المركبات التي له الاثنين والثلاثين وقال لا تحاربوا صغيرا ولا كبيرا الا ملك اسرائيل وحده.
32At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay humiyaw.
32فلما رأى رؤساء المركبات يهوشافاط قالوا انه ملك اسرائيل فمالوا عليه ليقاتلوه فصرخ يهوشافاط.
33At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.
33فلما رأى رؤساء المركبات انه ليس ملك اسرائيل رجعوا عنه.
34At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha.
34وان رجلا نزع في قوسه غير متعمد وضرب ملك اسرائيل بين اوصال الدرع. فقال لمدير مركبته رد يدك واخرجني من الجيش لاني قد جرحت.
35At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.
35واشتدّ القتال في ذلك اليوم وأوقف الملك في مركبته مقابل ارام ومات عند المساء وجرى دم الجرح الى حضن المركبة.
36At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain.
36وعبرت الرنّة في الجند عند غروب الشمس قائلا كل رجل الى مدينته وكل رجل الى ارضه.
37Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria.
37فمات الملك وأدخل السامرة فدفنوا الملك في السامرة.
38At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon;) ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita.
38وغسلت المركبة في بركة السامرة فلحست الكلاب دمه. وغسلوا سلاحه. حسب كلام الرب الذي تكلم به.
39Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
39وبقية أمور اخآب وكل ما فعل وبيت العاج الذي بناه وكل المدن التي بناها أما هي مكتوبة في سفر اخبار الايام لملوك اسرائيل.
40Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
40فاضطجع اخآب مع آبائه وملك أخزيا ابنه عوضا عنه
41At si Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda, nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel.
41وملك يهوشافاط ابن آسا على يهوذا في السنة الرابعة لاخآب ملك اسرائيل.
42Si Josaphat ay tatlong pu't limang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai.
42وكان يهوشافاط ابن خمس وثلاثين سنة حين ملك وملك خمسا وعشرين سنة في اورشليم واسم امه عزوبة بنت شلحي.
43At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
43وسار في كل طريق آسا ابيه. لم يحد عنها. اذ عمل المستقيم في عيني الرب. الا ان المرتفعات لم تنتزع بل كان الشعب لا يزال يذبح ويوقد على المرتفعات.
44At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.
44وصالح يهوشافاط ملك اسرائيل.
45Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
45وبقية امور يهوشافاط وجبروته الذي اظهره وكيف حارب أما هي مكتوبة في سفر اخبار الايام لملوك يهوذا.
46At ang nangalabi sa mga sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.
46وبقية المأبونين الذين بقوا في ايام آسا ابيه ابادهم من الارض.
47At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari.
47ولم يكن في ادوم ملك. ملك وكيل.
48Si Josaphat ay gumawa ng mga sasakyang dagat sa Tharsis, upang pumaroon sa Ophir dahil sa ginto: nguni't hindi sila nagsiparoon; sapagka't ang mga sasakyan ay nangasira sa Ezion-geber.
48وعمل يهوشافاط سفن ترشيش لكي تذهب الى اوفير لاجل الذهب فلم تذهب لان السفن تكسرت في عصيون جابر.
49Nang magkagayo'y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat, Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan. Nguni't tumanggi si Josaphat.
49حينئذ قال اخزيا بن اخآب ليهوشافاط ليذهب عبيدي مع عبيدك في السفن. فلم يشأ يهوشافاط.
50At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
50واضطجع يهوشافاط مع آبائه ودفن مع آبائه في مدينة داود ابيه فملك يهورام ابنه عوضا عنه
51Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.
51اخزيا ابن اخآب ملك على اسرائيل في السامرة في السنة السابعة عشرة ليهوشافاط ملك يهوذا. ملك على اسرائيل سنتين.
52At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel.
52وعمل الشر في عيني الرب وسار في طريق ابيه وطريق امه وطريق يربعام بن نباط الذي جعل اسرائيل يخطئ
53At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.
53وعبد البعل وسجد له واغاظ الرب اله اسرائيل حسب كل ما فعل ابوه