Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

1 Samuel

12

1At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, at naghalal ako ng isang hari sa inyo.
1وقال صموئيل لكل اسرائيل هانذا قد سمعت لصوتكم في كل ما قلتم لي وملّكت عليكم ملكا
2At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.
2والآن هوذا الملك يمشي امامكم. واما انا فقد شخت وشبت وهوذا ابناي معكم. وانا قد سرت امامكم منذ صباي الى هذا اليوم.
3Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.
3هانذا فاشهدوا عليّ قدام الرب وقدام مسيحه ثور من اخذت وحمار من اخذت ومن ظلمت ومن سحقت ومن يد من اخذت فدية لاغضي عينيّ عنه فاردّ لكم.
4At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.
4فقالوا لم تظلمنا ولا سحقتنا ولا اخذت من يد احد شيئا.
5At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi.
5فقال لهم شاهد الرب عليكم وشاهد مسيحه اليوم هذا انكم لم تجدوا بيدي شيئا. فقالوا شاهد.
6At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto.
6وقال صموئيل للشعب الرب الذي اقام موسى وهرون واصعد آباؤكم من ارض مصر.
7Ngayon nga'y tumayo kayo, upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang.
7فالآن امثلوا فاحاكمكم امام الرب بجميع حقوق الرب التي صنعها معكم ومع آبائكم.
8Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto, at ang inyong mga magulang ay dumaing sa Panginoon, sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron, na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto, at pinatira sila sa dakong ito.
8لما جاء يعقوب الى مصر وصرخ آباؤكم الى الرب ارسل الرب موسى وهرون فاخرجا آباءكم من مصر واسكناهم في هذا المكان.
9Nguni't nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.
9فلما نسوا الرب الههم باعهم ليد سيسرا رئيس جيش حاصور وليد الفلسطينيين وليد ملك موآب فحاربوهم.
10At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.
10فصرخوا الى الرب وقالوا اخطأنا لاننا تركنا الرب وعبدنا البعليم والعشتاروث. فالآن انقذنا من يد اعدائنا فنعبدك.
11At sinugo ng Panginoon si Jerobaal, at si Bedan, at si Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay.
11فارسل الرب يربعل وبدان ويفتاح وصموئيل وانقذكم من يد اعدائكم الذين حولكم فسكنتم آمنين.
12At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.
12ولما رأيتم ناحاش ملك بني عمون آتيا عليكم قلتم لي لا بل يملك علينا ملك. والرب الهكم ملككم.
13Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili, at siya ninyong hiningi: at, narito, nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo.
13فالآن هوذا الملك الذي اخترتموه الذي طلبتموه وهوذا قد جعل الرب عليكم ملكا.
14Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa kaniya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti:
14ان اتقيتم الرب وعبدتموه وسمعتم صوته ولم تعصوا قول الرب وكنتم انتم والملك ايضا الذي يملك عليكم وراء الرب الهكم*****
15Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang.
15وان لم تسمعوا صوت الرب بل عصيتم قول الرب تكن يد الرب عليكم كما على آبائكم.
16Ngayon nga'y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.
16فالآن امثلوا ايضا وانظروا هذا الأمر العظيم الذي يفعله الرب امام اعينكم.
17Hindi ba pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.
17أما هو حصاد الحنطة اليوم. فاني ادعو الرب فيعطي رعودا ومطرا فتعلمون وترون انه عظيم شركم الذي عملتموه في عيني الرب بطلبكم لانفسكم ملكا.
18Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.
18فدعا صموئيل الرب فاعطى رعودا ومطرا في ذلك اليوم. وخاف جميع الشعب الرب وصموئيل جدا
19At sinabi ng buong bayan kay Samuel, Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.
19وقال جميع الشعب لصموئيل صلّ عن عبيدك الى الرب الهك حتى لا نموت. لاننا قد اضفنا الى جميع خطايانا شرا بطلبنا لانفسنا ملكا.
20At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon.
20فقال صموئيل للشعب لا تخافوا. انكم قد فعلتم كل هذا الشر ولكن لا تحيدوا عن الرب بل اعبدوا الرب بكل قلوبكم.
21At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.
21ولا تحيدوا. لان ذلك وراء الاباطيل التي لا تفيد ولا تنقذ لانها باطلة.
22Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan, sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.
22لانه لا يترك الرب شعبه من اجل اسمه العظيم. لانه قد شاء الرب ان يجعلكم له شعبا.
23Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan.
23واما انا فحاشا لي ان اخطئ الى الرب فاكف عن الصلاة من اجلكم بل اعلمكم الطريق الصالح المستقيم.
24Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo.
24انما اتقوا الرب واعبدوه بالامانة من كل قلوبكم بل انظروا فعله الذي عظّمه معكم.
25Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.
25وان فعلتم شرا فانكم تهلكون انتم وملككم جميعا