Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Acts

21

1At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara:
1ولما انفصلنا عنهم اقلعنا وجئنا متوجهين بالاستقامة الى كوس وفي اليوم التالي الى رودس. ومن هناك الى باترا‎.
2At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag.
2‎فاذ وجدنا سفينة عابرة الى فينيقية صعدنا اليها واقلعنا‎.
3At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
3‎ثم اطلعنا على قبرس وتركناها يسرة وسافرنا الى سورية واقبلنا الى صور لان هناك كانت السفينة تضع وسقها‎.
4At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.
4‎واذ وجدنا التلاميذ مكثنا هناك سبعة ايام. وكانوا يقولون لبولس بالروح ان لا يصعد الى اورشليم‎.
5At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
5‎ولكن لما استكملنا الايام خرجنا ذاهبين وهم جميعا يشيعوننا مع النساء والاولاد الى خارج المدينة. فجثونا على ركبنا على الشاطئ وصلّينا‎.
6At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.
6‎ولما ودعنا بعضنا بعضا صعدنا الى السفينة. واما هم فرجعوا الى خاصتهم
7At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.
7ولما اكملنا السفر في البحر من صور اقبلنا الى بتولمايس فسلمنا على الاخوة ومكثنا عندهم يوما واحدا‎.
8At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.
8‎ثم خرجنا في الغد نحن رفقاء بولس وجئنا الى قيصرية فدخلنا بيت فيلبس المبشر اذ كان واحدا من السبعة واقمنا عنده‎.
9Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, na nagsisipanghula.
9‎وكان لهذا اربع بنات عذارى كنّ يتنبأن‎.
10At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang Agabo.
10‎وبينما نحن مقيمون اياما كثيرة انحدر من اليهودية نبي اسمه اغابوس‎.
11At paglapit sa amin, at pagkakuha ng pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.
11‎فجاء الينا واخذ منطقة بولس وربط يدي نفسه ورجليه وقال هذا يقوله الروح القدس. الرجل الذي له هذه المنطقة هكذا سيربطه اليهود في اورشليم ويسلمونه الى ايدي الامم‎.
12At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.
12‎فلما سمعنا هذا طلبنا اليه نحن والذين من المكان ان لا يصعد الى اورشليم‎.
13Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
13‎فاجاب بولس ماذا تفعلون تبكون وتكسرون قلبي لاني مستعد ليس ان أربط فقط بل ان اموت ايضا في اورشليم لاجل اسم الرب يسوع‎.
14At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.
14‎ولما لم يقنع سكتنا قائلين لتكن مشيئة الرب‎.
15At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.
15‎وبعد تلك الايام تأهبنا وصعدنا الى اورشليم‎.
16At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan.
16‎وجاء ايضا معنا من قيصرية اناس من التلاميذ ذاهبين بنا الى مناسون وهو رجل قبرسي تلميذ قديم لننزل عنده
17At nang magsidating kami sa Jerusalem, ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan.
17ولما وصلنا الى اورشليم قبلنا الاخوة بفرح‎.
18At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon.
18‎وفي الغد دخل بولس معنا الى يعقوب وحضر جميع المشايخ‎.
19At nang sila'y mangabati na niya, ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio.
19‎فبعدما سلم عليهم طفق يحدثهم شيئا فشيئا بكل ما فعله الله بين الامم بواسطة خدمته‎.
20At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan.
20‎فلما سمعوا كانوا يمجدون الرب. وقالوا له انت ترى ايها الاخ كم يوجد ربوة من اليهود الذين آمنوا وهم جميعا غيورون للناموس‎.
21At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian.
21‎وقد أخبروا عنك انك تعلّم جميع اليهود الذين بين الامم الارتداد عن موسى قائلا ان لا يختنوا اولادهم ولا يسلكوا حسب العوائد‎.
22Ano nga baga ito? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka.
22‎فاذا ماذا يكون. لا بد على كل حال ان يجتمع الجمهور لانهم سيسمعون انك قد جئت‎.
23Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili;
23‎فافعل هذا الذي نقول لك. عندنا اربعة رجال عليهم نذر‎.
24Isama mo sila, maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.
24‎خذ هؤلاء وتطهر معهم وانفق عليهم ليحلقوا رؤوسهم فيعلم الجميع ان ليس شيء مما أخبروا عنك بل تسلك انت ايضا حافظا للناموس‎.
25Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.
25‎واما من جهة الذين آمنوا من الامم فارسلنا نحن اليهم وحكمنا ان لا يحفظوا شيئا مثل ذلك سوى ان يحافظوا على انفسهم مما ذبح للاصنام ومن الدم والمخنوق والزنى‎.
26Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang haing patungkol sa bawa't isa sa kanila.
26‎حينئذ اخذ بولس الرجال في الغد وتطهر معهم ودخل الهيكل مخبرا بكمال ايام التطهير الى ان يقرب عن كل واحد منهم القربان
27At nang halos tapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya'y kanilang dinakip,
27ولما قاربت الايام السبعة ان تتم رآه اليهود الذين من اسيا في الهيكل فاهاجوا كل الجمع والقوا عليه الايادي
28Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at dinungisan itong dakong banal.
28صارخين يا ايها الرجال الاسرائيليون اعينوا. هذا هو الرجل الذي يعلّم الجميع في كل مكان ضدا للشعب والناموس وهذا الموضع حتى ادخل يونانيين ايضا الى الهيكل ودنس هذا الموضع المقدس‎.
29Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo.
29‎لانهم كانوا قد رأوا معه في المدينة تروفيمس الافسسي فكانوا يظنون ان بولس ادخله الى الهيكل‎.
30At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto.
30‎فهاجت المدينة كلها وتراكض الشعب وامسكوا بولس وجروه خارج الهيكل وللوقت اغلقت الابواب‎.
31At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan.
31‎وبينما هم يطلبون ان يقتلوه نما خبر الى امير الكتيبة ان اورشليم كلها اضطربت‎.
32At pagdaka'y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.
32‎فللوقت اخذ عسكرا وقواد مئات وركض اليهم. فلما رأوا الامير والعسكر كفوا عن ضرب بولس
33Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at siya'y ipinagapos ng dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.
33حينئذ اقترب الامير وامسكه وامر ان يقيد بسلسلتين وطفق يستخبر ترى من يكون وماذا فعل‎.
34At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa kuta.
34‎وكان البعض يصرخون بشيء والبعض بشيء آخر في الجمع. ولما لم يقدر ان يعلم اليقين لسبب الشغب امر ان يذهب به الى المعسكر‎.
35At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;
35‎ولما صار على الدرج اتفق ان العسكر حمله بسبب عنف الجمع‎.
36Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, Alisin siya.
36‎لان جمهور الشعب كانوا يتبعونه صارخين خذه
37At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego?
37واذ قارب بولس ان يدخل المعسكر قال للامير ايجوز لي ان اقول لك شيئا. فقال أتعرف اليونانية‏‎.
38Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao?
38‎أفلست انت المصري الذي صنع قبل هذه الايام فتنة واخرج الى البرية اربعة الآلاف الرجل من القتلة‎.
39Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan.
39‎فقال بولس انا رجل يهودي طرسوسي من اهل مدينة غير دنية من كيليكية. والتمس منك ان تأذن لي ان اكلم الشعب‎.
40At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,
40‎فلما اذن له وقف بولس على الدرج واشار بيده الى الشعب. فصار سكوت عظيم. فنادى باللغة العبرانية قائلا