1Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab.
1هذا هو الكلام الذي كلم به موسى جميع اسرائيل في عبر الاردن في البرية في العربة قبالة سوف بين فاران وتوفل ولابان وحضيروت وذي ذهب
2Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea.
2احد عشر يوما من حوريب على طريق جبل سعير الى قادش برنيع.
3At nangyari nang ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila;
3ففي السنة الاربعين في الشهر الحادي عشر في الاول من الشهر كلم موسى بني اسرائيل حسب كل ما اوصاه الرب اليهم.
4Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei:
4بعدما ضرب سيحون ملك الاموريين الساكن في حشبون وعوج ملك باشان الساكن في عشتاروث في اذرعي.
5Sa dako roon ng Jordan, sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito, na sinasabi,
5في عبر الاردن في ارض موآب ابتدأ موسى يشرح هذه الشريعة قائلا
6Ang Panginoon nating Dios ay nagsalita sa atin sa Horeb, na nagsasabi, Kayo'y nakatahan ng malaon sa bundok na ito:
6الرب الهنا كلمنا في حوريب قائلا. كفاكم قعود في هذا الجبل.
7Pumihit kayo, at kayo'y maglakbay, at kayo'y pumaroon sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, at sa lahat ng mga dakong malapit, sa Araba, sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Timugan, at sa baybayin ng dagat, sa lupain ng mga Cananeo at sa Lebano, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
7تحولوا وارتحلوا وادخلوا جبل الاموريين وكل ما يليه من العربة والجبل والسهل والجنوب وساحل البحر ارض الكنعاني ولبنان الى النهر الكبير نهر الفرات.
8Narito, aking inilagay ang lupain sa harap ninyo: inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila.
8انظر قد جعلت امامكم الارض. ادخلوا وتملكوا الارض التي اقسم الرب لآبائكم ابراهيم واسحق ويعقوب ان يعطيها لهم ولنسلهم من بعدهم
9At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi, Hindi ko madadalang magisa kayo:
9وكلمتكم في ذلك الوقت قائلا لا اقدر وحدي ان احملكم.
10Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Dios, at, narito, kayo sa araw na ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan.
10الرب الهكم قد كثركم. وهوذا انتم اليوم كنجوم السماء في الكثرة.
11Kayo nawa'y dagdagan ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon, at kayo nawa'y pagpalain, na gaya ng ipinangako niya sa inyo!
11الرب اله آبائكم يزيد عليكم مثلكم الف مرّة ويبارككم كما كلمكم.
12Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig, at ang inyong pasan, at ang inyong pagkakaalitan?
12كيف احمل وحدي ثقلكم وحملكم وخصومتكم.
13Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo.
13هاتوا من اسباطكم رجالا حكماء وعقلاء ومعروفين فاجعلهم رؤوسكم.
14At kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin.
14فاجبتموني وقلتم حسن الامر الذي تكلمت به ان يعمل.
15Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.
15فاخذت رؤوس اسباطكم رجالا حكماء ومعروفين وجعلتهم رؤوسا عليكم رؤساء الوف ورؤساء مئات ورؤساء خماسين ورؤساء عشرات وعرفاء لاسباطكم.
16At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya.
16وأمرت قضاتكم في ذلك الوقت قائلا. اسمعوا بين اخوتكم واقضوا بالحق بين الانسان واخيه ونزيله.
17Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.
17لا تنظروا الى الوجوه في القضاء. للصغير كالكبير تسمعون. لا تهابوا وجه انسان لان القضاء لله. والامر الذي يعسر عليكم تقدمونه اليّ لاسمعه.
18At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin.
18وامرتكم في ذلك الوقت بكل الامور التي تعملونها.
19At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, at tayo'y dumating sa Cades-barnea.
19ثم ارتحلنا من حوريب وسلكنا كل ذلك القفر العظيم المخوف الذي رأيتم في طريق جبل الاموريين كما امرنا الرب الهنا. وجئنا الى قادش برنيع.
20At aking sinabi sa inyo, Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.
20فقلت لكم قد جئتم الى جبل الاموريين الذي اعطانا الرب الهنا.
21Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; huwag kang matakot, ni manglupaypay.
21انظر. قد جعل الرب الهك الارض امامك. اصعد تملك كما كلمك الرب اله آبائك. لا تخف ولا ترتعب.
22At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin.
22فتقدمتم اليّ جميعكم وقلتم دعنا نرسل رجالا قدامنا ليتجسسوا لنا الارض ويردوا الينا خبرا عن الطريق التي نصعد فيها والمدن التي نأتي اليها.
23At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi.
23فحسن الكلام لديّ فاخذت منكم اثني عشر رجلا. رجلا واحدا من كل سبط.
24At sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan.
24فانصرفوا وصعدوا الى الجبل وأتوا الى وادي اشكول وتجسّسوه
25At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.
25وأخذوا في ايديهم من اثمار الارض ونزلوا به الينا وردّوا لنا خبرا وقالوا جيدة هي الارض التي اعطانا الرب الهنا
26Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios.
26لكنكم لم تشاءوا ان تصعدوا وعصيتم قول الرب الهكم
27At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin.
27وتمرمرتم في خيامكم وقلتم الرب بسبب بغضته لنا قد اخرجنا من ارض مصر ليدفعنا الى ايدي الاموريين لكي يهلكنا.
28Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo.
28الى اين نحن صاعدون. قد اذاب اخوتنا قلوبنا قائلين. شعب اعظم واطول منا. مدن عظيمة محصّنة الى السماء وايضا قد راينا بني عناق هناك.
29Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.
29فقلت لكم لا ترهبوا ولا تخافوا منهم.
30Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata;
30الرب الهكم السائر امامكم هو يحارب عنكم حسب كل ما فعل معكم في مصر امام اعينكم
31At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito.
31وفي البرية حيث رأيت كيف حملك الرب الهك كما يحمل الانسان ابنه في كل الطريق التي سلكتموها حتى جئتم الى هذا المكان.
32Gayon ma'y sa bagay na ito, ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios,
32ولكن في هذا الامر لستم واثقين بالرب الهكم
33Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.
33السائر امامكم في الطريق ليلتمس لكم مكانا لنزولكم في نار ليلا ليريكم الطريق التي تسيرون فيها وفي سحاب نهارا.
34At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi,
34وسمع الرب صوت كلامكم فسخط واقسم قائلا.
35Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang,
35لن يرى انسان من هؤلاء الناس من هذا الجيل الشرير الارض الجيدة التي اقسمت ان اعطيها لآبائكم
36Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.
36ما عدا كالب بن يفنّة. هو يراها وله اعطي الارض التي وطئها ولبنيه لانه قد اتبع الرب تماما.
37Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon:
37وعليّ ايضا غضب الرب بسببكم قائلا وانت ايضا لا تدخل الى هناك.
38Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.
38يشوع بن نون الواقف امامك هو يدخل الى هناك. شدّده لانه هو يقسمها لاسرائيل.
39Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.
39واما اطفالكم الذين قلتم يكونون غنيمة وبنوكم الذين لم يعرفوا اليوم الخير والشر فهم يدخلون الى هناك ولهم اعطيها وهم يملكونها.
40Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.
40واما انتم فتحولوا وارتحلوا الى البرية على طريق بحر سوف
41Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.
41فاجبتم وقلتم لي قد اخطأنا الى الرب. نحن نصعد ونحارب حسب كل ما امرنا الرب الهنا. وتنطّقتم كل واحد بعدة حربه واستخففتم الصعود الى الجبل.
42At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.
42فقال الرب لي قل لهم لا تصعدوا ولا تحاربوا لاني لست في وسطكم لئلا تنكسروا امام اعدائكم.
43Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok.
43فكلمتكم ولم تسمعوا بل عصيتم قول الرب وطغيتم وصعدتم الى الجبل.
44At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.
44فخرج الاموريون الساكنون في ذلك الجبل للقائكم وطردوكم كما يفعل النحل وكسروكم في سعير الى حرمة.
45At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.
45فرجعتم وبكيتم امام الرب ولم يسمع الرب لصوتكم ولا اصغى اليكم.
46Sa gayon, ay natira kayong malaon sa Cades, ayon sa mga araw na inyong itinira roon.
46وقعدتم في قادش اياما كثيرة كالايام التي قعدتم فيها