1Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:
1وهذه هي الوصايا والفرائض والاحكام التي امر الرب الهكم ان اعلمكم لتعملوها في الارض التي انتم عابرون اليها لتمتلكوها
2Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at upang ang iyong mga araw ay lumawig.
2لكي تتقي الرب الهك وتحفظ جميع فرائضه ووصاياه التي انا اوصيك بها انت وابنك وابن ابنك كل ايام حياتك ولكي تطول ايامك.
3Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
3فاسمع يا اسرائيل واحترز لتعمل لكي يكون لك خير وتكثر جدا كما كلمك الرب اله آبائك في ارض تفيض لبنا وعسلا
4Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:
4اسمع يا اسرائيل. الرب الهنا رب واحد.
5At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
5فتحب الرب الهك من كل قلبك ومن كل نفسك ومن كل قوتك.
6At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;
6ولتكن هذه الكلمات التي انا اوصيك بها اليوم على قلبك
7At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.
7وقصّها على اولادك وتكلم بها حين تجلس في بيتك وحين تمشي في الطريق وحين تنام وحين تقوم
8At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.
8واربطها علامة على يدك ولتكن عصائب بين عينيك
9At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.
9واكتبها على قوائم ابواب بيتك وعلى ابوابك
10At mangyayari, pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, upang ibigay sa iyo; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo,
10ومتى أتى بك الرب الهك الى الارض التي حلف لآبائك ابراهيم واسحق ويعقوب ان يعطيك. الى مدن عظيمة جيدة لم تبنها
11At mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, na hindi mo pinuno, at mga balong hukay na hindi mo hinukay, mga ubasan at mga puno ng olibo, na hindi mo itinanim, at iyong kakanin at ikaw ay mabubusog;
11وبيوت مملوءة كل خير لم تملأها وآبار محفورة لم تحفرها وكروم وزيتون لم تغرسها واكلت وشبعت
12At magingat ka nga, baka iyong malimutan ang Panginoon, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
12فاحترز لئلا تنسى الرب الذي اخرجك من ارض مصر من بيت العبودية.
13Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka.
13الرب الهك تتقي واياه تعبد وباسمه تحلف.
14Huwag kang susunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bansang nasa palibot mo;
14لا تسيروا وراء آلهة اخرى من آلهة الامم التي حولكم.
15Sapagka't ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo, ay isang mapanibughuing Dios; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo, at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa.
15لان الرب الهكم اله غيور في وسطكم لئلا يحمى غضب الرب الهكم عليكم فيبيدكم عن وجه الارض.
16Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.
16لا تجربوا الرب الهكم كما جربتموه في مسّة.
17Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo.
17احفظوا وصايا الرب الهكم وشهاداته وفرائضه التي اوصاكم بها.
18At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon: upang ikabuti mo, at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang,
18واعمل الصالح والحسن في عيني الرب لكي يكون لك خير وتدخل وتمتلك الارض الجيدة التي حلف الرب لآبائك
19Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo, gaya ng sinalita ng Panginoon.
19ان ينفي جميع اعدائك من امامك. كما تكلم الرب
20Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin: Anong kahulugan ng mga patotoo, at ng mga palatuntunan, at ng mga kahatulan, na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios?
20اذا سألك ابنك غدا قائلا. ما هي الشهادات والفرائض والاحكام التي اوصاكم بها الرب الهنا
21Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak: Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto, at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay.
21تقول لابنك. كنا عبيدا لفرعون في مصر فاخرجنا الرب من مصر بيد شديدة.
22At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at panggiba, sa Egipto, kay Faraon, at sa kaniyang buong sangbahayan, sa harap ng aming mga mata:
22وصنع الرب آيات وعجائب عظيمة ورديئة بمصر بفرعون وجميع بيته امام اعيننا
23At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang.
23واخرجنا من هناك لكي ياتي بنا ويعطينا الارض التي حلف لآبائنا.
24At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito.
24فامرنا الرب ان نعمل جميع هذه الفرائض ونتقي الرب الهنا ليكون لنا خير كل الايام ويستبقينا كما في هذا اليوم.
25At siya'y magiging katuwiran sa atin, kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, gaya ng iniutos niya sa atin.
25وانه يكون لنا بر اذا حفظنا جميع هذه الوصايا لنعملها امام الرب الهنا كما اوصانا