1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
1وكلم الرب موسى قائلا.
2Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.
2كلم بني اسرائيل ان يأخذوا لي تقدمة. من كل من يحثّه قلبه تأخذون تقدمتي.
3At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;
3وهذه هي التقدمة التي تاخذونها منهم. ذهب وفضة ونحاس
4At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;
4واسمانجوني وارجوان وقرمز وبوص وشعر معزى
5At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
5وجلود كباش محمّرة وجلود تخس وخشب سنط
6Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;
6وزيت للمنارة واطياب لدهن المسحة وللبخور العطر
7Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.
7وحجارة جزع وحجارة ترصيع للرداء والصدرة.
8At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.
8فيصنعون لي مقدسا لاسكن في وسطهم.
9Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.
9بحسب جميع ما انا أريك من مثال المسكن ومثال جميع آنيته هكذا تصنعون
10At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon.
10فيصنعون تابوتا من خشب السنط طوله ذراعان ونصف وعرضه ذراع ونصف وارتفاعه ذراع ونصف.
11At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot.
11وتغشّيه بذهب نقي. من داخل ومن خارج تغشّيه. وتصنع عليه اكليلا من ذهب حواليه.
12At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon.
12وتسبك له اربع حلقات من ذهب وتجعلها على قوائمه الاربع. على جانبه الواحد حلقتان وعلى جانبه الثاني حلقتان.
13At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.
13وتصنع عصوين من خشب السنط وتغشّيهما بذهب.
14At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
14وتدخل العصوين في الحلقات على جانبي التابوت ليحمل التابوت بهما.
15Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.
15تبقى العصوان في حلقات التابوت. لا تنزعان منها.
16At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo.
16وتضع في التابوت الشهادة التي اعطيك.
17At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon.
17وتصنع غطاء من ذهب نقي طوله ذراعان ونصف وعرضه ذراع ونصف.
18At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.
18وتصنع كروبين من ذهب. صنعة خراطة تصنعهما على طرفي الغطاء.
19At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.
19فاصنع كروبا واحدا على الطرف من هنا. وكروبا آخر على الطرف من هناك. من الغطاء تصنعون الكروبين على طرفيه.
20At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.
20ويكون الكروبان باسطين اجنحتهما الى فوق مظلّلين باجنحتهما على الغطاء ووجههما كل واحد الى الآخر. نحو الغطاء يكون وجها الكروبين.
21At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.
21وتجعل الغطاء على التابوت من فوق. وفي التابوت تضع الشهادة التي اعطيك.
22At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
22وانا اجتمع بك هناك واتكلم معك من على الغطاء من بين الكروبين اللذين على تابوت الشهادة بكل ما اوصيك به الى بني اسرائيل
23At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.
23وتصنع مائدة من خشب السنط طولها ذراعان وعرضها ذراع وارتفاعها ذراع ونصف.
24At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.
24وتغشّيها بذهب نقي. وتصنع لها اكليلا من ذهب حواليها.
25At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon.
25وتصنع لها حاجبا على شبر حواليها. وتصنع لحاجبها اكليلا من ذهب حواليها.
26At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
26وتصنع لها اربع حلقات من ذهب وتجعل الحلقات على الزوايا الاربع التي لقوائهما الاربع.
27Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.
27عند الحاجب تكون الحلقات بيوتا لعصوين لحمل المائدة.
28At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon.
28وتصنع العصوين من خشب السنط وتغشّيهما بذهب. فتحمل بهما المائدة.
29At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.
29وتصنع صحافها وصحونها وكاساتها وجاماتها التي يسكب بها. من ذهب نقي تصنعها.
30At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.
30وتجعل على المائدة خبز الوجوه امامي دائما
31At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:
31وتصنع منارة من ذهب نقي. عمل الخراطة تصنع المنارة قاعدتها وساقها. تكون كاساتها وعجرها وازهارها منها.
32At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:
32وست شعب خارجة من جانبيها. من جانبها الواحد ثلاث شعب منارة. ومن جانبها الثاني ثلاث شعب منارة.
33At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
33في الشعبة الواحدة ثلاث كاسات لوزية بعجرة وزهر. وفي الشعبة الثانية ثلاث كاسات لوزية بعجرة وزهر. وهكذا الى الست الشعب الخارجة من المنارة.
34At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
34وفي المنارة اربع كاسات لوزية بعجرها وازهارها.
35At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero.
35وتحت الشعبتين منها عجرة وتحت الشعبتين منها عجرة وتحت الشعبتين منها عجرة الى الست الشعب الخارجة من المنارة.
36Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto.
36تكون عجرها وشعبها منها. جميعها خراطة واحدة من ذهب نقي.
37At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero.
37وتصنع سرجها سبعة. فتصعد سرجها لتضيء الى مقابلها.
38At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.
38وملاقطها ومنافضها من ذهب نقي.
39Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito.
39من وزنة ذهب نقي تصنع مع جميع هذه الاواني.
40At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.
40وانظر فاصنعها على مثالها الذي أظهر لك في الجبل