1Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi: Mula sa dulong hilagaan, sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath, Hasar-enan, sa hangganan ng Damasco, na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath; (at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran), ang Dan, isang bahagi.
1وهذه اسماء الاسباط. من طرف الشمال الى جانب طريق حثلون الى مدخل حماة حصر عينان تخم دمشق شمالا الى جانب حماة لدان. فيكون له من الشرق الى البحر قسم واحد.
2At sa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Aser, isang bahagi.
2وعلى تخم دان من جانب المشرق الى جانب البحر لاشير قسم واحد.
3At sa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Nephtali, isang bahagi.
3وعلى تخم اشير من جانب الشرق الى جانب البحر لنفتالي قسم واحد.
4At sa tabi ng hangganan ng Nephtali, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Manases, isang bahagi.
4وعلى تخم نفتالي من جانب الشرق الى جانب البحر لمنسّى قسم واحد.
5At sa tabi ng hangganan ng Manases, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ephraim, isang bahagi.
5وعلى تخم منسّى من جانب الشرق الى جانب البحر لافرايم قسم واحد.
6At sa tabi ng hangganan ng Ephraim, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ruben, isang bahagi.
6وعلى تخم افرايم من جانب الشرق الى جانب البحر لرأوبين قسم واحد.
7At sa tabi ng hangganan ng Ruben, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Juda, isang bahagi.
7وعلى تخم رأوبين من جانب الشرق الى جانب البحر ليهوذا قسم واحد.
8At sa tabi ng hangganan ng Juda, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, malalagay ang alay na inyong ihahandog, dalawang pu't limang libong tambo ang luwang, at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon.
8وعلى تخم يهوذا من جانب الشرق الى جانب البحر تكون التقدمة التي تقدمونها خمسة وعشرين الفا عرضا والطول كاحد الاقسام من جانب الشرق الى جانب البحر ويكون المقدس في وسطها.
9Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu't limang libong tambo ang haba, at sangpung libo ang luwang.
9التقدمة التي تقدمونها للرب تكون خمسة وعشرين الفا طولا وعشرة آلاف عرضا.
10At magiging sa mga ito, sa makatuwid baga'y sa mga saserdote, ang banal na alay; sa dakong hilagaan ay dalawang pu't limang libo ang haba, at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong timugan ay dalawang pu't limang libo ang haba: at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon.
10ولهؤلاء تكون تقدمة القدس للكهنة. من جهة الشمال خمسة وعشرون الفا في الطول ومن جهة البحر عشرة آلاف في العرض ومن جهة الشرق عشرة آلاف في العرض ومن جهة الجنوب خمسة وعشرون الفا في الطول ويكون مقدس الرب في وسطها.
11Ito'y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc, na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel, na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw.
11اما المقدس فللكهنة من بني صادوق الذين حرسوا حراستي الذين لم يضلّوا حين ضل بنو اسرائيل كما ضل اللاويون.
12At sa kanila'y magiging alay na mula sa alay ng lupain, bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita.
12وتكون لهم تقدمة من تقدمة الارض قدس اقداس على تخم اللاويين
13At ayon sa hangganan ng mga saserdote, ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang: ang buong haba ay magiging dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo.
13وللاويين على موازاة تخم الكهنة خمسة وعشرون الفا في الطول وعشرة آلاف في العرض الطول كله خمسة وعشرون الفا والعرض عشرة آلاف.
14At hindi nila ipagbibili, o ipagpapalit man, o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain; sapagka't ito'y banal sa Panginoon.
14ولا يبيعون منه ولا يبدلون ولايصرفون باكورات الارض لانها مقدسة للرب.
15At ang limang libo na naiwan sa naluwangan, sa tapat ng dalawang pu't limang libo, magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan, sa tahanan at sa mga nayon; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon.
15والخمسة الآلاف الفاضلة من العرض قدام الخمسة والعشرين الفا هي محللة للمدينة للسكنى وللمسرح والمدينة تكون في وسطها.
16At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon: sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan.
16وهذه اقيستها. جانب الشمال اربعة آلاف وخمس مئة وجانب الجنوب اربعة آلاف وخمس مئة وجانب الشرق اربعة آلاف وخمس مئة وجانب الغرب اربعة آلاف وخمس مئة.
17At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon: sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu.
17ويكون مسرح للمدينة نحو الشمال مئتين وخمسين ونحو الجنوب مئتين وخمسين ونحو الشرق مئتين وخمسين ونحو الغرب مئتين وخمسين.
18At ang labis sa haba, na nauukol sa banal na alay, magiging sangpung libo sa dakong silanganan, at sangpung libo sa dakong kalunuran; at magiging ukol sa banal na alay; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan.
18والباقي من الطول موازيا تقدمة القدس عشرة آلاف نحو الشرق وعشرة آلاف نحو الغرب. ويكون موازيا تقدمة القدس وغلته تكون اكلا لخدمة المدينة.
19At tatamnan nilang nagsisigawa sa bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel.
19اما خدمة المدينة فيخدمونها من كل اسباط اسرائيل.
20Buong alay ay magiging dalawang pu't limang libong tambo at dalawang pu't limang libo: inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay, sangpu ng pag-aari ng bayan.
20كل التقدمة خمسة وعشرون الفا بخمسة وعشرين الفا. مربعة تقدمون تقدمة القدس مع ملك المدينة.
21At ang labis ay magiging sa prinsipe, sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan; sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan, at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa dako ng kalunurang hangganan, na ukol sa mga bahagi, magiging sa prinsipe: at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon.
21والبقية للرئيس من هنا ومن هناك لتقدمة القدس ولملك المدينة قدام الخمسة والعشرين الفا للتقدمة الى تخم الشرق ومن جهة الغرب قدام الخمسة والعشرين الفا على تخم الغرب موازيا املاك الرئيس وتكون تقدمة القدس ومقدس البيت في وسطها.
22Bukod dito'y mula sa pag-aari ng mga Levita, at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe, sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin, magiging sa prinsipe.
22ومن ملك اللاويين من ملك المدينة في وسط الذي هو للرئيس ما بين تخم يهوذا وتخم بنيامين يكون للرئيس.
23At tungkol sa nalabi sa mga lipi: mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Benjamin, isang bahagi.
23وباقي الاسباط فمن جانب الشرق الى جانب البحر لبنيامين قسم واحد.
24At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi.
24وعلى تخم بنيامين من جانب الشرق الى جانب البحر لشمعون قسم واحد.
25At sa tabi ng hangganan ng Simeon, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Issachar, isang bahagi.
25وعلى تخم شمعون من جانب الشرق الى جانب البحر ليساكر قسم واحد.
26At sa tabi ng hangganan ng Issachar, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Zabulon, isang bahagi.
26وعلى تخم يساكر من جانب الشرق الى جانب البحر لزبولون قسم واحد.
27At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Gad, isang bahagi.
27وعلى تخم زبولون من جانب الشرق الى جانب البحر لجاد قسم واحد.
28At sa tabi ng hangganan ng Gad, sa dakong timugan na gawing timugan, ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat.
28وعلى تخم جاد من جانب الجنوب يمينا يكون التخم من ثامار الى مياه مريبة قادش النهر الى البحر الكبير.
29Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana, at ang mga ito ang kanilang mga iba't ibang bahagi, sabi ng Panginoong Dios.
29هذه هي الارض التي تقسمونها ملكا لاسباط اسرائيل وهذه حصصهم يقول السيد الرب
30At ang mga ito ang mga labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat;
30وهذه مخارج المدينة. من جانب الشمال اربعة آلاف وخمس مئة مقياس.
31At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa.
31وابواب المدينة على اسماء اسباط اسرائيل. ثلاثة ابواب نحو الشمال. باب رأوبين وباب يهوذا وباب لاوي.
32At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa:
32والى جانب الشرق اربعة آلاف وخمس مئة وثلاثة ابواب. باب يوسف وباب بنيامين وباب دان.
33At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Simeon, isa; ang pintuang-daan ng Issachar, isa; ang pintuang-daan ng Zabulon, isa:
33وجانب الجنوب اربعة آلاف وخمس مئة مقياس وثلاثة ابواب. باب شمعون وباب يساكر وباب زبولون.
34Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa.
34وجانب الغرب اربعة آلاف وخمس مئة وثلاثة ابواب. باب جاد وباب اشير وباب نفتالي.
35Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot: at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay, Ang Panginoon ay naroroon.
35المحيط ثمانية عشر الفا واسم المدينة من ذلك اليوم يهوه شمّه