1Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia, sa paghahari ni Artajerjes na hari.
1وهؤلاء هم رؤوس آبائهم ونسبة الذين صعدوا معي في ملك ارتحشستا الملك من بابل.
2Sa mga anak ni Phinees, si Gerson; sa mga anak ni Ithamar, si Daniel; sa mga anak ni David, si Hattus.
2من بني فينحاس جرشوم. من بني ايثامار دانيال. من بني داود حطوش.
3Sa mga anak ni Sechanias: sa mga anak ni Pharos, si Zacarias; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu.
3من بني شكنيا من بني فرعوش زكريا وانتسب معه من الذكور مئة وخمسون.
4Sa mga anak ni Pahath-moab, si Eliehoenai na anak ni Zarahias, at kasama niya'y dalawang daang lalake.
4من بني فحث موآب اليهوعيناي بن زرحيا ومعه مئتان من الذكور.
5Sa mga anak ni Sechanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalake.
5من بني شكنيا ابن يحزيئيل ومعه ثلاث مئة من الذكور.
6At sa mga anak ni Adin, si Ebed na anak ni Jonathan; at kasama niya ay limang pung lalake.
6من بني عادين عابد بن يوناثان ومعه خمسون من الذكور.
7At sa mga anak ni Elam, si Isaia na anak ni Athalias, at kasama niya'y pitong pung lalake.
7من بني عيلام يشعيا بن عثليا ومعه سبعون من الذكور.
8At sa mga anak ni Sephatias, si Zebadias na anak ni Michael; at kasama niya'y walong pung lalake.
8ومن بني شفطيا زبديا بن ميخائيل ومعه ثمانون من الذكور.
9Sa mga anak ni Joab, si Obadias na anak ni Jehiel; at kasama niya'y dalawang daan at labing walong lalake.
9من بني يوآب عوبديا بن يحيئيل ومعه مئتان وثمانية عشر من الذكور.
10At sa mga anak ni Solomit, ang anak ni Josiphias; at kasama niya'y isang daan at anim na pung lalake.
10ومن بني شلوميث ابن يوشفيا ومعه مئة وستون من الذكور.
11At sa mga anak ni Bebai, si Zacarias na anak ni Bebai; at kasama niya ay dalawang pu't walong lalake.
11ومن بني باباي زكريا بن باباي ومعه ثمانية وعشرون من الذكور.
12At sa mga anak ni Azgad, si Johanan na anak ni Catan; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake.
12ومن بني عسجد يوحانان بن هقّاطان ومعه مئة وعشرة من الذكور.
13At sa mga anak ni Adonicam, na siyang mga huli: at ang mga ito ang kanilang mga pangalan: Eliphelet, Jeiel, at Semaias, at kasama nila ay anim na pung lalake.
13ومن بني ادونيقام الآخرين وهذه اسماؤهم اليفلط ويعيئيل وشمعيا ومعهم ستون من الذكور.
14At sa mga anak ni Bigvai, si Utai at si Zabud: at kasama nila ay pitong pung lalake.
14ومن بني بغواي عوتاي وزبّود ومعهما سبعون من الذكور
15At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava; at doo'y nangagpahinga kaming tatlong araw; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote, at walang nasumpungan doon sa mga anak ni Levi.
15فجمعتهم الى النهر الجاري الى اهوا ونزلنا هناك ثلاثة ايام. وتأملت الشعب والكهنة ولكنني لم اجد احدا من اللاويين هناك.
16Nang magkagayo'y ipinasundo ko si Eliezer, si Ariel, si Semaias, at si Elnathan, at si Jarib, at si Elnathan, at si Nathan, at si Zacarias, at si Mesullam, na mga pangulong lalake; gayon din si Joiarib, at si Elnathan, na mga tagapagturo.
16فارسلت الى اليعزر واريئيل وشمعيا والناثان وياريب والناثان وناثان وزكريا ومشلام الرؤوس والى يوياريب والناثان الفهيمين
17At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.
17وارسلتهم الى ادّو الراس في المكان المسمى كسفيا وجعلت في افواههم كلاما يكلمون به ادّو واخوته النثينيم في المكان كسفيا ليأتوا الينا بخدام لبيت الهنا.
18At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo:
18فأتوا الينا حسب يد الله الصالحة علينا برجل فطن من بني محلي بن لاوي بن اسرائيل وشربيا وبنيه واخوته ثمانية عشر
19At si Hasabias, at kasama niya'y si Isaia sa mga anak ni Merari, ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake, dalawang pu;
19وحشبيا ومعه يشعيا من بني مراري واخوته وبنوهم عشرون.
20At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay nasasaysay ayon sa pangalan.
20ومن النثينيم الذين جعلهم داود مع الرؤساء لخدمة اللاويين من النثينيم مئتين وعشرين. الجميع تعينوا باسمائهم.
21Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.
21وناديت هناك بصوم على نهر اهوا لكي نتذلل امام الهنا لنطلب منه طريقا مستقيمة لنا ولاطفالنا ولكل ما لنا.
22Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.
22لاني خجلت من ان اطلب من الملك جيشا وفرسانا لينجدونا على العدو في الطريق لاننا كلمنا الملك قائلين ان يد الهنا على كل طالبيه للخير. وصولته وغضبه على كل من يتركه.
23Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
23فصمنا وطلبنا ذلك من الهنا فاستجاب لنا.
24Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila.
24وافرزت من رؤساء الكهنة اثني عشر شربيا وحشبيا ومعهما من اخوتهما عشرة.
25At tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon:
25ووزنت لهم الفضة والذهب والآنية تقدمة بيت الهنا التي قدمها الملك ومشيروه ورؤساؤه وجميع اسرائيل الموجودين.
26Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento;
26وزنت ليدهم ست مئة وخمسين وزنة من الفضة ومئة وزنة من آنية الفضة ومئة وزنة من الذهب
27At dalawang pung mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto.
27وعشرين قدحا من الذهب الف درهم وآنية من نحاس صقيل جيد ثمين كالذهب.
28At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.
28وقلت لهم انتم مقدسون للرب والآنية مقدسة والفضة والذهب تبرع للرب اله آبائكم.
29Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon.
29فاسهروا واحفظوها حتى تزنوها امام رؤساء الكهنة واللاويين ورؤساء آباء اسرائيل في اورشليم في مخادع بيت الرب.
30Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios.
30فاخذ الكهنة واللاويون وزن الفضة والذهب والآنية ليأتوا بها الى اورشليم الى بيت الهنا
31Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.
31ثم رحلنا من نهر اهوا في الثاني عشر من الشهر الاول لنذهب الى اورشليم وكانت يد الهنا علينا فانقذنا من يد العدو والكامن على الطريق.
32At tayo ay nagsidating sa Jerusalem, at nagsitahan doon na tatlong araw.
32فأتينا الى اورشليم واقمنا هناك ثلاثة ايام.
33At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita)
33وفي اليوم الرابع وزنت الفضة والذهب والآنية في بيت الهنا على يد مريموث بن اوريا الكاهن ومعه العازار بن فينحاس ومعهما يوزاباد بن يشوع ونوعديا بن بنّوي اللاويان.
34Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang, at ng timbang: at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon.
34بالعدد والوزن للكل وكتب كل الوزن في ذلك الوقت.
35Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon.
35وبنو السبي القادمون من السبي قرّبوا محرقات لاله اسرائيل اثني عشر ثورا عن كل اسرائيل وستة وتسعين كبشا وسبعة وسبعين خروفا واثني عشر تيسا ذبيحة خطية. الجميع محرقة للرب.
36At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog: at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios.
36واعطوا اوامر الملك لمرازبة الملك وولاة عبر النهر فاعانوا الشعب وبيت الله