Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Hosea

4

1Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain.
1اسمعوا قول الرب يا بني اسرائيل. ان للرب محاكمة مع سكان الارض لانه لا امانة ولا احسان ولا معرفة الله في الارض.
2Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo.
2لعن وكذب وقتل وسرقة وفسق. يعتنفون ودماء تلحق دماء.
3Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli.
3لذلك تنوح الارض ويذبل كل من يسكن فيها مع حيوان البرية وطيور السماء واسماك البحر ايضا تنتزع
4Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote.
4ولكن لا يحاكم احد ولا يعاتب احد. وشعبك كمن يخاصم كاهنا.
5At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina.
5فتتعثر في النهار ويتعثر ايضا النبي معك في الليل وانا اخرب امّك.
6Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak.
6قد هلك شعبي من عدم المعرفة. لانك انت رفضت المعرفة ارفضك انا حتى لا تكهن لي. ولانك نسيت شريعة الهك انسى انا ايضا بنيك.
7Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian.
7على حسبما كثروا هكذا اخطأوا اليّ فابدل كرامتهم بهوان.
8Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan.
8يأكلون خطية شعبي والى اثمهم يحملون نفوسهم.
9At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa.
9فيكون كما الشعب هكذا الكاهن واعاقبهم على طرقهم وارد اعمالهم عليهم.
10At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon.
10فيأكلون ولا يشبعون ويزنون ولا يكثرون لانهم قد تركوا عبادة الرب.
11Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman.
11الزنى والخمر والسلافة تخلب القلب.
12Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios.
12شعبي يسأل خشبه وعصاه تخبره لان روح الزنى قد اضلّهم فزنوا من تحت الههم.
13Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
13يذبحون على رؤوس الجبال ويبخرون على التلال تحت البلوط واللبنى والبطم لان ظلها حسن. لذلك تزني بناتكم وتفسق كنّاتكم.
14Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak.
14لا اعاقب بناتكم لانهنّ يزنين ولا كنّاتكم لانهنّ يفسقن. لانهم يعتزلون مع الزانيات ويذبحون مع الناذرات الزنى. وشعب لا يعقل يصرع
15Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon.
15ان كنت انت زانيا يا اسرائيل فلا يأثم يهوذا. ولا تأتوا الى الجلجال ولا تصعدوا الى بيت آون ولا تحلفوا حيّ هو الرب.
16Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako.
16انه قد جمح اسرائيل كبقرة جامحة. الآن يرعاهم الرب كخروف في مكان واسع.
17Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya.
17افرايم موثق بالاصنام. اتركوه.
18Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan.
18متى انتهت منادمتهم زنوا زنى. احب مجانّها احبوا الهوان.
19Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain.
19قد صرّتها الريح في اجنحتها وخجلوا من ذبائحهم