1Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.
1حينما كنت اشفي اسرائيل أعلن اثم افرايم وشرور السامرة فانهم قد صنعوا غشا. السارق دخل والغزاة نهبوا في الخارج.
2At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; sila'y nangasa harap ko.
2ولا يفتكرون في قلوبهم اني قد تذكرت كل شرهم. الآن قد احاطت بهم افعالهم. صارت امام وجهي
3Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.
3بشرّهم يفرّحون الملك وبكذبهم الرؤساء.
4Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.
4كلهم فاسقون كتنور محمى من الخباز. يبطّل الايقاد من وقتما يعجن العجين الى ان يختمر.
5Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.
5يوم ملكنا يمرض الرؤساء من سورة الخمر. يبسط يده مع المستهزئين.
6Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.
6لانهم يقربون قلوبهم في مكيدتهم كالتنور. كل الليل ينام خبازهم وفي الصباح يكون محمى كنار ملتهبة.
7Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: wala sa kanila na tumawag sa akin.
7كلهم حامون كالتنور واكلوا قضاتهم. جميع ملوكهم سقطوا. ليس بينهم من يدعو اليّ
8Ang Ephraim, nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.
8افرايم يختلط بالشعوب. افرايم صار خبز ملّة لم يقلب.
9Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.
9اكل الغرباء ثروته وهو لا يعرف وقد رشّ عليه الشيب وهو لا يعرف.
10At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.
10وقد أذلّت عظمة اسرائيل في وجهه وهم لا يرجعون الى الرب الههم ولا يطلبونه مع كل هذا.
11At ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.
11وصار افرايم كحمامة رعناء بلا قلب. يدعون مصر. يمضون الى اشور.
12Pagka sila'y magsisiyaon, ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig sa kanilang kapisanan.
12عندما يمضون ابسط عليهم شبكتي. القيهم كطيور السماء. أودّبهم بحسب خبر جماعتهم
13Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.
13ويل لهم لانهم هربوا عني. تبّا لهم لانهم اذنبوا اليّ. انا افديهم وهم تكلموا عليّ بكذب.
14At sila'y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.
14ولا يصرخون اليّ بقلوبهم حينما يولولون على مضاجعهم. يتجمعون لاجل القمح والخمر ويرتدّون عني.
15Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.
15وانا انذرتهم وشددت اذرعهم وهم يفكرون عليّ بالشر.
16Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto.
16يرجعون ليس الى العلي. قد صاروا كقوس مخطئة. يسقط رؤساؤهم بالسيف من اجل سخط ألسنتهم. هذا هزؤهم في ارض مصر