1Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
1أتصطاد لوياثان بشص او تضغط لسانه بحبل.
2Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
2أتضع أسلة في خطمه ام تثقب فكّه بخزامة.
3Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
3أيكثر التضرعات اليك ام يتكلم معك باللين.
4Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
4هل يقطع معك عهدا فتتخذه عبدا مؤبدا.
5Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
5أتلعب معه كالعصفور او تربطه لاجل فتياتك.
6Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal?
6هل تحفر جماعة الصيادين لاجله حفرة او يقسمونه بين الكنعانيين.
7Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
7أتملأ جلده حرابا وراسه بإلال السمك.
8Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
8ضع يدك عليه. لا تعد تذكر القتال.
9Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
9هوذا الرجاء به كاذب. ألا يكبّ ايضا برؤيته.
10Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko?
10ليس من شجاع يوقظه فمن يقف اذا بوجهي.
11Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
11من تقدمني فاوفيه. ما تحت كل السموات هو لي
12Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.
12لا اسكت عن اعضائه وخبر قوته وبهجة عدّته.
13Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil?
13من يكشف وجه لبسه ومن يدنو من مثنى لجمته.
14Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
14من يفتح مصراعي فمه. دائرة اسنانه مرعبة.
15Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit.
15فخره مجان مانعة محكّمة مضغوطة بخاتم
16Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon.
16الواحد يمسّ الآخر فالريح لا تدخل بينها.
17Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay.
17كل منها ملتصق بصاحبه متلكّدة لا تنفصل.
18Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga.
18عطاسه يبعث نورا وعيناه كهدب الصبح.
19Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas.
19من فيه تخرج مصابيح. شرار نار تتطاير منه.
20Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib.
20من منخريه يخرج دخان كانه من قدر منفوخ او من مرجل.
21Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig.
21نفسه يشعل جمرا ولهيب يخرج من فيه.
22Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya.
22في عنقه تبيت القوة وامامه يدوس الهول.
23Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw.
23مطاوي لحمه متلاصقة مسبوكة عليه لا تتحرك.
24Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
24قلبه صلب كالحجر وقاس كالرحى.
25Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila.
25عند نهوضه تفزع الاقوياء. من المخاوف يتيهون
26Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man.
26سيف الذي يلحقه لا يقوم ولا رمح ولا مزراق ولا درع.
27Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy.
27يحسب الحديد كالتبن والنحاس كالعود النخر.
28Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo.
28لا يستفزّه نبل القوس. حجارة المقلاع ترجع عنه كالقش.
29Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat.
29يحسب المقمعة كقش ويضحك على اهتزاز الرمح.
30Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik.
30تحته قطع خزف حادة. يمدد نورجا على الطين.
31Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid.
31يجعل العمق يغلي كالقدر ويجعل البحر كقدر عطارة.
32Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman.
32يضيء السبيل وراءه فيحسب اللج اشيب.
33Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, na likhang walang takot.
33ليس له في الارض نظير. صنع لعدم الخوف.
34Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
34يشرف على كل متعال. هو ملك على كل بني الكبرياء