Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Joshua

18

1At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.
1واجتمع كل جماعة بني اسرائيل في شيلوه ونصبوا هناك خيمة الاجتماع. وأخضعت الارض قدامهم.
2At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana.
2وبقي من بني اسرائيل ممن لم يقسموا نصيبهم سبعة اسباط.
3At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?
3فقال يشوع لبني اسرائيل حتى متى انتم متراخون عن الدخول لامتلاك الارض التي اعطاكم اياها الرب اله آبائكم.
4Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.
4هاتوا ثلاثة رجال من كل سبط فارسلهم فيقوموا ويسيروا في الارض ويكتبوها بحسب انصبتهم ثم يأتوا اليّ.
5At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.
5وليقسموها الى سبعة اقسام فيقيم يهوذا على تخمه من الجنوب ويقيم بيت يوسف على تخمهم من الشمال.
6At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios;
6وانتم تكتبون الارض سبعة اقسام ثم تأتون اليّ هنا فالقي لكم قرعة ههنا امام الرب الهنا.
7Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.
7لانه ليس للاويين قسم في وسطكم لان كهنوت الرب هو نصيبهم وجاد ورأوبين ونصف سبط منسّى قد اخذوا نصيبهم في عبر الاردن نحو الشروق الذي اعطاهم اياه موسى عبد الرب.
8At ang mga lalake ay tumindig at yumaon: at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain, na sinasabi, Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin, at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo.
8فقام الرجال وذهبوا. واوصى يشوع الذاهبين لكتابة الارض قائلا. اذهبوا وسيروا في الارض واكتبوها ثم ارجعوا اليّ فالقي لكم هنا قرعة امام الرب في شيلوه.
9At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo.
9فسار الرجال وعبروا في الارض وكتبوها حسب المدن سبعة اقسام في سفر ثم جاءوا الى يشوع الى المحلّة في شيلوه.
10At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga bahagi.
10فالقى لهم يشوع قرعة في شيلوه امام الرب وهناك قسم يشوع الارض لبني اسرائيل حسب فرقهم
11At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose.
11وطلعت قرعة سبط بني بنيامين حسب عشائرهم. وخرج تخم قرعتهم بين بني يهوذا وبني يوسف.
12At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven.
12وكان تخمهم من جهة الشمال من الاردن. وصعد التخم الى جانب اريحا من الشمال وصعد في الجبل غربا وكانت مخارجه عند برية بيت آون.
13At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng Beth-horon sa ibaba.
13وعبر التخم من هناك الى لوز الى جانب لوز الجنوبي. هي بيت ايل. ونزل التخم الى عطاروت ادّار على الجبل الذي الى جنوب بيت حورون السفلى.
14At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.
14وامتد التخم ودار الى جهة الغرب جنوبا من الجبل الذي مقابل بيت حورون جنوبا. وكانت مخارجه عند قرية بعل. هي قرية يعاريم. مدينة لبني يهوذا. هذه هي جهة الغرب.
15At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa:
15وجهة الجنوب هي اقصى قرية يعاريم وخرج التخم غربا وخرج الى منبع مياه نفتوح.
16At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan; at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel;
16ونزل التخم الى طرف الجبل الذي مقابل وادي ابن هنوم الذي في وادي الرفائيين شمالا ونزل الى وادي هنوم الى جانب اليبوسيين من الجنوب ونزل الى عين روجل
17At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,
17وامتد من الشمال وخرج الى عين شمس وخرج الى جليلوت التي مقابل عقبة ادميم ونزل الى حجر بوهن بن رأوبين
18At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba;
18وعبر الى الكتف مقابل العربة شمالا ونزل الى العربة.
19At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.
19وعبر التخم الى جانب بيت حجلة شمالا وكانت مخارج التخم عند لسان بحر الملح شمالا الى طرف الاردن جنوبا هذا هو تخم الجنوب.
20At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
20والاردن يتخمه من جهة الشرق. فهذا هو نصيب بني بنيامين مع تخومه مستديرا حسب عشائرهم
21Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:
21وكانت مدن سبط بني بنيامين حسب عشائرهم اريحا وبيت حجلة ووادي قصيص
22At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el,
22وبيت العربة وصمارايم وبيت ايل
23At Avim, at Para, at Ophra,
23والعوّيم والفارة وعفرة
24At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
24وكفر العموني والعفني وجبع ست عشرة مدينة مع ضياعها.
25Gabaon, at Rama, at Beeroth,
25جبعون والرامة وبئيروت
26At Mizpe, at Chephira, at Moza;
26والمصفاة والكفيرة والموصة
27At Recoem, at Irpeel, at Tarala;
27وراقم ويرفئيل وترالة
28At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.
28وصيلع وآلف واليبوسي. هي اورشليم. وجبعة وقرية. اربع عشرة مدينة مع ضياعها. هذا هو نصيب بني بنيامين حسب عشائرهم