1Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
1ثم تقدم رؤساء آباء اللاويين الى العازار الكاهن والى يشوع بن نون والى رؤساء آباء اسباط بني اسرائيل
2At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
2وكلموهم في شيلوه في ارض كنعان قائلين. قد أمر الرب على يد موسى ان نعطى مدنا للسكن مع مسارحها لبهائمنا.
3At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
3فاعطى بنو اسرائيل اللاويين من نصيبهم حسب قول الرب هذه المدن مع مسارحها
4At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
4فخرجت القرعة لعشائر القهاتيين. فكان لبني هرون الكاهن من اللاويين بالقرعة ثلاث عشرة مدينة من سبط يهوذا ومن سبط شمعون ومن سبط بنيامين.
5At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
5ولبني قهات الباقين عشر مدن بالقرعة من عشائر سبط افرايم ومن سبط دان ومن نصف سبط منسّى.
6At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
6ولبني جرشون ثلاث عشرة مدينة بالقرعة من عشائر سبط يساكر ومن سبط اشير ومن سبط نفتالي ومن نصف سبط منسّى في باشان.
7Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
7ولبني مراري حسب عشائرهم اثنتا عشرة مدينة من سبط رأوبين ومن سبط جاد ومن سبط زبولون.
8At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
8فاعطى بنو اسرائيل اللاويين هذه المدن ومسارحها بالقرعة كما أمر الرب على يد موسى.
9At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
9واعطوا من سبط بني يهوذا ومن سبط بني شمعون هذه المدن المسماة باسمائها
10At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
10فكانت لبني هرون من عشائر القهاتيين من بني لاوي لان القرعة الاولى كانت لهم.
11At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
11واعطوهم قرية اربع ابي عناق. هي حبرون. في جبل يهوذا مع مسرحها حواليها.
12Nguni't ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
12واما حقل المدينة وضياعها فاعطوها لكالب بن يفنة ملكا له
13At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
13واعطوا لبني هرون الكاهن مدينة ملجإ القاتل حبرون مع مسارحها ولبنة ومسارحها
14At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.
14ويتّير ومسرحها واشتموع ومسرحها
15At ang Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
15وحولون ومسرحها ودبير ومسرحها
16At ang Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
16وعين ومسرحها ويطّة ومسرحها وبيت شمس ومسرحها. تسع مدن من هذين السبطين.
17At sa lipi ni Benjamin, ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang Geba pati ng mga nayon niyaon;
17ومن سبط بنيامين جبعون ومسرحها وجبع ومسرحها
18Ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
18عناثوث ومسرحها وعلمون ومسرحها. اربع مدن.
19Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
19جميع مدن بني هرون الكهنة ثلاث عشرة مدينة مع مسارحها
20At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
20واما عشائر بني قهات اللاويين الباقين من بني قهات فكانت مدن قرعتهم من سبط افرايم.
21At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Geser pati ng mga nayon niyaon.
21واعطوهم شكيم ومسرحها في جبل افرايم مدينة ملجإ القاتل وجازر ومسرحها
22At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
22وقبصايم ومسرحها وبيت حورون ومسرحها. اربع مدن.
23At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon;
23ومن سبط دان إلتقى ومسرحها وجبّثون ومسرحها
24Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
24وايّلون ومسرحها وجتّ رمّون ومسرحها. اربع مدن.
25At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
25ومن نصف سبط منسّى تعنك ومسرحها وجتّ رمون ومسرحها. مدينتين اثنتين.
26Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.
26كل المدن عشر مع مسارحها لعشائر بني قهات الباقين
27At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
27ولبني جرشون من عشائر اللاويين مدينة ملجإ القاتل من نصف سبط منسّى جولان في باشان ومسرحها وبعشترة ومسرحها مدينتان اثنتان.
28At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;
28ومن سبط يساكر قشيون ومسرحها ودبرة ومسرحها
29Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.
29ويرموت ومسرحها وعين جنّيم ومسرحها. اربع مدن
30At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
30ومن سبط اشير مشآل ومسرحها وعبدون ومسرحها
31Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
31وحلقة ومسرحها ورحوب ومسرحها. اربع مدن.
32At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
32ومن سبط نفتالي مدينة ملجإ القاتل قادش في الجليل ومسرحها وحموت دور ومسرحها وقرتان ومسرحها. ثلاث مدن.
33Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
33جميع مدن الجرشونيين حسب عشائرهم ثلاث عشرة مدينة مع مسارحها
34At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
34ولعشائر بني مراري اللاويين الباقين من سبط زبولون يقنعام ومسرحها وقرتة ومسرحها
35Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
35ودمنة ومسرحها ونحلال ومسرحها. اربع مدن.
36At sa lipi ni Ruben; ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon.
36ومن سبط رأوبين باصر ومسرحها ويهصة ومسرحها
37Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
37وقديموت ومسرحها وميفعة ومسرحها. اربع مدن.
38At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon;
38ومن سبط جاد مدينة ملجإ القاتل راموت في جلعاد ومسرحها ومحنايم ومسرحها
39Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat.
39حشبون ومسرحها ويعزير ومسرحها. كل المدن اربع.
40Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
40فجميع المدن التي لبني مراري حسب عشائرهم الباقين من عشائر اللاويين. وكانت قرعتهم. اثنتا عشرة مدينة.
41Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
41جميع مدن اللاويين في وسط ملك بني اسرائيل ثمان واربعون مدينة مع مسارحها.
42Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito.
42كانت هذه المدن مدينة مدينة مع مسارحها حواليها. هكذا لكل هذه المدن
43Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
43فاعطى الرب اسرائيل جميع الارض التي اقسم ان يعطيها لآبائهم فامتلكوها وسكنوا بها.
44At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
44فاراحهم الرب حواليهم حسب كل ما اقسم لآبائهم ولم يقف قدامهم رجل من جميع اعدائهم بل دفع الرب جميع اعدائهم بايديهم.
45Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.
45لم تسقط كلمة من جميع الكلام الصالح الذي كلم به الرب بيت اسرائيل بل الكل صار