Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Judges

1

1At nangyari, pagkamatay ni Josue, na itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Sino ang unang sasampa sa amin laban sa mga Cananeo, upang lumaban sa kanila?
1وكان بعد موت يشوع ان بني اسرائيل سألوا الرب قائلين من منّا يصعد الى الكنعانيين اولا لمحاربتهم.
2At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang sasampa: narito, aking ibinigay ang lupain sa kaniyang kamay.
2فقال الرب يهوذا يصعد. هوذا قد دفعت الارض ليده.
3At sinabi ng Juda sa Simeon na kaniyang kapatid, Sumampa kang kasama ko sa aking kapalaran, upang ating kalabanin ang mga Cananeo; at ako nama'y sasama sa iyong kapalaran. Sa gayo'y yumaon ang Simeon na kasama niya.
3فقال يهوذا لشمعون اخيه اصعد معي في قرعتي لكي نحارب الكنعانيين فاصعد انا ايضا معك في قرعتك. فذهب شمعون معه.
4At sumampa ang Juda; at ibinigay ng Panginoon ang mga Cananeo, at ang mga Pherezeo sa kanilang kamay: at sinaktan nila sa kanila sa Bezec ay sangpung libong lalake.
4فصعد يهوذا. ودفع الرب الكنعانيين والفرزّيين بيدهم فضربوا منهم في بازق عشرة آلاف رجل.
5At kanilang nasumpungan si Adoni-bezec sa Bezec: at siya'y nilabanan nila, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo.
5ووجدوا ادوني بازق في بازق فحاربوه وضربوا الكنعانيين والفرزّيين.
6Nguni't tumakas si Adoni-bezec; at kanilang hinabol siya, at hinuli siya, at pinutol nila ang mga daliring hinlalaki ng kaniyang kamay at paa.
6فهرب ادوني بازق. فتبعوه وامسكوه وقطعوا أباهم يديه ورجليه.
7At sinabi ni Adoni-bezec, Pitong pung hari, na mga may putol ng kanilang mga hinlalaki sa kamay at sa paa ay namulot ng kanilang pagkain sa ilalim ng aking dulang: kung paano ang aking ginawa ay gayon ako pinaghigantihan ng Dios. At dinala nila siya sa Jerusalem, at siya'y namatay roon.
7فقال ادوني بازق سبعون ملكا مقطوعة أباهم ايديهم وارجلهم كانوا يلتقطون تحت مائدتي. كما فعلت كذلك جازاني الله. وأتوا به الى اورشليم فمات هناك
8At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at sinilaban ng apoy ang bayan.
8وحارب بنو يهوذا اورشليم واخذوها وضربوها بحد السيف واشعلوا المدينة بالنار.
9At pagkatapos, ang mga anak ni Juda ay lumusong na lumaban sa mga Cananeo na tumatahan sa mga lupaing maburol, at sa Timugan, at sa mababang lupa.
9وبعد ذلك نزل بنو يهوذا لمحاربة الكنعانيين سكان الجبل والجنوب والسهل.
10At ang Juda'y yumaon laban sa mga Cananeo na tumatahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron nang una ay Chiriath-arba:) at kanilang sinaktan ang Sesai, at ang Ahiman, at ang Talmai.
10وسار يهوذا على الكنعانيين الساكنين في حبرون. وكان اسم حبرون قبلا قرية اربع. وضربوا شيشاي واخيمان وتلماي.
11At mula roo'y yumaon laban sa mga taga Debir. (Ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.)
11وسار من هناك على سكان دبير. واسم دبير قبلا قرية سفر.
12At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop niyaon, ay doon ko papagaasawahin si Axa na aking anak.
12فقال كالب. الذي يضرب قرية سفر وياخذها اعطيه عكسة ابنتي امرأة.
13At si Othoniel na anak ni Cenez, kapatid na bata ni Caleb, ay siyang sumakop: at pinapag-asawa nito sa kaniya si Axa na kaniyang anak.
13فأخذها عثنيئيل بن قناز اخو كالب الاصغر منه. فاعطاه عكسة ابنته امرأة.
14At nangyari, nang makipisan si Axa, na kaniyang kinilos siya na humingi sa kaniyang ama ng isang bukid: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
14وكان عند دخولها انها غرّته بطلب حقل من ابيها. فنزلت عن الحمار فقال لها كالب ما لك.
15At sinabi ni Axa sa kaniya, Bigyan mo ako ng isang kaloob; sapagka't inilagay mo ako sa lupain na Timugan, bigyan mo naman ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas, at ang mga bukal sa ibaba.
15فقالت له اعطني بركة. لانك اعطيتني ارض الجنوب فاعطني ينابيع ماء. فاعطاها كالب الينابيع العليا والينابيع السفلى
16At ang mga anak ni Cineo, na bayaw ni Moises ay umahon sa bayan ng mga puno ng palma na kasama ng mga anak ni Juda sa ilang ng Juda, na nasa timugan ng Arad; at sila'y naparoon at nagsitahang kasama ng bayan.
16وبنو القيني حمي موسى صعدوا من مدينة النخل مع بني يهوذا الى برية يهوذا التي في جنوبي عراد وذهبوا وسكنوا مع الشعب.
17At ang Juda'y yumaong kasama ng Simeon na kaniyang kapatid, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo na nagsisitahan sa Sephath at lubos na pinuksa. At ang pangalan ng bayan ay tinawag na Horma.
17وذهب يهوذا مع شمعون اخيه وضربوا الكنعانيين سكان صفاة وحرّموها ودعوا اسم المدينة حرمة.
18Sinakop rin naman ng Juda ang Gaza pati ng hangganan niyaon at ang Ascalon pati ng hangganan niyaon, at ang Ecron pati ng hangganan niyaon.
18واخذ يهوذا غزة وتخومها واشقلون وتخومها وعقرون وتخومها.
19At ang Panginoon ay sumasa Juda; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol; sapagka't hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis, dahil sa sila'y may mga karong bakal.
19وكان الرب مع يهوذا فملك الجبل ولكن لم يطرد سكان الوادي لان لهم مركبات حديد.
20At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb, gaya ng sinalita ni Moises: at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac.
20واعطوا لكالب حبرون كما تكلم موسى. فطرد من هناك بني عناق الثلاثة.
21At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
21وبنو بنيامين لم يطردوا اليبوسيين سكان اورشليم فسكن اليبوسيون مع بني بنيامين في اورشليم الى هذا اليوم
22At ang sangbahayan ni Jose, sila'y umahon din laban sa Beth-el: at ang Panginoon ay sumakanila.
22وصعد بيت يوسف ايضا الى بيت ايل والرب معهم.
23At ang sangbahayan ni Jose, ay nagsugo upang tiktikan ang Beth-el. (Ang pangalan nga ng bayan nang una ay Luz.)
23واستكشف بيت يوسف عن بيت ايل. وكان اسم المدينة قبلا لوز.
24At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya, Ituro mo sa amin, isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at kahahabagan ka namin.
24فرأى المراقبون رجلا خارجا من المدينة فقالوا له ارنا مدخل المدينة فنعمل معك معروفا.
25At itinuro niya sa kanila ang pasukan sa bayan, at kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bayan nguni't pinayaon ang lalake at ang madlang sangbahayan niya.
25فأراهم مدخل المدينة فضربوا المدينة بحد السيف واما الرجل وكل عشيرته فاطلقوهم.
26At ang lalake ay pumasok sa lupain ng mga Hetheo, at nagtayo ng isang bayan, at tinawag ang pangalan niyaon na Luz: na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito.
26فانطلق الرجل الى ارض الحثيين وبنى مدينة ودعا اسمها لوز وهو اسمها الى هذا اليوم
27At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon: kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon.
27ولم يطرد منسّى اهل بيت شان وقراها ولا اهل تعنك وقراها ولا سكان دور وقراها ولا سكان يبلعام وقراها ولا سكان مجدو وقراها. فعزم الكنعانيون على السكن في تلك الارض.
28At nangyari, nang lumakas ang Israel, na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo, at hindi nila lubos na pinalayas.
28وكان لما تشدد اسرائيل انه وضع الكنعانيين تحت الجزية ولم يطردهم طردا.
29At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila.
29وافرايم لم يطرد الكنعانيين الساكنين في جازر فسكن الكنعانيون في وسطه في جازر
30Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron, ni ang mga nananahan sa Naalol; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila, at naging mga tagapagpaatag.
30زبولون لم يطرد سكان قطرون ولا سكان نهلول فسكن الكنعانيون في وسطه وكانوا تحت الجزية.
31Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob:
31ولم يطرد اشير سكان عكّو ولا سكان صيدون واحلب واكزيب وحلبة وافيق ورحوب.
32Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila.
32فسكن الاشيريون في وسط الكنعانيين سكان الارض لانهم لم يطردوهم.
33Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya.
33ونفتالي لم يطرد سكان بيت شمس ولا سكان بيت عناة بل سكن في وسط الكنعانيين سكان الارض. فكان سكان بيت شمس وبيت عناة تحت الجزية لهم.
34At piniit ng mga Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol; sapagka't ayaw nilang payagang sila'y lumusong sa libis;
34وحصر الاموريون بني دان في الجبل لانهم لم يدعوهم ينزلون الى الوادي.
35Nguni't inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres, sa Ajalon, at sa Saalbin: gayon ma'y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose, na anopa't sila'y naging mga tagapagpaatag.
35فعزم الاموريون على السكن في جبل حارس في أيلون وفي شعلبيم. وقويت يد بيت يوسف فكانوا تحت الجزية.
36At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim, buhat sa batuhan, at paitaas.
36وكان تخم الاموريين من عقبة عقربّيم من سالع فصاعدا